Karagdagang mga Tulong para sa Pag-unlad ng mga Guro
Learning Experience 10: Pagpapasiya Kung Ano ang Ituturo: Paggamit ng mga Banal na Kasulatan at ng Manwal ng Titser


Learning Experience 10

Pagpapasiya Kung Ano ang Ituturo: Paggamit ng mga Banal na Kasulatan at ng Manwal ng Titser

Buod

Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:

  • Pambungad sa manwal ng titser

  • Paggamit at pag-angkop ng kurikulum

  • Paggamit ng manwal ng titser at ng mga banal na kasulatan sa paghahanda ng lesson

babaeng nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Mga Pangunahing Konsepto

Masayang nagtuturo si Sister Murray sa Gospel Doctrine class dalawang beses kada buwan sa kanyang ward. Bagama’t natutuwa siya sa tungkulin niya bilang bagong titser sa seminary, inisip niya kung paano siya maghahanda ng epektibong lesson araw-araw: “Ang paghahanda at pagtuturo ng lesson araw-araw ay parang isang malaking pangako na dapat tuparin. Anong resources ang maaaring makatulong sa akin?”

Pambungad sa Manwal ng Titser

Ang paghahanda ng lesson araw-araw ay tila nakakapagod at nakakaubos ng oras gawin.

video iconPanoorin ang video na “Pambungad sa Teacher Manual” (4:01), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, malalaman mo kung paano gamitin ang mga banal na kasulatan at ang manwal ng titser para maghanda ng mga lesson nang epektibo at mahusay.

NaN:NaN

Paalala: Kung wala ka pang manwal ng titser, kontakin ang iyong supervisor. Makikita mo rin ang lahat ng manwal sa lds.org/manual/institute para sa mga manwal sa institute at lds.org/manual/seminary para sa manwal sa seminary.

Aktibidad sa Manwal ng Titser

Paalala: Bawat lesson sa mga manwal ng titser sa seminary at institute ay ginawa upang tulungan kang makapaghanda nang epektibo. Hindi lahat ng manwal ng titser ay ginawa o inayos sa gayon ding paraan, ngunit makikita ang magkakaparehong materyal sa lahat ng manwal ng titser. Ang mga aktibidad sa learning experience na ito ay batay sa mga pinakahuling manwal sa seminary.

handout iconBuklatin ang manwal ng titser sa kahit anong lesson o gamitin ang handout na may pamagat na “Sample Lesson—3 Nephi 11:1–17” na makikita sa apendiks ng manwal na ito.

Basahin ang buong lesson at hanapin ang mga sumusunod na bahagi. Kapag natukoy mo na ang bawat bahagi, itsek ito sa sumusunod na listahan:

  • Pamagat ng lesson

    Ang pamagat ng lesson ay tumutukoy sa mga scripture chapter na kasama sa lesson.

  • Pambungad sa scripture block

    Ang pambungad sa scripture block ay nagbibigay ng buod ng konteksto at nilalaman ng scripture block.

  • Pagpangkat sa mga talata at ang buod ng konteksto

    Ang pagpangkat sa mga talata ay nagpapakita ng saklaw ng mga talata na nakapokus sa isang partikular na paksa o pangyayari. Ang buod ng konteksto ay ang buod ng mga pangyayari o mga turo na nakapaloob sa isang pangkat ng mga talata.

  • Nilalaman ng lesson

  • Pagpapahayag ng doktrina o alituntunin

    Ang pagpapahayag ng doktrina o alituntunin ay maikling pahayag tungkol sa mga katotohanan sa banal na kasulatan.

  • Komentaryo at kaugnay na impormasyon at mga karagdagang ideya sa pagtuturo (maaaring wala nito sa lahat ng lesson)

    Ang komentaryo at kaugnay na impormasyon ay nagbibigay ng mga karagdagang quotation o sipi at paliwanag sa kasaysayan ng konteksto o mga talata sa banal na kasulatan. Ang mga karagdagang ideya sa pagtuturo ay nagbibigay ng mga mungkahi sa pagtuturo ng doktrina at mga alituntunin na maaaring hindi natukoy o nabigyang-diin sa nilalaman ng lesson. Maaaring magbigay rin ang mga ito ng mga mungkahi na gamitin ang visual media, tulad ng mga DVD presentation o video na matatagpuan sa LDS.org.

Fundamentals of Gospel Teaching and Learning [Mga Pangunahing Alituntunin sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo] sa Manwal ng Titser

Ang mga manwal ng titser sa seminary at institute ay ginawa upang tulungan ka na mailakip ang Fundamentals of Gospel Teaching and Learning sa iyong paghahanda at pagtuturo ng bawat lesson.

video iconPanoorin ang video na “Mga Pangunahing Alituntunin sa Kurikulum” (2:15), na makukuha sa LDS.org. Habang pinanonood mo ito, alamin kung paano nakatulong sa mga titser ang manwal ng titser sa seminary at institute na ilakip ang Fundamentals of Gospel Teaching and Learning sa bawat lesson.

NaN:NaN

Paggamit at Pag-angkop ng Kurikulum

Itinuro ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunod kung paano dapat gamitin ng mga titser ang mga materyal sa seminary at institute kurikulum:

Elder Dallin H. Oaks

“Ginagamit muna natin ang mga materyal sa lesson, pagkatapos ay iniaangkop natin ang mga ito. Kung ang lesson natin ay talagang nakabatay sa itinakdang lesson na dapat nating ituro, masusunod natin ang patnubay ng Espiritu sa pag-angkop nito” (“A Panel Discussion with Elder Dallin H. Oaks” [Seminaries and Institutes of Religion satellite broadcast, Ago. 7, 2012], si.lds.org).

Bilang mga titser sa seminary at institute, ginagamit natin ang kurikulum sa manwal ng titser at iniaangkop ito para matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante.

Gamitin

Iangkop

Ang ibig sabihin ng gamitin ang kurikulum ay basahin at pag-aralang mabuti ang mga banal na kasulatan at ang itinakdang lesson sa manwal ng titser. Matutulungan ka ng kurikulum na maunawaan ang mga banal na kasulatan, ang layunin ng mga inspiradong awtor ng mga banal na kasulatan, ang mga alituntuning nagpapatibay ng pananampalataya, at ang pangunahing doktrina. Magtiwala sa nilalaman at gamitin ito sa iyong klase.

Ang ibig sabihin ng iangkop ang kurikulum ay iayon ang lesson ayon sa paggabay ng Espiritu upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat estudyante at matulungan silang matuto.

Paggamit ng mga Banal na Kasulatan at ng Manwal ng Titser sa Paghahanda ng Lesson

Kapag ginamit mong mabuti ang manwal ng titser, makapaghahanda ka ng mga lesson na puno ng inspirasyon na hindi na kailangan pa ng maraming oras para maihanda.

video iconPanoorin ang video na “Buod ng Kurikulum” (4:45), na makukuha sa LDS.org. Ibinubuod ng video na ito kung paano makatutulong sa iyo na magkasamang gamitin ang mga banal na kasulatan at manwal ng titser sa paghahanda mo ng mga epektibong lesson para sa iyong mga estudyante.

NaN:NaN

video iconPanoorin ang video na “Paggamit ng Scriptures at ng Teacher Manual” (5:11), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, nagbigay ng mahalagang payo si Sister Wilson tungkol sa magkasamang paggamit ng mga banal na kasulatan at kurikulum sa paghahanda ng lesson. Sa iyong panonood, alamin ang mahahalagang ideya na dapat mong tandaan sa paghahanda ng mga lesson.

NaN:NaN

Aktibidad sa Paghahanda ng Lesson

handout iconIkaw naman ngayon ang gagamit ng mga banal na kasulatan at manwal ng titser para mapraktis ang paghahanda ng lesson. Buklatin ang manwal ng titser sa kahit anong lesson o gamitin ang handout na may pamagat na “Sample Lesson—3 Nephi 11:1–17” na makikita sa apendiks ng manwal na ito.

Kapag nakumpleto mo ang mga sumusunod na hakbang, itsek ang mga ito para ipakita na nakumpleto mo ang bahaging iyan ng iyong paghahanda.

  • Basahin ang pamagat ng lesson at ang mga talata sa mga banal na kasulatan.

  • Basahin ang pambungad sa scripture block.

  • Pag-aralang mabuti ang scripture block sa pamamagitan ng pagbabasa, pag-iisip nang mabuti, at pagdarasal na mabigyan ng inspirasyon.

  • Pag-aralan ang nilalaman ng lesson, na pinagtutuunan ng pansin ang mga ipinahayag na doktrina at alituntunin.

  • Isipin ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante at magpasiya kung anong mga alituntunin ang pinakakailangan nila.

  • Magpasiya kung gaano mo bibigyang-diin ang iba’t ibang alituntunin, batay sa mga pangangailangan ng iyong mga estudyante.

  • Basahin ang anumang karagdagang materyal na ibinigay sa lesson at pag-isipan kung paano mo magagamit ang materyal na ito sa iyong lesson.

share iconMaging handa na talakayin ang karanasang ito sa iyong inservice leader o grupo.

Buod at Pagsasabuhay

Mga Alituntuning Dapat Tandaan

Ang mga banal na kasulatan ang pagkukuhanan mo ng iyong ituturo, at ang manwal ng titser ang iyong resource para sa paghahanda mo ng lesson.

  • Ang kurikulum ay ginawa para tulungan ka na maihanda ang lesson nang epektibo at mahusay.

  • Magagamit at maiaangkop mo ang kurikulum para matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante.

  • Sa pag-aangkop mo ng kurikulum, isiping mabuti ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante at ang mga pahiwatig ng Espiritu Santo.

  • Matutugunan mo ang mga pangangailangan ng mga estudyante kapag naghanda ka ng mga lesson gamit ang kurikulum nang epektibo.

Elder Henry B. Eyring

“Pinag-aralan at nirepaso ng mga yaong tinawag ng propeta ang bawat salita, bawat larawan, bawat diagram sa kurikulum na iyon na natanggap ninyo upang tiyakin ang kawastuhan ng doktrina na itinuturo sa Simbahan. Makikita nating epektibo ang kurikulum kapag nagtiwala tayo na ito ay binigyang-inspirasyon ng Diyos. …

“Ang patuloy na pagtuturo ayon sa nilalaman ng kurikulum gayon din sa pagkakasunod-sunod nito ay magpapahusay, sa halip na makahadlang, sa ating mga natatanging kaloob sa pagtuturo” (Henry B. Eyring, “The Lord Will Multiply the Harvest” [an evening with Elder Henry B. Eyring, Peb. 6, 1998], 4, 5, si.lds.org).

“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”

Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.