Learning Experience 9
Paghahanda ng Lesson: Pagpapasiya Kung Ano ang Ituturo
Buod
Paalala: Ang susunod na limang learning experience ay ginawa upang tulungan ka na malaman kung paano maghanda ng lesson. Ang learning experience 9–10 ay nakatuon sa pagpapasiya kung ano ang ituturo, at ang learning experience 11–13 ay nakatuon sa pagpapasiya kung paano magtuturo.
Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:
-
Pagtuturo ng mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito
-
Pagbalanse kung ano ang ituturo at kung paano magtuturo
-
Pagpapasiya kung ano ang ituturo
Mga Pangunahing Konsepto
Madalas itanong ng mga bagong katatawag na titser ang mga sumusunod:
-
Paano naiiba ang pagtuturo sa seminary sa pagtuturo sa iba pang mga klase tulad ng Gospel Doctrine, Relief Society, elders quorum, at iba pa?
-
Paano ako maghahanda ng lesson?
-
Ilang oras ang dapat kong iukol sa pagpili kung ano ang ituturo at paano ito ituturo?
-
Paano ako magpapasiya kung ano ang ituturo?
Ang learning experience na ito ay makatutulong sa pagsagot sa ilan sa mga tanong na ito.
Pag-aaral at Pagtuturo ng mga Banal na Kasulatan Ayon sa Pagkakasunod-sunod
Sa mga kurso ng seminary at institute na nakatuon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, ang mga aklat at mga kabanata sa mga banal na kasulatan ay itinuturo ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa mga banal na kasulatan. Ginawa ang mga lesson ayon sa scripture block sa halip na ayon sa mga paksa. Bawat scripture block ay maaaring maglaman ng maraming kabanata, alituntunin, at paksa na maaari mong bigyang-diin. Ang paraang ito ay kakaiba sa mga kurso sa institute na itinuturo ayon sa tema.
Panoorin ang video na “Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan nang Sunod-sunod” (0:46), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, inilarawan ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kabutihang maidudulot ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunud-sunod nito.
Kapag nagtuturo ng scripture block ayon sa pagkakasunod-sunod nito, makapagtuturo ka ng maraming alituntunin sa loob ng isang lesson. Ang bawat alituntunin ay mabibigyan ng iba’t ibang antas ng pagbibigay-diin.
Panoorin ang video na “Ituro ang mga Banal na Kasulatan ayon sa Pagkakasunod-sunod” (4:28), na makukuha sa LDS.org. Ipinakita sa video na ito ang ilang mahahalagang konsepto na dapat isaalang-alang kapag nagpaplanong magturo ng scripture block ayon sa pagkakasunod-sunod nito.
Ano at Paano: Ibalanse ang Iyong Paghahanda
Sa paghahanda ng lesson, mahalagang balanse ang oras na iuukol mo sa pagpapasiya kung ano ang ituturo at paano magtuturo.
Di-balanseng Paghahanda
-
Ano
Kapag ang titser ay nag-ukol ng maraming oras at lakas sa pagpapasiya kung ano ang ituturo, mawawalan siya ng sapat na oras na pag-isipan pa kung paano tutulungan ang mga estudyante na makabahagi sa talakayan sa klase. Madalas na hahantong ito sa mga lesson na nakababagot o nakaiinip at nakasentro lang sa titser.
-
Paano
Kapag ang titser ay nag-ukol ng maraming oras at lakas sa pagpapasiya kung paano ituturo ang lesson, maaaring magkulang sa layunin at epekto ang mga lesson. Sa pangyayaring ito, maaaring mas maalala ng mga estudyante ang paraan ng pagtuturo kaysa sa mga inspiradong mensahe mula sa mga banal na kasulatan.
Balanseng Paghahanda
“Kapag naghahanda ng lesson, lahat ng titser ay dapat magpasiya kung: ‘Ano ang ituturo ko?’ at ‘Paano ko ito ituturo?’” (Gospel Teaching and Learning, 52). Nalaman mo na ngayon kung ano ang mangyayari kapag hindi balanse ang iniukol na oras sa pagpapasiya kung ano ang ituturo at kung paano magtuturo sa iyong paghahanda. Ngayon ay basahin ang mga sumusunod na bahagi at pansinin ang mga katangian ng paghahanda kapag balanse ang iniukol na oras sa pagpapasiya kung ano ang ituturo at kung paano magtuturo.
-
Ano
Kabilang sa paghahanda kung ano ang ituturo ang:
-
Pag-unawa sa konteksto (background, kultura, at tagpo).
-
Pag-unawa sa nilalaman (kuwento, mga tao, mga pangyayari, mga sermon, at mga inspiradong paliwanag).
-
Pagtukoy sa mahalagang doktrina o mga alituntunin.
-
-
Paano
Kabilang sa paghahanda kung paano magtuturo ay ang pagpapasiya kung anong mga pamamaraan at mga aktibidad ang gagamitin mo na makatutulong sa iyong mga estudyante na matuto (talakayan sa klase, mga tanong, audiovisual resources, writing exercises, small group work, at iba pa).
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa bahagi 4.3.2 (“Decide What to Teach and How to Teach It”) sa pahina 52 ng hanbuk na Gospel Teaching and Learning.
Ang Inaalala ng Bagong Titser
Panoorin ang video na “Tamuhin ang Salita” (8:54), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, si Lea Murray ay abalang ina na natawag kamakailan bilang seminary teacher. Tulad ng maraming bagong tawag na titser, inalala niya ang pagkakaroon ng sapat na oras sa paghahanda ng mga lesson at pagtuturo araw-araw. Inisip niya kung saan magsisimula. Habang pinanonood mo ang video, alamin kung kanino siya nagpatulong para sa kanyang tungkulin. Alamin din kung ano ang ipinayo sa kanya hinggil sa pinakamahalagang bagay kung saan siya dapat magsimula kapag naghahanda ng mga lesson.
Pagpapasiya Kung Ano ang Ituturo: Apat na Bahagi
Kapag naghahanda ka ng lesson, sundin ang apat na bahaging ito na tutulong sa iyo na magpasiya kung ano ang ituturo. Ang mga bahaging ito ay ipinaliwanag sa hanbuk na Gospel Teaching and Learning, bahagi 4.3.3 (“Decide What to Teach”), sa pahina 52–55.
-
Pag-aralang mabuti ang mga banal na kasulatan upang maunawaan ang konteksto at nilalaman ng scripture block.
-
Alamin at unawain ang doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa scripture block.
-
Magpasiya kung aling doktrina at mga alituntunin ang pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng iyong mga estudyante.
-
Magpasiya kung gaano mo bibigyang diin ang bawat segment ng scripture block.
Ang sumusunod na aktibidad ay nakatuon sa apat na bahagi ng pagpapasiya kung ano ang ituturo. Sa bawat isa sa apat na bahagi ng aktibidad, panoorin ang video na nagpapakita kung paano kumpletuhin ang bawat bahagi. Pagkatapos ay praktisin ang natutuhan mo sa pamamagitan ng paggawa ng lesson notes habang gumagawa ng outline para sa Mosias 27.
Buod at Pagsasabuhay
Mga Alituntuning Dapat Tandaan
-
Sa mga kurso ng seminary at institute na nakatuon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, ang doktrina at mga alituntunin ay dapat ituro ayon pagkakasunod-sunod nito sa mga banal na kasulatan.
-
Sa paghahanda ng lesson, matitiyak ng balanseng pagtutuon sa kung ano ang ituturo at sa paano magtuturo ang mas makapangyarihan at may layuning pag-aaral.
-
Kapag nagpapasiya kung ano ang ituturo:
-
Pag-aralang mabuti ang mga banal na kasulatan upang maunawaan ang konteksto at nilalaman ng scripture block.
-
Alamin at unawain ang doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa scripture block.
-
Magpasiya kung aling doktrina at mga alituntunin ang pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng iyong mga estudyante.
-
Magpasiya kung gaano mo bibigyang-diin ang bawat segment ng scripture block.
-
“Magpasiya, ayon sa sariling kakayahan at pangangailangan ng inyong mga estudyante, kung ano ang dapat ipriyoridad. Kung ang mahalagang alituntunin ay naunawaan, naipamuhay, at naging bahagi ng buhay ng mga estudyante, maisasagawa ang pinakamahalagang layunin” (Richard G. Scott, “To Understand and Live Truth” [an evening with Elder Richard G. Scott, Peb. 4, 2005], 2–3, si.lds.org).
“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”
Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.