Mga Hebreo 1–6
Buod
Dahil sa panggigipit ng iba’t ibang pag-uusig, maraming Kristiyanong Judio ang umalis sa Simbahan at bumalik sa mas ligtas na pagsamba ng mga Judio sa sinagoga. Nais ni Pablo na ipakita sa mga Kristiyanong Judio na ito na mas dakila si Jesus kaysa kay Moises, at ang Kanyang ministeryo ay nagdala ng bagong tipan na nakahihigit sa lumang tipan sa ilalim ng kautusan ni Moises. Itinuro ni Pablo na si Jesucristo ay bumaba mula sa Kanyang luklukan sa langit upang mabuhay bilang isang mortal na tao sa lupa at isakatuparan ang walang-hanggang Pagbabayad-sala para sa atin. Sa pamamagitan ng paghikayat sa mga Banal na iwaksi ang mga pag-uugaling walang pananampalataya, hinangad ni Pablo na tulungan silang bumalik sa mga tipang ginawa nila.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mga Hebreo 1–10
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong na mapalakas ang pananampalataya ng mga estudyante sa Tagapagligtas habang natututuhan nila ang Kanyang kapangyarihan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng pagtukoy at pag-aaral ng ilan sa Kanyang mga titulo at tungkuling ginagampanan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang mga pangalan ni Jesucristo sa kanilang personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan at pumasok sa klase na handang ibahagi ang mga pangalang nahanap nila.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang magpakita ng larawan ni Jesucristo at gumamit ng chat feature upang mailista ng mga estudyante ang mga titulo at tungkuling ginagampanan ni Cristo na natuklasan nila sa Mga Hebreo. Maaari ding i-post ng mga estudyante ang titulo o tungkulin na pinili nilang pag-aralan. Makatutulong ito na matukoy ang titulo o tungkulin na pinag-aralan ng karamihan sa mga estudyante. Pagkatapos, maaaring ibahagi ng mga estudyante kung bakit sa palagay nila ang titulo o tungkuling iyon ang pinakamadalas pag-aralan o kung bakit makabuluhan ito sa mga tinedyer.
Mga Hebreo 2–4
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na madagdagan ang tiwala ng mga estudyante na matutulungan sila ni Jesucristo sa mga oras ng pangangailangan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang doctrinal mastery passage na Alma 7:11–13 at pumasok sa klase na handang ibahagi kung bakit sa palagay nila ay mahalagang maunawaan ang scripture passage na ito.
-
Content na ipapakita: Ang chart na pupunan ng mga estudyante
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Para sa aktibidad sa chart, maaari mong gamitin ang whiteboard feature o online spreadsheet upang gawin ang chart at ibahagi ito sa klase. Sabihin sa mga estudyante na punan ang chart sa screen ng malalaman nila, bukod pa sa paggawa nito sa kanilang study journal.
Mga Hebreo 3–4
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na madaig ang kawalan ng pananampalataya upang matanggap nila ang mga ipinangakong pagpapala ng Tagapagligtas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga dahilan kung bakit sila naniniwala kay Jesucristo at kung paano sila pinagpapala dahil naniniwala sila sa Kanya.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag ibinabahagi ang impormasyong nagbibigay ng konteksto tungkol sa mga anak ni Israel, maaaring makatulong na i-share ang isang screen na may mga larawan ni Moises at ng mga anak ni Israel sa ilang.
Mga Hebreo 7–10
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na mapalakas ang pananampalataya ng mga estudyante kay Jesucristo bilang kanilang Tagapagligtas at Manunubos sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na maunawaan ang mga sinaunang simbolo sa batas ni Moises.
Paalala: Ang lesson na ito ay tumatalakay ng content na hindi kasama sa pacing sa linggong ito para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Upang makapagbigay ng mga pagkakataon na matalakay ang doctrinal mastery at iba pang nauugnay na content sa susunod na linggo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, ang lesson na ito ay inilipat dito. Maaaring pag-aralan ng mga estudyante ang lesson na ito sa loob ng alinmang linggo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang bagay sa klase at ipaliwanag kung paano ito nagpapatotoo o nagpapaalala sa kanila tungkol kay Jesucristo. Halimbawa, maaaring magdala ang isang estudyante ng pambura at ipaliwanag na ipinapaalala nito sa kanila si Jesucristo dahil mabubura, o mapapatawad Niya ang ating mga kasalanan.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumawa ng PowerPoint o iba pang visual presentation kung saan maipapakita ang mga larawan at kahulugan ng mga salita sa mga angkop na oras sa lesson.
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 22
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na maisaulo ang ilan sa mga reperensyang banal na kasulatan at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan ng mga doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na kausapin ang isang kapamilya o kaibigan kung paano nagbigay ng inspirasyon ang pagsasaulo ng mga banal na kasulatan sa kapamilya o kaibigan na iyon o paano ito nakatulong sa kanila na mas mapalapit sa Tagapagligtas.
-
Mga Materyal: Isang papel at isang pansulat para sa bawat estudyante
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Magpadrowing sa mga estudyante ng mga larawan gamit ang annotate function. Maaaring magsalitan ang mga estudyante sa pagdrowing ng mga clue at paghula sa doctrinal mastery passage.