Learning Experience 13
Pagpapasiya Kung Paano Magtuturo: Manampalataya
Buod
Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:
-
Pagtitiwala sa kapangyarihan ng salita ng Diyos
-
Pagsampalataya sa Panginoon at sa Espiritu
-
Pagtitiwala sa iyong mga estudyante
Mga Pangunahing Konsepto
Tatlong Pangunahing Paniniwala
Nakasaaad sa talata tungkol sa “magturo” sa Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion: “Itinuturo natin sa mga estudyante ang mga doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta. Ang mga doktrina at mga alituntuning ito ay itinuturo sa paraang humahantong sa pagkaunawa at pag-unlad. Tinutulungan natin ang mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral at maihanda sila na ituro ang ebanghelyo sa iba” (Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], x).
Ipinahiwatig sa talatang ito na nakikita sa mga ginagawa ng mahuhusay na titser ang tatlong mahalagang paniniwala:
-
Maaari tayong magtiwala sa kapangyarihan ng salita
-
Maaari tayong manampalataya sa Panginoon at sa Espiritu
-
Maaari tayong magtiwala sa mga estudyante
Sa learning experience na ito, aalamin mong mabuti ang mahahalagang konsepto na ginawa upang palalimin ang iyong pang-unawa at paniniwala sa bawat isa sa tatlong paniniwalang ito.
Tulad ng bawat paa ng isang upuan na may tatlong paa, mahalaga ang bawat isa sa tatlong pangunahing paniniwala na ito. Mas malamang na magtagumpay ang mga titser kapag ang kanilang mga pamamaraan ay nakaayon sa tatlong pangunahing paniniwala na ito.
Gayunman, kung minsan ang mga pamamaraan ng mga titser ay hindi ayon sa pinaniniwalaan nila sa kanilang puso. Tulad ng isang upuan na may tatlong paa na hindi makatatayo nang balanse kapag sira o wala ang isang paa, iminumungkahi sa hanbuk na Gospel Teaching and Learning na kapag hindi nagtatagumpay ang titser, ito kadalasan ay dahil wala ang isa sa mga sumusunod:
-
Pagtitiwala sa kapangyarihan ng salita
-
Pananampalataya sa Panginoon at sa Espiritu
-
Pagtitiwala sa mga estudyante
Panoorin ang video na “Tatlong Pangunahing Paniniwala” (1:47), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ikinuwento ni Chad Webb, administrador ng Seminaries and Institutes of Religion, ang tungkol sa isang pagkakataon na nadama niya na ang kanyang mga pamamaraan sa pagtuturo ay hindi naaayon sa kanyang mga paniniwala. Isulat kung ano ang ipinasiya niyang gawin dahil sa karanasang ito.
Pagtitiwala sa Kapangyarihan ng Salita
Basahin ang dalawang talata sa ilalim ng subheading na “Confidence in the power of the word” sa bahagi 4.1.3 ng hanbuk na Gospel Teaching and Learning (pahina 47–48). Pagkatapos ay basahin ang mga sumusunod na talata sa banal na kasulatan:
Habang nagbabasa mula sa hanbuk at sa mga banal na kasulatan, gawin ang sumusunod:
-
Hanapin ang mga salita o parirala na nagpapakita ng mga pagpapalang maidudulot ng mga banal na kasulatan sa iyong buhay at sa buhay ng iyong mga estudyante.
-
Mag-isip ng mga karanasan na napagpala ng mga banal na kasulatan ang buhay mo o ang buhay ng iba. Maaari mong isulat ang iyong mga saloobin at impresyon.
Sa mga klase kung saan ang mga titser at mga estudyante ay nagtitiwala sa kapangyarihan ng salita, ang mga banal na kasulatan ang pinakamahalagang bahagi sa pagtuturo at pag-aaral. Panoorin ang video na “Scripture-Centered Teaching” (3:20), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ipinaliwanag ni Brother Webb kung ano ang mangyayari kung gagamitin ang mga banal na kasulatan sa klase at kung bakit ito mahalaga. Habang pinanonood mo ito, isaisip ang mga sumusunod na tanong:
-
Ano ang makikita mo sa isang klase kapag ang mga banal na kasulatan ang nasa sentro ng pagtuturo at pag-aaral?
-
Bakit mahalaga para sa mga titser na gawing sentro ang mga banal na kasulatan sa pag-aaral ng mga estudyante sa klase?
Isulat ang mga sagot mo sa mga tanong na ito sa iyong study journal o sa iba pang mapagsusulatan na mahahanap mo agad at ibahagi ang mga ito sa iyong inservice leader o grupo.
Pananampalataya sa Panginoon at sa Espiritu
Basahin ang dalawang talata sa ilalim ng subheading na “Faith in the Lord and in the Spirit” sa bahagi 4.1.3 ng hanbuk na Gospel Teaching and Learning (pahina 48). Habang nagbabasa, alamin kung paano nakagagawa ng kaibhan ang pananampalataya sa Panginoon at sa Espiritu sa buhay ng iyong mga estudyante.
Panoorin ang video na “The Lord Knows Every Need [Alam ng Panginoon ang Bawat Pangangailangan]” (0:45), na makukuha sa LDS.org. Makatutulong ang video na ito na mapalalim ang iyong pag-unawa kung paano ka mapagpapala at ang iyong mga estudyante ng pananampalataya sa Panginoon at sa Espiritu. Habang pinanonood mo ito, isaisip ang mga sumusunod na tanong:
-
Bilang titser, ano ang ilang paraan na maipapakita mo ang iyong pananampalataya sa Panginoon at sa Espiritu?
-
Paano magiging pagpapala sa iyong mga estudyante ang pagtitiwala mo sa Panginoon at sa Espiritu?
Isulat ang mga sagot mo sa mga tanong na ito sa iyong study journal o sa iba pang mapagsusulatan na mahahanap mo agad at ibahagi ang mga ito sa iyong inservice leader o grupo.
Pagtitiwala sa mga Estudyante
Basahin ang unang apat na talata sa ilalim ng subtitle na “Trust in the students” sa bahagi 4.1.3 ng hanbuk na Gospel Teaching and Learning (pahina 48). Habang nagbabasa, hanapin ang mga salita o parirala na nagpapakita kung bakit maaari kang magtiwala sa kakayahan ng mga estudyante na matuto, magturo, at maipamuhay ang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo.
Panoorin ang video na “Inaasahang Higit Pa Mula sa Iyong mga Estudyante” (2:21), na makukuha sa LDS.org. Ang video na ito ay naglalarawan kung paano nakatulong ang inaasahan at tiwala ng titser sa kanyang mga estudyante na kanilang “madama ang pag-antig ng Espiritu” (Bonnie L. Oscarson, “Greater Expectations” [Seminaries and Institutes of Religion satellite broadcast, Ago. 5, 2014], lds.org/broadcasts) at mapalakas ang kanilang pananampalataya. Habang pinanonood mo ito, isaisip ang sumusunod na tanong:
-
Paano naiiba ang isang klase na may titser na nagtitiwala sa kakayahan ng mga estudyante na matuto, magturo, at maipamuhay ang ebanghelyo mula sa isang klase na ang titser ay walang gaanong inaasahan o kaunti ang tiwala sa mga estudyante?
Isulat ang mga naisip mo tungkol sa tanong na ito sa iyong study journal o sa iba pang mapagsusulatan na mahahanap mo agad at ibahagi ang mga ito sa iyong inservice leader o grupo.
Buod at Pagsasabuhay
Mga Alituntuning Dapat Tandaan
Para makapagturo nang epektibo, ang mga pamamaraan mo sa pagtuturo ay dapat ayon sa sumusunod na tatlong pangunahing paniniwala:
-
Maaari tayong magtiwala sa kapangyarihan ng salita ng Diyos.
-
Maaari tayong manampalataya sa Panginoon at sa Espiritu.
-
Maaari tayong magtiwala sa mga estudyante.
Paminsan-minsan ay makatutulong na tanungin ang iyong sarili kung paano mo naipapakita sa iyong mga pamamaraan at ginagawa sa klase ang mga pangunahing paniniwala na ito.
“Hinihiling ko sa inyo, para sa inyong sarili at para sa mga estudyante, na magtiwala na nanaisin nilang basahin [ang Aklat ni Mormon], hindi ang pilitin sila, kundi ang hikayatin sila palapit dito” (Henry B Eyring, “The Book of Mormon Will Change Your Life” [CES symposium tungkol sa Aklat ni Mormon, Ago. 17, 1990], 2, si.lds.org
“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”
Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.