Learning Experience 6
Pag-unawa sa Konteksto at Nilalaman
Buod
Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:
-
Pag-unawa sa kahulugan ng konteksto at nilalaman
-
Pag-unawa sa kahalagahan ng konteksto at nilalaman
-
Pagtuklas sa nilalaman at konteksto ng mga banal na kasulatan
Mga Pangunahing Konsepto
Sa susunod na ilang learning experience, pag-aaralan natin nang mas detalyado ang bawat bahagi ng learning pattern. Ang learning pattern ay nagbibigay ng mga pangunahing alituntunin na tumutulong na maikintal ang ebanghelyo sa ating mga puso at isipan. Sa learning experience na ito, matututuhan natin ang tungkol sa pag-unawa sa konteksto at nilalaman.
Layunin ng learning experience na ito na magbigay ng maikling pagpapakilala sa mga aspeto ng learning pattern. Kapag naglingkod ka bilang titser sa seminary o institute, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataon na matutuhan at magamit ang mga kasanayang ito.
Matuto mula sa mga Banal na Kasulatan: Pag-unawa sa Konteksto at Nilalaman
-
Sa talinghaga ng mga mamahaling bato, ang dalagita ay nanaginip na naghahanap siya ng mga mamahaling bato sa buhanginan. Ang paghahanap niya ay sumisimbolo sa isang estudyante na naghahanap ng mga walang-hanggang katotohanan sa mga banal na kasulatan. Ang buhanginan ay sumisimbolo sa konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan—mga tao, lugar, pangyayari, daloy ng kwento, mga turo, at iba pa—kung saan ang mga katotohanan ng ebanghelyo ay matatagpuan.
-
Sa paghahanap natin ng mga walang-hanggang katotohanan sa mga banal na kasulatan, dapat natin itong simulan sa pag-unawa sa mga pangyayari at sa impormasyon na nakapalibot dito at mahahalagang detalye tungkol sa mga talata na ating binabasa. Ang hangaring maunawaan ang konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan ang tutulong sa atin na mas maging handang tuklasin ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo.
Ang Kahulugan at Kahalagahan ng Konteksto at Nilalaman
Rebyuhin ang sumusunod na chart upang mas maunawaan ang konteksto at nilalaman:
Konteksto |
Nilalaman |
---|---|
Ano ang konteksto? Ang konteksto ay ang mga pangyayari, sitwasyon at mga bagay-bagay na may kinalaman sa isang partikular na scripture passage, pangyayari o kuwento. Nagbibigay rin ito ng background o impormasyon. Kabilang sa konteksto ang kasaysayan, kultura, at heograpiya; mga tanong na humahantong sa mga pangyayari sa banal na kasulatan; at iba pa. |
Ano ang nilalaman? Ang nilalaman ay kinapapalooban ng takbo ng kuwento, mga tao, pangyayari, sermon, at mga inspiradong paliwanag na bumubuo sa banal na kasulatan. Ang pagtuklas sa nilalaman ay kinapapalooban ng pag-alam sa kahulugan ng mahihirap na salita at parirala gayundin sa interpretasyon ng mga talinghaga, simbolo, at iba pa. |
Bakit mahalaga ang konteksto? Nililinaw at pinalalalim ng konteksto ang pagkaunawa sa mga kuwento, turo, doktrina, at mga alituntunin sa banal na kasulatan. |
Bakit mahalaga ang nilalaman? Ang nilalaman ay nagbibigay-buhay sa mga banal na kasulatan at iniuugnay ang mga mambabasa sa doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa scripture block. |
Pagtatanong
Upang maunawaan ang konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan, maging pamilyar muna sa mahahalagang detalye ng mga talata at pagkatapos ay saliksikin ang mga detalyeng iyon para lalo pang maunawaan. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa mga tao, lugar, pangyayari, at iba pa sa scripture passage na binasa mo at pagkatapos ay hanapin ang mga sagot sa mga tanong na iyon gamit ang mga nakatutulong at mapagkakatiwalaang resources o mga materyal.
Ang mga tanong na tulad ng sumusunod ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan ang konteksto at nilalaman ng scripture passage na pinag-aaralan mo:
-
Ano ang mga pangyayaring nakapalibot sa scripture passage?
-
Ano ang kasaysayan, kultura, at heograpiya nito?
-
Sino ang sumulat?
-
Sino-sino ang mga tao sa scripture passage? Ano ang kanilang ginagawa o sinasabi, at bakit?
-
Ano ang nangyayari? Ano ang takbo ng kuwento?
-
Ano ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita, parirala, at ekspresyon?
-
Ano ang kahalagahan ng mga kaugalian at gawi na binanggit?
Paghahanap ng mga Sagot
Ang sumusunod ay ilan sa mga pinakamabuti at pinakamapagkakatiwalaang resources o materyal na maaari mong gamitin para matulungan ka sa paghahanap ng mga sagot sa iyong mga tanong:
-
Mga scripture study aid tulad ng Gabay sa mga Banal na Kasulatan, mga mapa, at iba pa
-
Mga kaugnay na scripture passage
-
Mga salita ng mga buhay na propeta at mga apostol (lalo na ang mga yaong matatagpuan sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensiya)
-
Ang seminary at institute scripture course curriculum (kabilang ang mga manwal ng titser at estudyante)
-
Mga diksiyonaryo
Kapag naunawaan mo ang konteksto at ang nilalaman ng mga banal na kasulatan, ikaw ay mas makakaugnay sa mundo ng mga tao, lugar, pangyayari, at mga turo na iyong binabasa at makikita mo ang mga bagay-bagay kung paano ito nakita ng sumulat. Makatutulong ito sa pagsisimula ng iyong pagtuklas sa mga mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo.
Pagtanggap ng Tulong Mula sa Langit sa Pagtuturo ng Ebanghelyo
Panoorin ang video na “Pag-unawa sa Konteksto at Nilalaman” (7:39), na makikita sa LDS.org. Sa video na ito, tinatalakay ng tatlong titser ang pagsisikap nila na maunawaan ang konteksto at nilalaman.
Magtala ng dalawa o tatlong ideya na natutuhan mo mula sa video sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.
Buod at Pagsasabuhay
Mga Alituntuning Dapat Tandaan
-
Nililinaw at pinalalalim ng konteksto ang pagkaunawa sa mga kuwento, turo, doktrina, at mga alituntunin sa banal na kasulatan.
-
Ang nilalaman ay nagbibigay-buhay sa mga banal na kasulatan at iniuugnay ang mga mambabasa sa doktrina at mga alituntunin sa mga banal na kasulatan.
-
Ang pag-unawa sa konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan ay makatutulong sa pagtuklas sa maraming katotohanan ng ebanghelyo.
-
Upang maunawaan ang konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan, kailangan nating magtanong at magsaliksik ng mga sagot para sa mga tanong na ito sa mga mapagkakatiwalaang resources o materyal.
“Maging pamilyar sa mga aral na itinuturo ng mga banal na kasulatan. Pag-aralan ang pinagbatayan at pinangyarihan ng mga talinghaga ng Guro at ng mga payo ng propeta. Pag-aralan ang mga ito na parang nangungusap ang mga ito sa inyo, dahil iyon ang totoo” (Thomas S. Monson, “Kayo ay Magpakahusay,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 68).
“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”
Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.