Seminary
Mga Hebreo 7–10


Mga Hebreo 7–10

“Tinitiyak ang Walang Hanggang Katubusan” para sa Atin

Composite of an image of an Old Testament priest offering a sacrifice, and Jesus Christ on the cross.

Naranasan mo na ba ang isang pagkakataon na kinailangan mong matiyak ang pananampalataya mo kay Jesucristo? Kailan mo nadama na kailangan mo ng karagdagang tulong para manatili sa landas ng tipan? Ang mga Banal na Hebreo ay naghahangad ng katiyakan tungkol sa kanilang pananampalataya kay Jesucristo at sa Kanyang kapangyarihang magligtas. Sumulat si Pablo sa kanila para ibigay ang katiyakang ito. Ipinaalala niya sa kanila na ang batas ni Moises mismo ay nagtuturo kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala bilang tunay na pinagmumulan ng kaligtasan. Layunin ng lesson na ito na mapalakas ang iyong pananampalataya kay Jesucristo bilang iyong Tagapagligtas at Manunubos sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo na maunawaan ang mga sinaunang simbolo sa batas ni Moises.

Pagsasama ng paglalahad ng titser. Ang aktibong pakikibahagi sa proseso ng pag-aaral ay nakatutulong sa mga estudyante na maunawaan at maipamuhay ang doktrina at mga alituntunin mula sa mga banal na kasulatan. Gayunpaman, hindi nito ganap na pinapalitan ang pangangailangang mailahad ng titser ang impormasyon nang tama habang nakikinig ang mga estudyante. Kung minsan kailangang ipaliwanag, linawin, at ilarawan ng titser ang mga konsepto para mas malinaw na maunawaan ng mga estudyante ang mga ito.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang bagay sa klase at ipaliwanag kung paano ito nagpapatotoo o nagpapaalala sa kanila tungkol kay Jesucristo. Halimbawa, maaaring magdala ang isang estudyante ng pambura at ipaliwanag na ipinapaalala nito sa kanila si Jesucristo dahil mabubura, o mapapatawad Niya ang ating mga kasalanan.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

“Lahat ng bagay ay nagpapatotoo [kay Jesucristo]” ( Moises 6:63)

Kung maaari, i-outline ang tabernakulo (tingnan ang diagram kalaunan sa lesson na ito) sa sahig bago magklase, gamit ang tape o tali. O idrowing ito kung saan ito makikita ng mga estudyante. Bilang alternatibo, ipakita ang ilan o lahat ng larawan sa lesson na ito upang makita ng mga estudyante sa buong oras ng klase.

Maghanap ng isang bagay sa malapit na nagpapaalala sa iyo tungkol kay Jesucristo o magagamit upang magpatotoo tungkol sa Kanya. Isipin kung ano ang mayroon sa bagay na nagpapaalala sa iyo (o kumakatawan) kay Jesucristo.

Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag gamit ang bagay na ito:

Ipakita ang sumusunod na hindi kumpletong pangungusap, at sabihin sa mga estudyante na kumpletuhin ito gamit ang bagay na pinili nila sa kanilang paghahanda sa klase. Maaari nilang gawin ito nang magkakapartner, sa maliliit na grupo, o bilang isang klase.

“Ang __________________ ay nagpapaalala sa akin ng tungkol kay Jesucristo dahil ________________________.”

  • Paano makatutulong sa iyo ang mga simbolo at paghahambing na tulad nito upang mapalalim ang iyong pag-unawa tungkol kay Jesucristo at sa mga ginawa Niya para sa iyo?

Nakatala sa mga banal na kasulatan na ang lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos ay nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo (halimbawa, tingnan sa 2 Nephi 11:4 ; Moises 6:63).

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-alala nito?

Layunin ng mga gawain at mga ordenansa ng batas ni Moises na maging “halimbawa” o “pagkakahawig” na nagturo sa mga Israelita kay Jesucristo at sa Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo (tingnan sa 2 Nephi 11:4 ; Jacob 4:4–5 ; Mosias 3:15). Sa kanyang Sulat sa mga Hebreo, tinalakay ni Pablo ang simbolismo ng batas ni Moises at ang sinaunang tabernakulo upang ipaalala sa mga Banal ang kanilang pangangailangan kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Gusto niyang tulungan ang mga Banal na Judio na manatiling tapat kay Jesucristo sa halip na bumalik sa pagsunod sa batas ni Moises—at ang kanyang mga turo ay makatutulong din sa atin habang nagsisikap tayong manatiling tapat sa Tagapagligtas ngayon. Sa lesson na ito, magkakaroon ka ng pagkakataong mas maunawaan kung paano tayo itinuturo ng simbolismo sa mga banal na kasulatan tungkol kay Jesucristo at kung paano nito pinatototohanan si Jesucristo.

Batay sa mga pangangailangan ng mga estudyante at oras ng klase, magpasya kung magtutuon sa bahaging “Mga priest alinsunod sa orden ni Melchizedek,” sa bahaging “Simbolismo ng sinaunang tabernakulo,” o pareho.

Mga priest alinsunod sa orden ni Melchizedek

Sa Sulat ni Pablo sa mga Hebreo, ang pinakapunong saserdote at iba pang saserdote ng mga sinaunang Israelita ay sumisimbolo kay Jesucristo.

A man dressed in the costume of a High Priest at the model of the Jewish Tabernacle.

Ang isang tungkulin ng mga priest ay magsilbing mga tagapamagitan, na simbolikong nakatayo sa pagitan ng mga tao at ng Diyos. Ginampanan nila ang tungkuling ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga handog na hayop araw-araw para sa mga kasalanan at paglabag ng mga Israelita (tingnan sa Levitico 1 ; Mga Hebreo 10:11). Ginawa ito sa tabernakulo.

Basahin ang Mga Hebreo 7:22–28 , na binibigyang-pansin ang Pagsasalin ni Joseph Smith para sa Mga Hebreo 7:25–26 (matatagpuan sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia). Alamin kung paano nakatutulong sa atin ang mga ginawa ng mga high priest na ito para maunawaan na inialay ni Jesucristo ang Kanyang sariling buhay bilang sakripisyo para sa ating mga kasalanan. Pag-isipan ang mga sumusunod na kahulugan habang pinag-aaralan mo ang:

Ipakita ang mga sumusunod na kahulugan upang makita ng mga estudyante habang nagbabasa sila:

Ang salitang “tagapanagot” sa Mga Hebreo 7:22 ay tumutukoy sa isang taong gumagarantiya sa perang inutang ng ibang tao.

Ang “higit na mabuting tipan” ay tumutukoy sa napakadakilang tipan ng ebanghelyo na itinatag ni Cristo.

Ang “niya” sa Mga Hebreo 7:24 ay tumutukoy kay Jesucristo.

Ang ibig sabihin ng “lubos” sa Mga Hebreo 7:25 ay “ganap” at “walang hanggan.”

Maaari mong ipasulat sa mga estudyante ang kanilang mga sagot sa mga sumusunod na tanong sa pisara:

  • Aling mga salita o parirala sa mga talatang ito ang pinakamakabuluhan para sa iyo? Bakit?

  • Ano sa mga talatang ito ang nagtuturo na inialay ni Jesucristo ang Kanyang sariling buhay bilang sakripisyo para sa ating mga kasalanan?

  • Ano ang nalalaman mo tungkol kay Jesucristo o ano ang mga naranasan mo sa Kanya na nagbibigay sa iyo ng tiwala na maililigtas ka Niya?

Simbolismo ng sinaunang tabernakulo

A depiction of the Israelite tabernacle in the wilderness. The tabernacle is viewed from above. The interior and exterior of the tabernacle are depicted.

Maaari mong ituro ang iba’t ibang bahagi ng tabernakulo habang ipinapaliwanag ang Araw ng Pagtubos.

Floor plan of Moses’ Tabernacle.

Isang beses sa isang taon, sa Araw ng Pagtubos (tingnan sa Levitico 16), naghahandog ang pinakapunong saserdote ng mga hayop bago pumasok sa bahagi ng tabernakulo na kilala bilang pinakabanal na dako (o Kabanal-banalang Dako). Ang bahaging ito ng tabernakulo ay sumisimbolo sa kahariang selestiyal, o sa piling ng Diyos. Ang mga sakripisyong ito at ang mga gawain ng pinakapunong saserdote ay ginawa upang sumagisag kung paano magsasakripisyo si Jesus, ang Dakilang Pinakapunong Saserdote, na maghahanda ng paraan upang makapasok ang mga tao sa piling ng Diyos (tingnan sa Mga Hebreo 9:1–15).

2:3

Para sa susunod na aktibidad, hatiin sa dalawang grupo ang klase at ipabasa sa kalahati ang mga scripture passage sa Mga Hebreo 9 at sa natitirang kalahati ang mga scripture passage sa Mga Hebreo 10. Maaaring makatulong na ipakita ang mga tanong upang magamit ng mga estudyante bilang sanggunian habang binabasa nila ang mga talata. Lumibot sa buong klase at tulungan ang bawat estudyante kung kinakailangan.

Composite of an image of an Old Testament priest offering a sacrifice, and Jesus Christ on the cross.

Hanapin ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong habang binabasa mo ang Mga Hebreo 9:11–15, 24, 28 o Mga Hebreo 10:4, 10–17 .

  • Ano ang natutuhan mo mula sa mga talatang ito tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang Pagbabayad-sala?

  • Batay sa mga talatang ito, anong mga pagpapala ang maaaring dumating sa atin dahil sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Tulungan ang mga estudyante na matukoy ang mga katotohanan mula sa mga talatang ito. Ang isang posibleng katotohanan na maaaring matukoy nila ay sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo, tayo ay malilinis mula sa kasalanan at makatatanggap ng pangako ng buhay na walang hanggan.

  • Ano ang itinuturo sa iyo ng mga ipinangakong pagpapala ng Tagapagligtas tungkol sa ninanais Niya para sa iyo?

  • Paano mo maipapakita ang iyong pasasalamat sa ginawa ni Jesucristo para sa iyo?

Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras upang mapag-isipan ang mga sumusunod na tagubilin at magsulat sa kanilang journal. Hikayatin silang sundin ang mga pahiwatig. Magpatotoo tungkol kay Jesucristo bilang ating Tagapagligtas at Manunubos.

Isipin kung paano nakatulong sa iyo ang pag-aaral ng mga paghahambing at simbolismo sa lesson na ito na mas maunawaan si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala.

  • Ano ang ilang simbolo sa ating panahon na nagtuturo sa atin kay Jesucristo?

Isipin kung paano makaiimpluwensya nang mas madalas ang paghahanap ng simbolismo tungkol kay Jesucristo sa iyong ugnayan sa Kanya. Humingi ng tulong sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang matukoy kung paano mo ito magagawa nang mas madalas sa iyong personal na pag-aaral ng banal na kasulatan. Kumilos ayon sa mga pahiwatig na matatanggap mo.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Ano ang Araw ng Pagtubos?

Minsan sa isang taon sa banal na araw ng mga Judio na tinatawag na Araw ng Pagtubos (tinatawag ding Yom Kippur), pinahihintulutan ang pinakapunong saserdote na pumasok sa pinakabanal na dako (tinatawag ding Kabanal-banalang Dako) sa tabernakulo o, kalaunan, sa templo ng Jerusalem. Sa altar ng sakripisyo, na matatagpuan lamang sa labas ng banal na dako, iniaalay ng pinakapunong saserdote ang isang toro at isang lalaking kambing. Iwiniwisik niya ang dugo ng mga hayop sa mga itinalagang lugar sa pinakabanal na dako upang isagisag ang Pagbabayad-sala ni Cristo para sa mga kasalanan ng saserdote at ng mga tao. Pagkatapos ay simbolikong ililipat ng pinakapunong saserdote ang mga kasalanan ng mga tao sa isa pang lalaking kambing (na tinatawag na scapegoat), na itataboy sa ilang, bilang tanda na naalis na ang mga kasalanan ng mga tao. Siya rin ay mag-aalay ng dalawang lalaking tupa bilang handog na susunugin para sa kanya at sa mga tao. (Tingnan sa Bible Dictionary, “ Fasts ”; tingnan din sa Levitico 16:22 .)

10:47

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Melchizedek Priesthood

Kung makikinabang ang mga estudyante sa pagtutuon sa Melchizedek Priesthood, maaari mong gamitin ang bahaging “Ang Melchizedek Priesthood ay nagtuturo sa akin kay Jesucristo” mula sa outline ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, “Nobyembre 6–12. Mga Hebreo 7–13: ‘Pinakapunong Saserdote ng Mabubuting Bagay na Darating,’” (Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023). Sabihin sa mga estudyante na tukuyin ang mga paraan na matutulungan sila ng mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood na mas mapalapit at maging higit na katulad ni Jesucristo.

Mga sinauna at makabagong ordenansa

Kung makikinabang ang mga estudyante sa pagtutuon kung paano nakaturo ang mga ordenansa ng priesthood kay Jesucristo, maaari mong gamitin ang bahaging “Ang mga sinauna at makabagong ordenansa ay nakaturo kay Jesucristo” mula sa outline ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, “Nobyembre 6–12. Mga Hebreo 7–13: ‘Pinakapunong Saserdote ng Mabubuting Bagay na Darating,’” (Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya: Bagong Tipan 2023). Sabihin sa mga estudyante na talakayin kung paano nagpapatotoo ang iba’t ibang ordenansa tungkol kay Jesucristo. Halimbawa, maaari nilang talakayin kung paano sinisimbolo ng binyag ang kamatayan, libing, at pagkabuhay na mag-uli ni Cristo (tingnan sa Roma 6:1–6).