Learning Experience 8
Pag-unawa, Pagdama, at Pagsasabuhay ng Doktrina at mga Alituntunin
Buod
Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:
-
Pagtimo ng ebanghelyo sa ating puso
-
Pag-unawa sa doktrina at mga alituntunin
-
Pagdama sa katotohanan at kahalagahan ng doktrina at mga alituntunin
-
Pagsasabuhay ng doktrina at mga alituntunin
Mga Pangunahing Konsepto
Ang learning pattern ay nagbibigay ng mga pangunahing alituntunin na tumutulong na maikintal ang ebanghelyo sa ating mga puso at isipan. Sa learning experience na ito, pag-aaralan natin ang tungkol sa pag-unawa, pagdama ng katotohanan at kahalagahan, at pagsasabuhay ng doktrina at mga alituntunin.
Layunin ng learning experience na ito na magbigay ng maikling pagpapakilala sa mga aspeto ng learning pattern. Kapag naglingkod ka bilang titser sa seminary o institute, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataon na matutuhan at magamit ang mga kasanayang ito.
Pag-unawa, Pagdama ng Katotohanan at Kahalagahan, at Pagsasabuhay ng Doktrina at mga Alituntunin
Ang talinghaga ng mga mamahaling bato ay isang metapora para sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang sumusunod na tatlong elemento ay tutulong sa atin na maunawaan kung ano ang maaari nating gawin sa ating pag-aaral matapos nating matukoy ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo.
-
Unawain ang doktrina at mga alituntunin
-
Isa-isang sinuri ng dalagita ang mamahaling bato na natuklasan niya, minamasdan at sinisiyasat nang mabuti ang mga hugis at mga tapyas nito.
-
Kapag natuklasan natin ang mga katotohanan ng doktrina at mga alituntunin, mapag-aaral natin nang mabuti ang bawat isa upang mas maunawaan ang mga kahulugan at kahalagahan nito.
-
Damhin ang katotohanan at kahalagahan ng doktrina at mga alituntunin
-
Nakadama ng kasiyahan ang dalagita sa bawat mamahaling batong nahanap niya.
-
Kapag naunawaan natin nang mas malalim ang mga katotohanang natutuklasan natin, madarama natin ang kahalagahan at pangangailangang ipamuhay o gawin ito kaagad.
-
Ipamuhay ang Doktrina at mga Alituntunin
-
Sinabi ng ama sa dalagita na pag-isipan niya kung ano ang maaari niyang gawin sa mga mamahaling bato na kanyang natuklasan.
-
Matapos magkaroon ng patotoo sa isang doktrina o alituntunin at magpasalamat para dito, dapat tayong mag-isip ng mga espesipikong paraan na maipamumuhay natin ang mga ito.
Binigyang-diin ng mga propeta at mga apostol sa mga huling araw ang kahalagahan ng pagtimo ng ebanghelyo sa ating mga puso. Ang pag-unawa sa konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan upang matukoy ang mahahalagang doktrina at alituntunin ng ebanghelyo ay magandang simula para malaman ang mga katotohanan ng ebanghelyo. Ngunit para matulungang maitimo nang malalim sa puso natin ang mga nalalaman natin, kadalasan ay mas marami pa tayong kailangang gawin. Kailangan nating:
-
Unawain ang doktrina at mga alituntunin na natukoy natin.
-
Damhin ang katotohanan at kahalagahan nito.
-
Isabuhay ang mga ito.
Ang tatlong elementong ito ng learning pattern ay kailangan upang maanyayahan ang Espiritu Santo, na tumutulong sa atin na maitimo nang malalim sa ating puso ang ebanghelyo.
Paggamit ng Learning Pattern
Panoorin ang video na “Unawain, Damhin, at Ipamuhay ang mga Alituntunin” (7:12), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, tinatalakay ng tatlong titser ang tungkol sa kanilang pagsisikap na maunawaan, madama ang katotohanan at kahalagahan, at maipamuhay ang doktrina at mga alituntunin sa Lucas 5:1–11.
Magsulat ng dalawa o tatlong ideya na natutuhan mo sa panonood sa talakayang ito sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.
Buod at Pagsasabuhay
Mga Alituntuning Dapat Tandaan
-
Ang layunin ng pag-aaral ng ebanghelyo ay anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan tayong maisaisip at maisapuso ang doktrina at mga alituntunin.
-
Ang pag-unawa sa doktrina o alituntunin ay hindi lamang pag-alam kung ano ang ibig sabihin nito kundi kung paano rin ito nakakaapekto sa ating buhay.
-
Ang malinaw na pagkaunawa sa doktrina o alituntunin ay naghahanda sa atin na madama ang katotohanan at kahalagahan nito.
-
Kapag nadama natin ang katotohanan at kahalagahan ng doktrina o alituntunin, lalo nating hinahangad na ipamuhay ito.
-
Ang pagsasabuhay ay nagaganap kung ang sinasabi, iniisip, at ginagawa natin ay naaayon sa ating natutuhan.
“Ang isang tunay na titser, kapag naituro na niya ang mga katotohanan [ng ebanghelyo], … ay pinag-iibayo pa ang pagtuturo sa [mga estudyante] upang sila ay magkaroon ng patotoo at makaunawa ang kanilang puso na hahantong sa pagkilos at paggawa” (Robert D. Hales, “Teaching by Faith” [an evening with Elder Robert D. Hales, Peb. 1, 2002], 5, si.lds.org).
“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”
Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.