Karagdagang mga Tulong para sa Pag-unlad ng mga Guro
Learning Experience 9: Paghahanda ng Lesson: Pagpapasiya Kung Ano ang Ituturo


Learning Experience 9

Paghahanda ng Lesson: Pagpapasiya Kung Ano ang Ituturo

Buod

Paalala: Ang susunod na limang learning experience ay ginawa upang tulungan ka na malaman kung paano maghanda ng lesson. Ang learning experience 9–10 ay nakatuon sa pagpapasiya kung ano ang ituturo, at ang learning experience 11–13 ay nakatuon sa pagpapasiya kung paano magtuturo.

Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:

  • Pagtuturo ng mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito

  • Pagbalanse kung ano ang ituturo at kung paano magtuturo

  • Pagpapasiya kung ano ang ituturo

Mga Pangunahing Konsepto

Madalas itanong ng mga bagong katatawag na titser ang mga sumusunod:

  • Paano naiiba ang pagtuturo sa seminary sa pagtuturo sa iba pang mga klase tulad ng Gospel Doctrine, Relief Society, elders quorum, at iba pa?

  • Paano ako maghahanda ng lesson?

  • Ilang oras ang dapat kong iukol sa pagpili kung ano ang ituturo at paano ito ituturo?

  • Paano ako magpapasiya kung ano ang ituturo?

Ang learning experience na ito ay makatutulong sa pagsagot sa ilan sa mga tanong na ito.

Pag-aaral at Pagtuturo ng mga Banal na Kasulatan Ayon sa Pagkakasunod-sunod

Sa mga kurso ng seminary at institute na nakatuon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, ang mga aklat at mga kabanata sa mga banal na kasulatan ay itinuturo ayon sa pagkakasunod-sunod nito sa mga banal na kasulatan. Ginawa ang mga lesson ayon sa scripture block sa halip na ayon sa mga paksa. Bawat scripture block ay maaaring maglaman ng maraming kabanata, alituntunin, at paksa na maaari mong bigyang-diin. Ang paraang ito ay kakaiba sa mga kurso sa institute na itinuturo ayon sa tema.

Video iconPanoorin ang video na “Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan nang Sunod-sunod” (0:46), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, inilarawan ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kabutihang maidudulot ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunud-sunod nito.

0:46

Aktibidad sa Gospel Teaching and Learning Handbook

pabalat ng hanbuk

Basahin ang pambungad sa kabanata 3 sa pahina 38–39 ng Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion (2012) para matulungan ka na maunawaan kung bakit ang mga kurso sa seminary at institute na nakatuon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay dapat ituro ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Kapag binasa mo ang bahaging ito, markahan sa iyong hanbuk ang mga paraan na mapagpapala ka at ang iyong mga estudyante sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

Kapag nagtuturo ng scripture block ayon sa pagkakasunod-sunod nito, makapagtuturo ka ng maraming alituntunin sa loob ng isang lesson. Ang bawat alituntunin ay mabibigyan ng iba’t ibang antas ng pagbibigay-diin.

video iconPanoorin ang video na “Ituro ang mga Banal na Kasulatan ayon sa Pagkakasunod-sunod” (4:28), na makukuha sa LDS.org. Ipinakita sa video na ito ang ilang mahahalagang konsepto na dapat isaalang-alang kapag nagpaplanong magturo ng scripture block ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

4:32

Ano at Paano: Ibalanse ang Iyong Paghahanda

Sa paghahanda ng lesson, mahalagang balanse ang oras na iuukol mo sa pagpapasiya kung ano ang ituturo at paano magtuturo.

Di-balanseng Paghahanda

di-balanseng scale, Ano
  1. Ano

    Kapag ang titser ay nag-ukol ng maraming oras at lakas sa pagpapasiya kung ano ang ituturo, mawawalan siya ng sapat na oras na pag-isipan pa kung paano tutulungan ang mga estudyante na makabahagi sa talakayan sa klase. Madalas na hahantong ito sa mga lesson na nakababagot o nakaiinip at nakasentro lang sa titser.

di-balanseng scale, Paano
  1. Paano

    Kapag ang titser ay nag-ukol ng maraming oras at lakas sa pagpapasiya kung paano ituturo ang lesson, maaaring magkulang sa layunin at epekto ang mga lesson. Sa pangyayaring ito, maaaring mas maalala ng mga estudyante ang paraan ng pagtuturo kaysa sa mga inspiradong mensahe mula sa mga banal na kasulatan.

Balanseng Paghahanda

balanseng scale

“Kapag naghahanda ng lesson, lahat ng titser ay dapat magpasiya kung: ‘Ano ang ituturo ko?’ at ‘Paano ko ito ituturo?’” (Gospel Teaching and Learning, 52). Nalaman mo na ngayon kung ano ang mangyayari kapag hindi balanse ang iniukol na oras sa pagpapasiya kung ano ang ituturo at kung paano magtuturo sa iyong paghahanda. Ngayon ay basahin ang mga sumusunod na bahagi at pansinin ang mga katangian ng paghahanda kapag balanse ang iniukol na oras sa pagpapasiya kung ano ang ituturo at kung paano magtuturo.

  1. Ano

    Kabilang sa paghahanda kung ano ang ituturo ang:

    • Pag-unawa sa konteksto (background, kultura, at tagpo).

    • Pag-unawa sa nilalaman (kuwento, mga tao, mga pangyayari, mga sermon, at mga inspiradong paliwanag).

    • Pagtukoy sa mahalagang doktrina o mga alituntunin.

  2. Paano

    Kabilang sa paghahanda kung paano magtuturo ay ang pagpapasiya kung anong mga pamamaraan at mga aktibidad ang gagamitin mo na makatutulong sa iyong mga estudyante na matuto (talakayan sa klase, mga tanong, audiovisual resources, writing exercises, small group work, at iba pa).

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa bahagi 4.3.2 (“Decide What to Teach and How to Teach It”) sa pahina 52 ng hanbuk na Gospel Teaching and Learning.

Ang Inaalala ng Bagong Titser

video iconPanoorin ang video na “Tamuhin ang Salita” (8:54), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, si Lea Murray ay abalang ina na natawag kamakailan bilang seminary teacher. Tulad ng maraming bagong tawag na titser, inalala niya ang pagkakaroon ng sapat na oras sa paghahanda ng mga lesson at pagtuturo araw-araw. Inisip niya kung saan magsisimula. Habang pinanonood mo ang video, alamin kung kanino siya nagpatulong para sa kanyang tungkulin. Alamin din kung ano ang ipinayo sa kanya hinggil sa pinakamahalagang bagay kung saan siya dapat magsimula kapag naghahanda ng mga lesson.

8:54

Pagpapasiya Kung Ano ang Ituturo: Apat na Bahagi

Kapag naghahanda ka ng lesson, sundin ang apat na bahaging ito na tutulong sa iyo na magpasiya kung ano ang ituturo. Ang mga bahaging ito ay ipinaliwanag sa hanbuk na Gospel Teaching and Learning, bahagi 4.3.3 (“Decide What to Teach”), sa pahina 52–55.

  1. Pag-aralang mabuti ang mga banal na kasulatan upang maunawaan ang konteksto at nilalaman ng scripture block.

  2. Alamin at unawain ang doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa scripture block.

  3. Magpasiya kung aling doktrina at mga alituntunin ang pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng iyong mga estudyante.

  4. Magpasiya kung gaano mo bibigyang diin ang bawat segment ng scripture block.

Ang sumusunod na aktibidad ay nakatuon sa apat na bahagi ng pagpapasiya kung ano ang ituturo. Sa bawat isa sa apat na bahagi ng aktibidad, panoorin ang video na nagpapakita kung paano kumpletuhin ang bawat bahagi. Pagkatapos ay praktisin ang natutuhan mo sa pamamagitan ng paggawa ng lesson notes habang gumagawa ng outline para sa Mosias 27.

Aktibidad sa Paghahanda ng Lesson

dalawang babae na nag-aaral sa mesa

Bahagi 1: Unawain ang Konteksto at Nilalaman ng Scripture Block

Nagbigay ang hanbuk na Gospel Teaching and Learning ng apat na mungkahi na maaaring gawin para mas maunawaan ang konteksto at nilalaman ng isang scripture block:

  • Pag-aralang mabuti ang scripture block hanggang maunawaan mo nang malinaw ang nilalaman nito at maging pamilyar ka rito.

  • Pansinin kung saan nagtapos ang scripture block na kakikitaan ng pagbabago ng paksa o pangyayari.

  • Hatiin ang scripture block sa mas maliliit na segment o grupo ng mga talata ayon sa natural break ng mga ito. (Paalala: Gagamitin mo ang mas maliliit na segment na ito para ayusin ang daloy ng lesson at mabigyan ng kaunting pansin ang lahat ng nasa scripture block.)

  • Ibuod ang nangyari sa bawat segment ng mga talatang ito.

video iconPanoorin ang video na “Paghahanda ng Lesson: Mga Verse Segment at Summary Statement” (5:08), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ipinakita ni Sister Wilson ang mga hakbang na ito.

5:8

handout iconGumawa ng blangkong dokumento na katulad ng nakita mo sa video, o gumamit ng handout na may pamagat na “Pagpapasiya Kung Ano ang Ituturo” na makikita sa apendiks ng manwal na ito. Pagkatapos ay unawain ang konteksto at nilalaman ng scripture block sa pamamagitan ng paggawa ng mga sumusunod:

  1. Pag-aralan ang scripture block (Mosias 27) para maging pamilyar sa konteksto at nilalaman.

  2. Pansinin at markahan kung saan nagtapos ang scripture block na kakikitaan ng pagbabago ng paksa o pangyayari.

  3. Hatiin ang scripture block sa mas maliliit na grupo ng mga talata ayon sa natural break ng mga ito.

  4. Sa iyong dokumento, ibuod ang nangyari sa bawat segment ng mga talata.

handout, Pagpapasiya Kung Ano ang Ituturo
kamay na nagsusulat sa form

Bahagi 2: Unawain ang Doktrina at mga Alituntunin

Pagkatapos mong ibuod ang verse segments, tutukuyin mo ang doktrina at mga alituntunin sa bawat isa. Pagkatapos ay magsusulat ka ng malinaw at simpleng pahayag na buod ng doktrina at mga alituntuning natukoy mo.

video iconPanoorin ang video na “Paghahanda ng Lesson: Tukuyin ang Doktrina at mga Alituntunin” (2:57), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ipinakita ni Sister Wilson kung paano niya tinukoy ang doktrina at mga alituntunin, ibinuod ang mga ito sa simpleng pahayag, at isinulat sa kanyang lesson outline.

2:57

Balikan ang iyong lesson notes para sa Mosias 27 at gawin ang sumusunod:

  1. Tukuyin ang doktrina at mga alituntunin sa bawat verse segment.

  2. Sa iyong dokumento, isulat ang bawat doktrina o alituntunin gamit ang malinaw at simpleng mga pahayag.

kamay na nagsusulat sa form

Bahagi 3: Magpasiya Kung Aling Doktrina at mga Alituntunin ang Pinakamahalagang Matutuhan at Maipamuhay ng Iyong mga Estudyante

Kadalasang naglalaman ang mga scripture block ng mas maraming materyal kaysa kayang talakayin nang minsanan sa klase. Pag-isipan ang sumusunod na mahahalagang bagay kapag nagpapasiya kung aling doktrina at mga alituntunin ang pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng iyong mga estudyante.

  • Mga pahiwatig ng Espiritu Santo

  • Ang layunin ng inspiradong awtor

  • Doktrina at mga alituntunin na nagpapatibay ng pananampalataya

  • Mga pangangailangan at kakayahan ng iyong mga estudyante

video iconPanoorin ang video na “Paghahanda ng Lesson: Magpasiya Kung Aling mga Alituntunin ang Bibigyang-diin” (5:07), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ipinakita ni Sister Wilson kung paano siya nagpasya kung aling doktrina at mga alituntunin ang pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng kanyang mga estudyante.

6:57

Balikan ang iyong lesson notes para sa Mosias 27 at gawin ang sumusunod:

  1. Magpasiya kung alin sa doktrina at mga alituntunin na natukoy mo ang pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng iyong mga estudyante. Sa paggawa nito, isaalang-alang ang sumusunod:

    • Mga pahiwatig ng Espiritu Santo

    • Ang layunin ng inspiradong awtor

    • Doktrina at mga alituntunin na nagpapatibay ng pananampalataya

    • Mga pangangailangan at kakayahan ng iyong mga estudyante

  2. Sa iyong dokumento, bilugan o markahan ang doktrina at mga alituntunin na napagpasiyahan mong pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng iyong mga estudyante.

kamay na itinuturo ang form

Bahagi 4: Magpasiya Kung Gaano Mo Bibigyang-Diin ang Bawat Segment ng Scripture Block

Matapos mapagpasiyahan ang doktrina at mga alituntunin na pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng mga estudyante, ang susunod na hakbang ay magpasiya kung aling verse segments ng scripture block ang dapat lubos na bigyang-diin sa lesson. Ang mga segment na naglalaman ng mga katotohanan na tinukoy mo na pinakamahalaga ang karaniwang higit na binibigyang-diin.

Para matulungan kang magpasiya kung gaano mo bibigyang-diin ang bawat verse segment, maaari mong itanong sa iyong sarili ang ilan sa sumusunod, na tugma sa learning pattern. Sa verse segment na ito, plano ko ba na tulungan ang mga estudyante ko na:

  • Maunawaan ang konteksto at nilalaman?

  • Matukoy ang mahalagang doktrtina at mga alituntunin?

  • Maunawaan ang doktrina at mga alituntunin?

  • Madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at mga alituntuning iyon?

  • Maipamuhay ang mga katotohanan?

video iconPanoorin ang video na “Paghahanda ng Lesson: Alamin ang Lebel ng Diin sa Bawat Verse Segment” (6:57), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ipinakita ni Sister Wilson kung paano niya ginamit ang learning pattern sa pagpapasiya kung gaano niya bibigyang-diin ang bawat verse segment sa scripture block.

6:57

Balikan ang iyong lesson notes para sa Mosias 27 at gawin ang sumusunod:

  1. Habang tinitingnan mo ang verse segments sa iyong dokumento, isipin kung gaano mo bibigyang-diin ang bawat segment sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong sarili ng mga sumusunod mula sa learning pattern. Sa verse segment na ito, plano ko ba na tulungan ang mga estudyante ko na:

    • Maunawaan ang konteksto at nilalaman?

    • Matukoy ang mahalagang doktrtina at mga alituntunin?

    • Maunawaan ang doktrina at mga alituntunin?

    • Madama ang katotohanan at kahalagahan ng mga doktrina at mga alituntuning iyon?

    • Maipamuhay ang mga katotohanan?

  2. Isulat kung gaano mo bibigyang-diin ang bawat segment sa iyong lesson notes.

Buod at Pagsasabuhay

Mga Alituntuning Dapat Tandaan

  • Sa mga kurso ng seminary at institute na nakatuon sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan, ang doktrina at mga alituntunin ay dapat ituro ayon pagkakasunod-sunod nito sa mga banal na kasulatan.

  • Sa paghahanda ng lesson, matitiyak ng balanseng pagtutuon sa kung ano ang ituturo at sa paano magtuturo ang mas makapangyarihan at may layuning pag-aaral.

  • Kapag nagpapasiya kung ano ang ituturo:

    1. Pag-aralang mabuti ang mga banal na kasulatan upang maunawaan ang konteksto at nilalaman ng scripture block.

    2. Alamin at unawain ang doktrina at mga alituntunin na matatagpuan sa scripture block.

    3. Magpasiya kung aling doktrina at mga alituntunin ang pinakamahalagang matutuhan at maipamuhay ng iyong mga estudyante.

    4. Magpasiya kung gaano mo bibigyang-diin ang bawat segment ng scripture block.

Elder Richard G. Scott

“Magpasiya, ayon sa sariling kakayahan at pangangailangan ng inyong mga estudyante, kung ano ang dapat ipriyoridad. Kung ang mahalagang alituntunin ay naunawaan, naipamuhay, at naging bahagi ng buhay ng mga estudyante, maisasagawa ang pinakamahalagang layunin” (Richard G. Scott, “To Understand and Live Truth” [an evening with Elder Richard G. Scott, Peb. 4, 2005], 2–3, si.lds.org).

“Ano Ngayon ang Gagawin Natin?”

Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.