Karagdagang mga Tulong para sa Pag-unlad ng mga Guro
Learning Experience 3: Pagtuturo at Pag-aaral sa Pamamagitan ng Espiritu


Learning Experience 3

Pagtuturo at Pag-aaral sa Pamamagitan ng Espiritu

Buod

Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:

  • Pag-unawa sa gawain ng Banal na Espiritu sa pagtuturo at pag-aaral

  • Pagtugon sa mga nakikita at di-nakikitang pangangailangan ng mga estudyante

  • Pag-anyaya sa impluwensya ng Espiritu Santo

Mga Pangunahing Konsepto

Ang Gawain ng Espiritu Santo sa Pagtuturo at Pag-aaral

“Ang pagtuturo at pag-aaral ng ebanghelyo ay nangyayari sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. … Tanging sa pagtuturo at pag-aaral lamang sa pamamagitan ng Espiritu mauunawaan ng mga estudyante ang mga turo at ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo at aasa rito sa paraan na magiging karapat-dapat sila sa buhay na walang hanggan” (Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], 10).

Bakit Kailangang Magturo at Matuto sa pamamagitan ng Espiritu?

video iconSi Sister Christine Park ay nagturo ng daily seminary sa Redding, California, sa loob ng limang taon at patuloy na naghahangad na matugunan ang mga kakaibang pangangailangan at kalagayan ng kanyang mga estudyante. Panoorin ang video na “Students’ Needs” (1:35), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ibinabahagi ni Sister Park ang kanyang mga inaasam para sa kanyang mga estudyante at gayon din ang kanyang mga inaalala sa kanyang pagsisikap na tulungan ang kanyang mga estudyante na maranasan ang mas malalim na pagbabalik-loob at lubos na paniniwala sa ebanghelyo ni Jesucristo.

1:31
seminary class

Tulad ni Sister Park na may mga estudyante na may iba’t ibang mga pangangailangan at hamon, mararanasan mo rin ito. Ang mga sumusunod na halimbawa ay nagpapakita ng ilang karaniwang kalagayan ng mga estudyante. Isipin kung paano maaaring makaapekto ang mga kalagayan ng iyong mga estudyante sa paggabay ng Espiritu sa iyong pagtuturo.

  • “Minsan, talagang abala ako dahil sa eskwela. Ang daming kailangang gawin sa iba ko pang mga klase.”

  • “Sana makapag-aral akong mabuti sa araw na ito. Hindi ako magaling magbasa at nahihirapan akong mag-aral.”

  • “Napapaligiran ako ng napakaraming tao, pero nalulungkot pa rin ako.”

  • “Gustong-gusto ko dito sa seminary—naramdaman kong tanggap ako rito.”

  • “Hindi ko alam kung dapat bang narito ako ngayon. Nakagawa ako ng mga bagay na ikinahihiya ko.”

  • “Parang ako lang sa pamilya namin ang walang patotoo.”

Kung aasa lamang tayo sa ating sariling mga kakayahan, hindi natin makakayanang tugunan ang lahat ng mga kakaibang pangangailangan ng ating mga estudyante. Gayunman, kung tayo ay handa at sumusunod sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo, tayo ay gagabayan na magturo sa paraang mapapalalim natin ang pagbabalik-loob ng ating mga estudyante at makatutulong sa pagtugon sa nakikita at di-nakikitang mga pangangailangan nila.

video iconPanoorin ang video na “Teaching by the Spirit” (1:39), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ibinabahagi ni Sister Park ang kahalagahan ng paggabay ng Espiritu sa kanyang pagtuturo.

1:39

video iconPagkatapos, panoorin ang video na “Alam ng Panginoon ang Bawat Pangangailangan” (0:45), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ipinapaliwanag ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano ka magagabayan ng Espiritu Santo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.

0:45

Aktibidad sa Gospel Teaching and Learning Handbook

pabalat ng hanbuk

“Ang pagtuturo at pag-aaral sa pamamagitan ng Espiritu ay nangyayari kapag ginagawa ng Espiritu Santo ang Kanyang gawain o tungkulin sa titser, sa estudyante, o sa kanilang dalawa” (Gospel Teaching and Learning, 10).

Ang hanbuk na Gospel Teaching and Learning ay tumutulong na mas maunawaan natin nang malinaw at malalim ang dahilan kung bakit dapat magturo at matuto ang mga titser at estudyante sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Pag-aralan ang bahagi 2.1 (“Teach and Learn by the Spirit”) sa pahina 10 hanggang sa matapos ang naka-bullet na listahan sa pahina 11.

Sa iyong hanbuk, isulat ang mahahalagang alituntunin at pamamaraan na makatutulong sa iyo na magawa ang mga sumusunod:

  • Maunaawan na ang pagtuturo at pag-aaral ng ebanghelyo ay nangyayari sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

  • Mapalalim ang iyong pag-unawa sa mga gawain at tungkulin ng Espiritu Santo sa pagtuturo at pag-aaral ng ebanghelyo.

Sa iyong personal journal, ipaliwanag kung paano makakaimpluwensya ang pagkaunawa at paniniwala mo sa gawain ng Espiritu Santo sa paraan ng paghahanda mo ng lesson at pagtuturo sa iyong mga estudyante.

Pag-anyaya sa Espiritu na Magawa ang Kanyang Gawain

Kapag nauunawaan natin ang gawain ng Espiritu Santo sa patuturo at pag-aaral ng ebanghelyo, gagawin natin ang lahat ng ating makakaya upang anyayahan Siyang isagawa ang Kanyang gawain sa ating buhay at sa buhay ng ating mga estudyante (tingnan sa Gospel Teaching and Learning, bahagi 2.1 [“Teach and Learn by the Spirit”], pahina 11).

Maaaring gawin ng mga titser ang sumusunod upang maanyayahan ang Espiritu na isagawa ang Kanyang gawain:

  • Sikaping maging karapat-dapat.

  • Mag-alay ng “panalangin nang may pananampalataya” (D at T 42:14).

  • Sikaping maging lubos na handa sa bawat lesson na ituturo.

  • Sikaping magpokus sa pag-aaralan ng iyong mga estudyante.

  • Mapanatag sa halip na mag-alala at mabalisa tungkol sa ibang mga bagay.

  • Maging mapagkumbaba sa pagtatanong.

  • Hikayatin ang mga estudyante na anyayahan ang Espiritu Santo sa kanilang pag-aaral.

video iconPanoorin ang video na “Inviting the Spirit: Teachers” (2:47), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ibinabahagi ng mga titser ang maaari nilang gawin para maanyayahan ang Espiritu sa kanilang mga puso at sa kanilang klase. Habang pinanonood mo ang video, isulat sa iyong hanbuk na Gospel Teaching and Learning ang mga importanteng gawain na gusto mong maalala.

NaN:NaN

Maaaring gawin ng mga titser at mga estudyante ang mga sumusunod upang maanyayahan ang Espiritu na isagawa ang Kanyang gawain:

  • Magbasa at magturo mula sa banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta.

  • Ituon ang mga halimbawa at talakayan sa Tagapagligtas at magpatotoo tungkol sa Kanya.

  • Ilahad ang mga doktrina at mga alituntunin nang simple at malinaw.

  • Kapag nadama mo at ng buong klase ang katahimikan, hayaang makapagnilay kayo kahit sandali.

  • Magbahagi ng mga angkop na personal na karanasan at magpatotoo sa mga doktrna at mga alituntunin.

  • Ipahayag ang pagmamahal at pasasalamat sa bawat isa at sa Panginoon.

video iconPanoorin ang video na “Inviting the Spirit: Teachers and Students” (2:23), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ibinabahagi ng mga titser at mga estudyante ang maaari nilang gawin para maanyayahan ang Espiritu sa kanilang puso at sa kanilang klase. Habang pinanonood mo ang video, isulat sa iyong hanbuk na Gospel Teaching and Learning ang mga importanteng gawain na gusto mong maalala.

2:23

Sa iyong personal journal, isulat ang ilang impresyon o mga gawain na naisip mo sa iyong pagninilay kung paano mo at ng iyong mga estudyante maaanyayahan ang Espiritu Santo na isagawa ang Kanyang gawain sa pagtuturo at pag-aaral ng ebanghelyo.

handout iconTingnan ang apendiks ng manwal na ito para sa handout na may pamagat na “Pag-anyaya sa Espiritu Santo na Magawa ang Kanyang Gawain sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo,” na naglalahad ng mga paraan na maanyayahan ng mga titser at mga estudyante ang Espiritu na isagawa ang Kanyang gawain.

Buod at Pagsasabuhay

Mga Alituntuning Dapat Tandaan

  • “Ang pagtuturo at pag-aaral sa pamamagitan ng Espiritu ay nangyayari kapag ginagawa ng Espiritu Santo ang Kanyang gawain o tungkulin sa titser, sa estudyante, o sa kanilang dalawa” (Gospel Teaching and Learning, 10).

  • Kapag pinakinggan mo ang banayad na mga pahiwatig ng Espiritu, magagabayan ka para matugunan mo ang mga nakikita at di-nakikitang pangangailangan ng iyong mga estudyante.

  • Kapag naunawaan mo at ng iyong mga estudyante ang mahalagang gawain ng Espiritu Santo sa espirituwal na pag-aaral, gagawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya para maanyayahan ang Espiritu na magawa ito.

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

“Hindi matututuhan ang mga bagay na walang-hanggan kung wala ang pagpapaunawang iyon ng Espiritu na mula sa langit. … Dahil dito, kayo ay dapat magturo ng ebanghelyo ‘sa pamamagitan ng Espiritu, maging ang Mang-aaliw na isinugo upang magturo ng katotohanan’ [D at T 50:14]” (Dieter F. Uchtdorf, “A Teacher of God’s Children” [evening with President Dieter F. Uchtdorf, Ene. 28, 2011], 7, si.lds.org).

“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”

Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.