Karagdagang mga Tulong para sa Pag-unlad ng mga Guro
Learning Experience 7: Pagtukoy sa Doktrina at mga Alituntunin


Learning Experience 7

Pagtukoy sa Doktrina at mga Alituntunin

Buod

Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:

  • Pagtukoy sa inihayag na doktrina at mga alituntunin

  • Pagtukoy sa ipinahiwatig na doktrina at mga alituntunin

  • Pagsulat ng mga alituntunin

Mga Pangunahing Konsepto

Ang learning pattern na ipinakilala sa learning experience 5 ay nagbibigay ng mga pangunahing alituntunin na tumutulong na maikintal ang ebanghelyo sa ating mga puso at isipan. Sa learning experience na ito, pag-aaralan natin ang tungkol sa pagtukoy ng doktrina at mga alituntunin.

Layunin ng learning experience na ito na magbigay ng maikling pagpapakilala sa mga aspeto ng learning pattern. Kapag naglingkod ka bilang titser sa seminary o institute, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataon na matutuhan at magamit ang mga kasanayang ito.

Pagtukoy sa Doktrina at mga Alituntunin

kamay at mamahaling bato

Sa talinghaga ng mga mamahaling bato, ang dalagita ay nanaginip na nakahanap siya ng mga mamahaling bato sa buhanginan.

mga banal na kasulatan at lapis

Tulad nito, kapag nag-aaral tayo ng mga banal na kasulatan, makakatuklas tayo ng mahahalagang bagay sa mga banal na kasulatan na magpapala sa ating buhay.

Itinuro ni Elder Neal A. Maxwell (1926-2004) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Neal A. Maxwell

“Mga kapatid, maraming mahahalagang katotohanan tungkol sa doktrina ang ibinibigay sa atin ng mga banal na kasulatan. At kapag ang liwanag ng Espiritu ay tumama sa bawat bahagi nito, ang mga ito ay magliliwanag at magbibigay ng malinaw na kaalaman at tatanglaw sa landas na dapat nating tahakin” (“According to the Desires of [Our] Hearts,” Ensign, Nob. 1996, 21).

Ang mga mamahaling bato sa buhanginan ay sumisimbolo sa mahahalagang doktrina at alituntunin ng katotohanan na nasa mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta.

Aktibidad sa Gospel Teaching and Learning Handbook

pabalat ng hanbuk

Pag-aralan ang unang apat na talata sa bahagi 1.3.1 (“Teach”) sa pahina 5 at ang unang apat na talata sa bahagi 2.5 (“Identify, Understand, Feel the Truth and Importance of, and Apply Gospel Doctrines and Principles”) sa pahina 26 ng iyong hanbuk na Gospel Teaching and Learning. Salungguhitan ang mga salita o parirala na tumutulong sa pagsagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang ibig sabihin ng doktrina?

  • Ano ang ibig sabihin ng alituntunin?

  • Bakit mahalaga ang doktrina at mga alituntunin?

share iconItala ang mga pananaw at impresyon mo kung bakit mahalaga ang doktrina at mga alituntunin sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.

Doktrina at mga Alituntunin: Inihayag versus Ipinahiwatig

Sa talinghaga ng mga mamahaling bato, ang dalagita ay naghangad na makatuklas ng mga mamahaling bato sa buhanginan. Sa kanyang paghahanap, nakakita siya ng ilan na nasa mababaw na bahagi lamang at ang iba naman ay nasa malalim na bahagi ng buhanginan. Tulad nito, may makikita kang ilang doktrina at mga alituntunin na inihayag o binanggit nang malinaw sa mga banal na kasulatan at madaling matukoy. Ang ilan naman ay ipinahiwatig lamang at hindi inihayag o binanggit nang direkta sa mga banal na kasulatan. Ang mga ito ay nangangailangan ng mas malaking pagsisikap para matuklasan.

Inihayag na Doktrina at mga Alituntunin

Ipinahiwatig na Doktrina at mga Alituntunin

Doktrina at mga alituntunin na malinaw at hayagang inihayag o binanggit sa mga banal na kasulatan.

Doktrina at mga alituntunin na ipinahiwatig lamang at hindi inihayag o binanggit nang direkta sa mga banal na kasulatan.

Sa pagtukoy ng doktrina at mga alituntunin, itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Elder Richard G. Scott

“Maghanap ng mga alituntunin. Maingat na ihiwalay ang mga ito sa detalyeng ginamit para ipaliwanag ang mga ito” (“Acquiring Spiritual Knowledge,” Ensign, Nob. 1993, 86).

Ang natitirang bahagi ng learning experience na ito ay makatutulong na mapahusay mo ang iyong kakayahan na parehong matukoy ang inihayag at ipinahiwatig na doktrina at mga alituntunin sa iyong pag-aaral. (Tingnan din sa Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], 27.)

Pagtukoy sa Inihayag na Doktrina at mga Alituntunin

Ang inihayag na doktrina at mga alituntunin ay yaong malinaw at hayagang binanggit sa banal na kasulatan.

Basahin ang mga sumusunod na banal na kasulatan upang makita ang mga halimbawa ng doktrina at mga alituntunin na malinaw na inihayag (nakasulat sa bold letters).

  • Juan 15:10—“Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako’y nananatili sa kaniyang pagibig.”

  • Genesis 1:27—“At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.”

  • Doktrina at mga Tipan 59:23—“Subalit matutuhan na siya na gumagawa ng mga gawa ng kabutihan ay makatatanggap ng kanyang gantimpala, maging kapayapaan sa daigdig na ito, at buhay na walang hanggan sa daigdig na darating.

  • Helaman 3:27—“Sa gayon makikita natin na ang Panginoon ay maawain sa lahat ng yaon na, sa katapatan ng kanilang mga puso, ay nananawagan sa kanyang banal na pangalan.

  • Job 36:5—“Narito ang Dios ay makapangyarihan, at hindi humahamak sa kanino man; Siya’y makapangyarihan sa lakas ng unawa.

Aktibidad sa Banal na Kasulatan: Pagtukoy sa Inihayag na Doktrina at mga Alituntunin

Basahin ang mga sumusunod na scripture passage at markahan sa iyong mga banal na kasulatan ang inihayag na doktrina o alituntunin.

share iconItala ang iyong mga pananaw at impresyon tungkol sa bawat doktrina at alituntunin na minarkahan mo sa mga talatang ito sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.

Pagtukoy sa Ipinahiwatig na Doktrina at mga Alituntunin

babaeng inaalis ang buhanginan mula sa mamahaling bato

Sa talinghaga ng mga mamahaling bato, hindi nakontento ang dalagita sa paghanap ng mga mamahaling bato na nasa mababaw na bahagi lamang ng buhanginan. Nalaman niya na sa paghuhukay pa nang mas malalim sa buhanginan at maingat na pagsala ng mga ito, maaari siyang makakita ng iba pang mga mamahaling bato na malaki ang halaga.

pagmamarka ng mga banal na kasulatan

Gayundin, sa pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan, matututuhan mong “maghukay” at “magsala” sa konteksto at nilalaman ng mga banal na kasulatan para mahanap ang ipinahiwatig na doktrina at mga alituntunin. Madalas na ang ilan sa mga ito ay pinakanatatangi at pinakamahalagang pagtuklas na magagawa mo sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Ang pagtuklas ng mga ipinahiwatig na doktrina at alituntunin ay nangangailangan ng oras at masusing pag-iisip.

Aktibidad sa Gospel Teaching and Learning Handbook

pabalat ng hanbuk

Basahin ang bahagi 2.5.1 (“Identify Doctrines and Principles”) sa pahina 27 ng hanbuk na Gospel Teaching and Learning, simula sa ikapitong talata, na nagsisimula sa “Maraming alituntunin ang hindi direktang inihahayag …” hanggang sa ikalawang talata sa pahina 28. Salungguhitan ang mga salita o mga parirala na tumutulong na mapalalim ang iyong pag-unawa sa mga ipinahiwatig na doktrina at mga alituntunin at kung paano matutukoy ang mga ito sa iyong pag-aaral.

share iconBatay sa iyong nasalungguhitan, itala kung paano mo ipaliliwanag sa isang kaibigan o kapamilya kung ano ang ibig sabihin ng mga ipinahiwatig na katotohanan at paano matutukoy ang mga ito. Itala ang iyong mga pananaw at impresyon sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.

Mga Mungkahi sa Pagtukoy sa Ipinahiwatig na Doktrina at mga Alituntunin

Ang hanbuk na Gospel Teaching and Learning ay nagbibigay ng mga sumusunod na mungkahi na makatutulong sa mga titser at estudyante na matukoy ang mga ipinahiwatig na doktrina at mga alituntunin:

  1. Maghanap ng mga cause-and-effect relationship o sanhi-at-bunga

    “Sa pagsusuri ng mga kilos, saloobin, at pag-uugali [mga sanhi] ng mga tao o grupo sa mga banal na kasulatan, at pagtukoy ng mga pagpapala o mga resulta o ibinunga ng ginawa, ang mga alituntunin ng ebanghelyo ay nagiging mas malinaw” (Gospel Teaching and Learning, 27).

    lalaking nagbabasa

    “Habang binabasa ko ang Mateo 4:1–11, pinagtuunan ko ng pansin ang mga ginawa ng Tagapagligtas at kung paano Siya nag-ayuno at nagdasal sa pagsisikap na ‘makasama ang Diyos.’ Pagkatapos ay nakita ko kung paano Niya ginamit ang mga banal na kasulatan para labanan ang mga panunukso sa Kanya ng kaaway. Ang Kanyang pag-aayuno, pagdarasal, at paggamit ng mga banal na kasulatan (sanhi) ay nagbigay ng sapat na espirituwal na lakas para mapaglabanan ang mga tukso (bunga). Nang matuklasan ko ito, isinulat ko ang simpleng alituntuning ito sa aking journal: Kapag tayo ay nag-aayuno, nagdarasal, at naiintindihan natin ang mga banal na kasulatan, madaragdagan ang ating espirituwal na lakas para mapaglabanan ang tukso.

    babaeng nagbabasa

    “Natuklasan ko ang isang magandang alituntunin na ipinahiwatig sa 1 Nephi 18:3. Si Nephi ay umakyat nang ‘madalas … sa bundok, at madalas … nanalangin sa Panginoon.’ Bunga nito, ipinakita ng Panginoon sa kanya ang mga dakilang bagay. Habang iniisip ko ang mensaheng ito, isinulat ko ang sumusunod na alituntunin sa margin ng aking banal na kasulatan: Kapag mas lalo kong hinahangad na makausap ang Panginoon sa panalangin ko, mas lalo Siyang maghahayag sa akin ng mga dakilang bagay.

  2. Magtanong

    Ang mga ipinahiwatig na alitutunin ay maaari ding matukoy sa pamamagitan ng pagtatanong ng tulad ng mga sumusunod:

    • Ano ang mensahe, o aral, ng kuwento?

    • Bakit isinama ng may-akda ang mga pangyayari o mga talatang ito?

    • Ano ang nais ng may-akda na matutuhan natin?

    • Ano ang ilan sa mga pangunahing katotohanan na itinuro sa talatang ito?

    lalaking nagbabasa

    “Habang binabasa ko ang Doktrina at mga Tipan 9, na naglalaman ng pagpapayo ng Panginoon kay Oliver Cowdery, na nabigong tumulong sa pagsasalin ng Aklat ni Mormon, itinanong ko, ‘Ano ang mensahe o aral ng kuwentong ito?’ Ang ipinahiwatig na alituntunin dito na naisip ko ay Ang pagtanggap at pagkilala ng mga pahayag ay nangangailangan ng ating pagsisikap.

    babaeng nagbabasa

    “Sa Alma 17–18, nabasa ko ang tungkol sa paglilingkod kay Haring Lamoni ni Ammon na hindi naghahangad ng kapalit para sa paglilingkod na ginawa niya at ang paghanga ni Haring Lamoni sa katapatan ni Ammon. Naisip ko, ‘Bakit isinama ng may-akda ang mga detalyeng ito sa mga kabanatang ito?’ Bilang sagot sa aking katanungan, isinulat ko ang sumusunod na alituntunin sa aking banal na kasulatan: Kapag pinaglilingkuran natin nang tapat ang ibang tao, matutulungan natin silang maghanda na tanggapin ang mga katotohanan ng ebanghelyo.

  3. Ilahad ang doktrina at mga alituntunin nang malinaw at simple

    Itinuturo sa hanbuk na Gospel Teaching and Learning na “ang pagtukoy sa ipinahiwatig na [doktrina at] mga alituntunin ay kinabibilangan ng pagkilala sa mga katotohanan na inilalarawan sa isang tala sa mga banal na kasulatan at paglalahad sa mga ito nang malinaw at maikli” (Gospel Teaching and Learning, 27). Ang pagsulat ng malinaw at kumpletong mga pahayag tungkol sa doktrina at alituntunin ay tumutulong sa atin na maipahayag ang ating mga naisip at makuha ang mensahe sa banal na kasulatan na nais ng Panginoon na ibigay sa atin sa banal na kasulatan.

    Itinuro ni Elder B. H. Roberts (1857–1933), miyembro ng Pitumpu:

    Elder B. H. Roberts

    “Upang maipaalam ang katotohanan, ito ay dapat ihayag at kung mas malinaw at mas kumpleto itong inihayag, mas magkakaroon ng magandang pagkakataon ang Banal na Espiritu na makapagpatotoo sa mga kaluluwa ng tao na ang gawain ay totoo” (New Witnesses for God, 3 tomo [1909], 2:vii, sinipi sa James E. Faust, “What I Want My Son to Know before He Leaves on His Mission,” Ensign, Mayo 1996, 41).

    Binigyang-diin ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

    Elder Richard G. Scott

    “Sulit ang malaking pagsisikap na pagsamahin ang mga katotohanan na natipon natin at gawin itong mga simpleng pahayag ng alituntunin” (“Acquiring Spiritual Knowledge,” Ensign, Nob. 1993, 86).

Kapag ginawa mo ang iminungkahi ni Elder Scott—“pagsamahin ang mga katotohanan na natipon [mo] at gawin itong mga simpleng pahayag ng alituntunin”—makikita mo na ang mga pinakanakakatulong na mga pahayag ng doktrina o alituntunin ay may ganitong mga katangian:

  • Ang mga ito ay mga kumpletong pahayag.

  • Ang mga ito ay payak, malinaw, at maikli.

  • Ang mga katotohanang inihahayag nito ay napakahalaga, di-nagbabago, at para sa lahat ng panahon.

  • Ang mga ito ay madalas maglahad ng pagkilos at gayon din ng mga ibubunga nito.

  • Ang mga ito ay mahalaga sa personal na buhay.

Alin sa mga katangiang ito ang nakikita mo sa bawat isa sa mga sumusunod na mga pahayag ng doktrina o alituntunin?

  • Kapag mas lalo kong hinahangad na makausap ang Panginoon sa panalangin ko, mas lalo Siyang maghahayag sa akin ng mga dakilang bagay.

  • Kapag ako ay nag-aayuno, nagdarasal, at naiintindihan ko ang mga banal na kasulatan, madaragdagan ang aking espirituwal na lakas para mapaglabanan ang tukso.

  • Si Jesucristo ay nagdusa para sa aking mga kasalanan.

  • Ang pagtanggap at pagkilala sa pahayag ay nangangailangan ng aking pagsisikap.

  • Kapag matapat akong naglilingkod sa ibang tao, maaari ko silang matulungang maghanda sa pagtanggap ng mga katotohanan ng ebanghelyo.

video iconPanoorin ang video na “Pagtukoy sa Doktrina at mga Alituntunin” (7:09), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, tinatalakay ng tatlong titser ang tungkol sa kanilang pagsisikap na matukoy ang doktrina at mga alituntunin sa Lucas 5:1–11 gamit ang tatlong mungkahi na inilahad sa itaas.

NaN:NaN

share iconMagtala ng dalawa o tatlong ideya na natutuhan mo mula sa video sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.

Guided na Aktibidad sa Banal na Kasulatan: Pagtukoy sa Ipinahiwatig na Doktrina at mga Alituntunin

Praktisin natin ang pagtukoy sa ipinahiwatig na doktrina at mga alituntunin. Pag-aralan ang Enos 1:1–8, na hinahanap ang doktrina at mga alituntunin na may walang hanggang kahalagahan.

  1. Pag-unawa sa konteksto at nilalaman

    Bago maghanap ng mga doktrina at mga alituntunin, unawain muna ang konteksto at nilalaman ng mga talata. Ang mga tanong na tulad ng mga sumusunod ay maaaring makatulong sa iyo na gawin ito:

    • Ano ang ibig sabihn ng “pakikipagtunggali”? (Tingnan sa talata 2.)

    • Ano ang tumimo nang malalim sa puso ni Enos? (Tingnan sa talata 3.)

    • Ano ang ginawa ni Enos at gaano ito katagal? (Tingnan sa talata 4.)

    • Ano ang ibig sabihin ng salitang hinaing? (Tingnan sa talata 4.)

    • Ano ang naging pag-uusap ng Panginoon at ni Enos sa mga talatang ito? (Tingnan sa mga talata 5–8.)

  2. Pagtukoy sa ipinahiwatig na doktrina o mga alituntunin

    Sa pagsisikap mong tukuyin ang doktrina o mga alituntunin sa Enos 1:1–8, isiping itanong ang isa o higit pa sa mga sumusunod na tanong:

    • Anong cause-and-effect relationship o sanhi-at-bunga ang matatagpuan sa mga talatang ito?

    • Ano ang aral ng kuwento?

    • Ano ang nais ng may-akda na matutuhan natin?

    • Ano ang ilan sa mga pangunahing katotohanan na itinuro sa talatang ito?

  3. Paglalahad ng doktrina at mga alituntunin nang malinaw at simple

    Sa pagtukoy mo ng doktrina o alituntunin sa Enos 1:1–8, subukang ilahad ang mga ito nang malinaw at simple. Kung kailangan mo ng tulong sa paggawa nito, subukang gumamit ng isa sa mga sumusunod:

    • Kung (sanhi), tayo ay (bunga).

    • At sa gayon nakikita natin,.

share iconItala ang iyong mga pahayag ng doktrina o alituntunin sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.

Aktibidad sa Banal na Kasulatana: Pagtukoy sa Ipinahiwatig na Doktrina at mga Alituntunin

Ngayon, praktisin nang mag-isa ang mga kasanayang napag-aralan mo sa learning experience na ito.

Basahin ang Lucas 5:12–26 at gawin ang mga sumusunod:

  • Rebyuhin ang kontekto at nilalaman ng mga talata.

  • Tukuyin ang anumang doktrina at alituntunin na itinuro sa mga talatang ito.

  • Sumulat ng malilinaw at simpleng mga pahayag para sa bawat doktrina o alituntunin na iyong natukoy.

share iconItala ang iyong mga pahayag ng doktrina o alituntunin sa iyong study journal o sa ibang lugar kung saan maaari mo itong mahanap agad at matingnan muli at maibahagi sa iyong inservice leader o grupo.

Ang Epekto ng Pagtukoy sa Doktrina at mga Alituntunin

video iconPanoorin ang video na “Identifying Doctrine and Principles: Students’ Testimonies” (2:39), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ilang mga titser at estudyante sa institute ang nagbahagi ng epekto ng pagtukoy sa doktrina at mga alituntunin sa pag-aaral nila ng mga banal na kasulatan. Sa iyong panonood, pag-isipang mabuti ang maaaring maging epekto ng kasanayang ito sa personal na pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan at sa pagtuturo at pag-aaral na mangyayari sa inyong silid-aralan.

NaN:NaN

Buod at Pagsasabuhay

Mga Alituntuning Dapat Tandaan

  • Ang pinakalayunin ng mga banal na kasulatan ay magturo ng doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Ang doktrina ay kinapapalooban ng mga pangunahin at di-nagbabagong katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo.

  • Ang alituntunin ay isang walang hanggang katotohanan o patakaran na maaaring gamitin ng indibidwal sa kanilang mga pagpapasiya.

  • Ang ilan sa mga doktrina at mga alituntunin ay malinaw at hayagang inihahayag sa mga banal na kasulatan, at ang iba pa ay ipinahihiwatig lamang.

  • Ang pagtukoy sa ipinahiwatig na doktrina at mga alituntunin ay kinapapalooban ng paglalahad sa mga ito nang malinaw at maikli.

  • Ang pagtukoy ng doktrina at mga alituntunin sa mga banal na kasulatan ay nangangailangan ng pinag-isipang pagsisikap at pagsasanay.

Pangulong Marion G. Romney

“Hindi maaaring tapat na makapag-aral ng banal na kasulatan ang isang tao nang hindi natututuhan ang mga alituntunin ng ebanghelyo dahil ang mga banal na kasulatan ay isinulat upang pangalagaan ang mga alituntunin para sa ating kapakinabangan” (Marion G. Romney, “The Message of the Old Testament” [Church Educational System symposium on the Old Testament, Ago. 17, 1979], 3, si.lds.org).

“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”

Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.