Karagdagang mga Tulong para sa Pag-unlad ng mga Guro
Learning Experience 4: Pag-ibayuhin ang Pagmamahal, Paggalang, at Layunin sa Loob ng Klase


Learning Experience 4

Pag-ibayuhin ang Pagmamahal, Paggalang, at Layunin sa Loob ng Klase

Buod

Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:

  • Maunawaan ang impluwensya ng pagmamahal na katulad ng kay Cristo

  • Mapag-ibayo ang pagmamahal at paggalang sa loob ng klase

  • Maipaunawa at mapagtibay ang layunin sa loob ng klase

Mga Pangunahing Konsepto

pabalat ng hanbuk

“Kapag ang mga titser at mga estudyante ay may pagmamahal at paggalang sa Panginoon, sa bawat isa, at sa salita ng Diyos, sila ay lalo pang natututo at mas napagbubuti ang pag-aaral. Ang layuning naipaunawa ay nagpapatindi ng pagsisikap at paggawa sa mga inaasahan at nagbibigay ng direksiyon sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng klase” (Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], 13).

Pagmamahal na Katulad ng kay Cristo: Isang Mabuting Impluwensya

Ang ating buhay ay mas gumanda at mas sumaya dahil sa impluwensya ng mga taong katulad ni Cristo. Kapag naiisip natin ang mga nangyari sa ating buhay, matutukoy ng bawat isa sa atin ang mabubuting ginawa ng mga mapagmalasakit na tao na nagkaroon ng mabuting impluwensya sa atin.

seminary class

share iconMag-isip ng isang titser, lider, o isang tao na nagpakita ng pagmamahal na katulad ng kay Cristo at nakagawa ng kaibhan sa iyong buhay. Ano ang naitulong niya sa iyo, at bakit? Itala ang iyong mga pananaw at impresyon sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.

Tulad ng mabuting impluwensya sa iyo ng taong naisip mo, bilang mga titser ng seminary at institute, maaari tayong makagawa ng kaibhan sa buhay ng ating mga estudyante. Magagawa natin ito sa pagkakaroon at pagpapaibayo ng pagmamahal at paggalang tulad ng kay Cristo sa loob ng klase.

Aktibidad sa Gospel Teaching and Learning Handbook

pabalat ng hanbuk

Ang sumusunod na aktibidad ay magpapalalim ng iyong pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon at pagpapaibayo ng pagmamahal at paggalang sa loob ng klase at kung paano magagawa ito.

Pag-aralan ang bahagi 2.2.1 [“Love and Respect”] sa pahina 13–14 ng iyong hanbuk na Gospel Teaching and Learning. Salungguhitan ang mga salita o kataga na nakatulong na mapalalim ang iyong pag-unawa (1) kung bakit mahalagang magkaroon ng pagmamahal at paggalang sa loob ng klase at (2) kung paano ito mapag-iibayo.

Pag-ibayuhin ang Pagmamahal at Paggalang sa Loob ng Klase: Bakit at Paano

Ang sumusunod na mga video ay nagpapakita ng maraming alituntunin at pamamaraang tinukoy sa bahagi 2.2.1 (“Love and Respect”) sa hanbuk na Gospel Teaching and Learning. Panoorin ang mga video na ito at pag-isipan ang iyong mga sagot sa mga tanong na kasunod ng deskripsyon ng video sa ibaba.

video iconPanoorin ang video na “Magturo nang May Pag-ibig sa Kapwa” (1:44), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ipinahayag ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol na kailangang puno ng dalisay na pag-ibig ni Cristo ang mga titser. Sa iyong panonood, alamin kung paano ipinakita ng Panginoon ang pagmamahal sa Kanyang mga tinuturuan.

1:44

Matapos mong panoorin ang video, sumulat sa iyong study journal ng maiikling sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Paano ipinakita ng Tagapagligtas ang kanyang pagmamahal sa Kanyang mga tinuturuan?

  • Paano ako magpapakita ng pagmamahal at paggalang sa aking mga tinuturuan?

video iconPanoorin ang video na “Klase ni Sister Egan” (2:17), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ipinakita ni Sister Egan, isang tinawag na seminary teacher, kung paano magagawa nang epektibo ang pagpapaibayo ng pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase. Panoorin kung paano siya at ang kanyang mga estudyante nagmalasakit sa isa’t isa at kung paano nagawa iyon sa loob ng klase.

2:17

Matapos mong panoorin ang video, sumulat sa iyong study journal ng maiikling sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ginawa ni Sister Egan at ng kanyang mga estudyante para madama at mapag-ibayo ang pagmamahal at paggalang sa loob ng klase?

  • Ano ang magagawa ko para maipadama at mapag-ibayo ang pagmamahal at paggalang sa loob ng aking klase?

Pagtulong sa Lahat ng Estudyante

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Jeffrey R. Holland

“Kung [ang mga estudyante] ay walang kibo, marahil hindi pa ninyo sila matuturuan, subalit maaari ninyo silang mahalin. At kung mahal ninyo sila ngayon, marahil matuturuan ninyo sila bukas” (“Pagtuturo at Pag-aaral sa Simbahan,” Liahona, Hunyo 2007, 70).

Maaaring nahaharap sa iba’t ibang mahihirap na sitwasyon ang mga estudyante: problema sa pamilya, karamdaman, kakulangan sa kakayahang matuto, pisikal na kapansanan, at iba pa. Maging sensitibo sa kalagayan at mga pangangailangan ng bawat isa sa kanila. Hindi lahat ng estudyante ay tumutugon agad sa iyong mga pagsusumikap na maipadama at mapag-ibayo ang pagmamahal at paggalang sa loob ng klase. Ipinakita sa susunod na video kung paano nagsikap ang mga titser na mahikayat ang mga estudyante na kung minsan ay tila hindi nakikilahok sa klase.

video iconPanoorin ang video na “Pagtulong sa Tao” (1:28), na makukuha sa LDS.org. Habang pinanonood mo ang video, alamin kung paano nagdulot ng pagbabago sa puso ng isang estudyante ang ipinakitang pagmamahal at kabaitan ng titser na tulad ng kay Cristo.

1:28

Pagtibayin at Isakatuparan ang Layunin

pabalat ng hanbuk

“Ang layuning naunawaan ng titser at mga estudyante ay magpapalakas ng pananampalataya at magbibigay ng direksyon at kahulugan sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng klase. Dapat maunawaan ng mga estudyante na pumapasok sila sa klase upang makilala nila ang Ama sa Langit at ang Kanyang Anak na si Jesucristo, at upang sumulong patungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta” (Gospel Teaching and Learning, 15).

Sa silid-aralan, mahalaga rin para sa mga titser na maipaunawa, mapatibay, at maisakatuparan ang layunin tulad rin naman sa pagsisikap nilang mapag-ibayo ang pagmamahal at paggalang sa loob ng klase.

Aktibidad sa Gospel Teaching and Learning Handbook

pabalat ng hanbuk

Ang sumusunod na aktibidad sa hanbuk ay tutulong sa iyo na maunawaan kung gaano kahalaga na mapatibay at maisakatuparan ang layunin sa iyong klase.

Basahin ang bahagi 2.2.2 [“A Sense of Purpose”] sa pahina 15 ng iyong hanbuk na Gospel Teaching and Learning. Sa iyong hanbuk, salungguhitan ang mga salita at mga parirala na nagpalalalim ng iyong pag-unawa tungkol sa:

  • Kahalagahan para sa iyo at sa mga estudyante mo na maunawaan ang layunin.

  • Mga paraan na gagawin mo at ng mga estudyante mo para mapatibay at maisakatuparan ang layuning ito sa loob ng klase.

Mga Paraan na Tutulong na Mapatibay at Maisakatupran ang Layunin

video iconPanoorin ang video na “A Sense of Purpose” (8:32), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ibinahagi ng ilang titser at estudyante ang mga paraan na makatutulong na mapatibay at maisakatuparan ang kanilang layunin sa klase. Habang pinanonood mo ang video na ito, alamin ang mga paraan para mapatibay at maisakatupran ang layunin sa iyong klase.

8:32

Mga Tanong na Tutulong sa mga Titser na Mapag-ibayo ang Pagmamahal, Paggalang, at Layunin sa Loob ng Klase

Ang pag-isipan nang paminsan-minsan ang mga sumusunod na tanong habang tinuturuan mo ang iyong mga estudyante ay tutulong sa iyo na mapag-ibayo ang pagmamahal, paggalang, at layunin sa loob ng klase:

  • Alam ba ng mga estudyante ko na mahal ko sila?

  • Kapag nahihirapan akong maging mapagmalasakit, nagdarasal ba ako na mapuspos ng pag-ibig sa kapwa-tao, ang dalisay na pag-ibig ni Cristo (tingnan sa Moroni 7:47–48)?

  • Sa paanong paraan nakakaimpluwensya ang mga turo at halimbawa ng Tagapagligtas sa pakikitungo ko sa aking mga estudyante at sa pakikitungo nila sa isa’t isa?

  • Anong mga simpleng gawain ang magagawa ko upang regular na mapaglingkuran, mapagpala, at maipagdasal ang aking mga estudyante?

  • Nauunawaan ba ng mga estudyante ko na ang layunin ng aming klase ay isakatuparan ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion—tulungan silang maunawaan ang mga turo at ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo at umasa rito?

  • Nakatutulong ba ang mga pinipili kong aktibidad para maisakatuparan namin ang Layunin ng Seminaries and Intitutes of Religion at hindi mahadlangan sa pagsasakatuparan nito?

  • Naglalaan ba ako ng sapat na oras na pag-aralan at maunawaan ang scripture block at makita kung paano naging sentro at pinakamahalaga ang Tagapagligtas sa lesson?

  • Handa ba ako na pagtuunan ang aking mga estudyante sa sandaling dumating sila sa klase hanggang sa umalis sila sa silid-aralan?

  • Sa paanong mga paraan ko tinuturuan at inaanyayahan ang aking mga estudyante na tuparin ang kanilang responsibilidad sa espirituwal na pag-aaral?

titser na nag-aaral

Buod at Pagsasabuhay

Mga Alituntuning Dapat Tandaan

  • Kapag ang mga titser at mga estudyante ay may pagmamahal at paggalang sa Panginoon, sa bawat isa, at sa salita ng Diyos, sila ay lalo pang natututo at mas napagbubuti ang pag-aaral.

  • Makadarama ka ng tunay na pagmamahal para sa iyong mga estudyante sa pamamagitan ng taos-pusong pagdarasal na magkaroon ka ng kaloob na pag-ibig sa kapwa-tao, tulad ng payo ni propetang Mormon (tingnan sa Moroni 7:47–48).

  • Ang layuning naunawaan ninyo ng mga estudyante mo ay makapagpapalakas ng pananampalataya at makapagbibigay ng direksiyon at kahulugan sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng klase.

  • Maisasakatuparan ang layunin kapag nauunawaan ninyo ng mga estudyante mo na pumapasok sila sa klase upang makilala ang Ama sa Langit at ang Kanyang Anak na si Jesucristo, at upang sumulong patungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta.

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

“Isipin ang pinakadalisay, pinakamatinding pag-ibig na mawawari ninyo. Ngayo’y paramihin ng husto ang pag-ibig na iyan—at ganyan kalaki ang pag-ibig ng Diyos sa inyo” (Dieter F. Uchtdorf, “Ang Pag-ibig sa Diyos,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 22).

“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”

Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.