Learning Experience 11
Pagpapasiya Kung Paano Magtuturo: Pagtulong sa mga Estudyante na Magawa ang Kanilang Responsibilidad
Buod
Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:
-
Pagpapasiya kung paano magtuturo
-
Pag-unawa sa responsibilidad ng mga estudyante sa pag-aaral
-
Pagtulong sa mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad
Mga Pangunahing Konsepto
Sa paghahanda mo ng lesson, mahalagang balanse ang oras na iuukol mo sa pagpapasiya kung ano ang ituturo at paano magtuturo.
Sa learning experience 10, natutuhan mo kung paano gamitin ang kurikulum sa pagpapasiya kung ano ang ituturo sa scripture block. Handa ka na ngayong simulan kung paano tuturuan ang iyong mga estudyante.
Ang Responsibilidad ng Estudyante sa Pag-aaral
Kung nais mong espirituwal na umunlad ang mga estudyante, kailangan mong maunawaan ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral at maghanda ng mga aktibidad sa pag-aaral na tutulong sa kanila na masigasig na magawa ang kanilang responsibilidad.
Sa learning experience na ito, isulat ang anumang inspirasyon o ideya na natanggap mo para tulungan ang iyong mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral.
Payo ng Propeta Tungkol sa Responsibilidad ng Estudyante
Binigyang-diin ng maraming General Authority ang kahalagahan ng pagtulong sa mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral.
Panoorin ang video na “Pagtuturo ng mga Propeta tungkol sa Ginagampanan ng mga Estudyante sa Pagkatuto” (4:14), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, pinatotohanan ng ilang lider ng Simbahan ang kahalagahan ng responsibilidad ng mga estudyante sa pag-aaral.
Personal na Pagninilay
Isipin ang isang pagkakataon na nakadalo ka sa isang klase na ang titser ay naghanda ng mga aktibidad na naghikayat sa iyo na makibahagi sa talakayan at aktibidad sa klase. Ngayon ay isipin ang isang pagkakataon na hindi aktibong naisali ng titser ang mga estudyante sa talakayan. Paghambingin ang dalawang karanasang ito.
-
Ano ang nagagawang kaibhan kapag nahikayat ka at ang iba pa na makibahagi sa mga talakayan at aktibidad sa pag-aaral?
-
Ano ang ginawa ng titser na nakatulong sa iyo na magawa ang responsibilidad mo bilang estudyante?
Isulat ang sagot mo sa mga tanong na ito sa iyong study journal o sa iba pang mapagsusulatan na mahahanap mo agad at ibahagi ang mga ito sa iyong inservice leader o grupo.
Pagtulong sa mga Estudyante na Magawa ang Kanilang Responsibilidad
Magagawa ng mga estudyante ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral kapag inanyayahan mo sila na magpaliwanag, magbahagi, at magpatotoo tungkol sa doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo. Ang pagpapaliwanag, pagbabahagi, at pagpapatotoo sa doktrina at mga alituntunin ay nagpapalinaw sa pang-unawa ng mga estudyante, nagpapahusay sa kanilang kakayahan na ituro ang ebanghelyo sa iba, at nagpapalakas sa kanilang patotoo tungkol sa mga bagay na kanilang ipinahayag. (Tingnan sa Gospel Teaching and Learning, bahagi 2.6 [pahina 31–33].)
-
Maaaring magpaliwanag ng mga talata o alituntunin sa banal na kasulatan ang mga estudyante gamit ang sarili nilang salita. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na magpaliwanag kasama ang kani-kanyang kapartner, kagrupo, sa buong klase, sa pamamagitan ng dula-dulaan, o sa pagsulat.
-
Maaaring magbahagi ng mga ideya, karanasan, o saloobin ang mga estudyante na may kaugnayan sa banal na kasulatan o alituntunin. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magbahagi ng kanilang naramdaman o angkop na personal na karanasan tungkol sa isang doktrina o alituntunin. Maaari din silang magkuwento ng mga karanasang nasaksihan nila sa buhay ng iba. Maaari itong ilahad sa klase o isulat.
-
Maaaring magpatotoo ang mga estudyante tungkol sa doktrina at mga alituntunin na alam nilang totoo. Maaari mo silang anyayahan na patotohanan ang kanilang nadama at alam na totoo at ang kaibhang nagawa nito sa kanilang buhay. Hindi kailangang magsimula ang mga estudyante sa mga salitang “Gusto kong magpatotoo” o “Alam ko.” Anumang pagpapahayag ng paniniwala o personal na patotoo sa katotohanan ay pagpapatotoo na.
Ang Pakikibahagi sa Talakayan at Aktibidad sa Klase ay Nagpapasigla sa Pag-aaral
Panoorin ang video na “Explain, Share and Testify: Students’ Testimonies [Magpaliwanag, Magbahagi at Magpatotoo: Mga Patotoo ng mga Estudyante]” (2:28), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ikinuwento ng mga estudyante kung paano nila nagawa ang kanilang responsibilidad sa pamamagitan ng pagpapaliwanag, pagbabahagi, at pagpapatotoo sa seminary.
Klase na Nakatuon sa mga Estudyante
Panoorin ang “Isang Klaseng Nakatuon sa Estudyante: Isang Halimbawa” (6:51), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, tinulungan ni Sister Weller ang mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad na matuto mula sa mga banal na kasulatan. Panoorin kung paano niya naisagawa ang layuning ito.
Panoorin ang video na “Klase na Nakatuon sa Estudyante: Mga Pagmumuni ng Isang Teacher” (3:01), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, tinalakay ni Sister Weller ang kahalagahan na matulungan ang mga estudyante na makibahagi sa talakayan at aktibidad sa pag-aaral.
Pagtuturo sa mga Estudyante ng Kanilang Responsibilidad
Ang mga estudyante ay lubos na makikibahagi sa talakayan at aktibidad sa klase kapag naunawaan nila ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral ng ebanghelyo. Isa sa mga unang lesson na karaniwang matatagpuan sa manwal ng titser sa seminary ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagtuturo sa mga estudyante ng kanilang responsibilidad. Maikling rebyuhin ang lesson 1, “The Role of the Learner,” sa Book of Mormon Seminary Teacher Manual at pag-isipan kung paano mo magagamit ang mga alituntunin mula sa lesson sa pagtuturo mo sa iyong mga estudyante tungkol sa kanilang responsibilidad sa pag-aaral.
Panoorin ang video na “Pagtuturo sa mga Estudyante ng Tungkuling Kanilang Ginagampanan” (6:27), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, itinuro ni Brother Howell sa kanyang mga estudyante ang tungkol sa kanilang responsibilidad sa unang araw ng klase o simula ng school year.
Isulat ang ilang ideya na maaari mong magamit sa pagtuturo sa iyong mga estudyante tungkol sa kanilang responsibilidad sa unang araw ng klase at sa buong school year. Isulat ang mga ideya mo sa iyong study journal o sa iba pang mapagsusulatan na mahahanap mo agad at ibahagi ang mga ito sa iyong inservice leader o grupo.
Buod at Pagsasabuhay
Mga Alituntuning Dapat Tandaan
-
Matutulungan mo ang iyong mga estudyante na maunawaan, matanggap, at magawa ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral ng ebanghelyo.
-
Mahalaga na maituro mo sa iyong mga estudyante ang tungkol sa kanilang responsibilidad sa pag-aaral ng ebanghelyo sa unang araw ng klase at sa buong school year.
-
Matutulungan mo ang iyong mga estudyante na magawa ang kanilang responsibilidad sa pag-aaral sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na magpaliwanag, magbahagi, at magpatotoo tungkol sa doktrina at mga alituntunin.
-
Ang manwal ng titser ay makatutulong sa iyo na maghanda ng mga aktibidad na maghihikayat sa iyong mga estudyante na makibahagi sa talakayan at aktibidad sa klase.
“Ang desisyon [ng mga estudyante] na makibahagi sa talakayan at aktibidad sa klase ay paggamit ng kanilang kalayaan sa pagpili na nagtutulot sa Espiritu Santo na maiparating ang mensaheng angkop sa pangangailangan ng bawat isa sa kanila. Ang pagkakaroon ng talakayan at aktibidad sa klase ay lalong magbibigay ng pagkakataon sa Espiritu na makapagturo ng mas mahahalagang aral kaysa sa maituturo mo.
“Ang pakikibahaging iyon ng mga estudyante sa klase ay magdudulot ng paggabay ng Espiritu sa kanilang buhay” (Richard G. Scott, “To Learn and to Teach More Effectively” [Education Week devotional, Ago. 21, 2007], 4–5, speeches.byu.edu).
“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”
Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.