Seminary
Mga Hebreo 3–4


Mga Hebreo 3–4

Pagpasok sa Kapahingahan ng Panginoon

Jesus Christ portrayed seated near a river. Christ is holding a shepherd’s staff in His hand. There are trees growing along the banks of the river.

Nais ng ating Ama sa Langit at ni Jesucristo na biyayaan tayo ng Kanilang pinakadakilang mga pagpapala. Ang kawalan ng pananampalataya at katigasan ng puso ang humahadlang sa marami na matanggap ang mga pagpapalang ito. Sa pamamagitan ng paghikayat sa mga Banal na iwaksi ang mga pag-uugaling walang pananampalataya, hinangad ni Pablo na tulungan silang bumalik sa mga tipang ginawa nila. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang madaig ang kawalan ng pananampalataya upang matanggap mo ang mga ipinangakong pagpapala ng Tagapagligtas.

Pakikinig sa mga estudyante upang mas maunawaan ang kanilang mga pangangailangan. Kapag ang mga estudyante ay sumagot sa mga tanong o nagbahagi ng mga karanasan sa klase, makinig nang mabuti sa sinasabi nila. Kapag pinakinggan mo sila at binigyang-pansin ang mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo, mauunawaan mo ang kanilang mga pangangailangan.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung bakit sila naniniwala kay Jesucristo at kung paano sila pinagpapala dahil naniniwala sila sa Kanya.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang ating pananampalataya kay Jesucristo

Inilarawan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang problemang kinakaharap ng mundo ngayon:

15:1
Official portrait of Elder Neil L. Andersen of the Quorum of the Twelve Apostles, 2010, August.

Sa ilang lugar sa mundo kung saan naipahayag ang Kanyang pangalan sa loob ng maraming siglo, nababawasan ang pananampalataya kay Jesucristo. Nakita ng magigiting na Banal sa Europe na humihina ang pananalig sa kanilang mga bansa sa paglipas ng mga dekada. Ang malungkot, humihina rin ang pananampalataya rito sa Estados Unidos. Inihayag sa isang pag-aaral kamakailan na nitong huling 10 taon ay 30 milyong katao sa Estados Unidos ang hindi na naniniwala sa pagka-Diyos ni Jesucristo. Sa buong mundo naman, ibinadya sa isa pang pag-aaral na sa darating na mga dekada, mahigit doble ang aalis sa Kristiyanismo kaysa mga tatanggap dito.

(Neil L. Andersen, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo,” Liahona, Nob. 2020, 88)

  • Ano ang ilang maaaring mangyari, ngayon at sa hinaharap, sa mga taong hindi naniniwala kay Jesucristo?

Maaaring pagkakataon ito upang ipaalala sa mga estudyante ang kanilang paghahanda para sa klase.

Isipin ang sarili mong paniniwala kay Jesucristo.

  • Sa iyong palagay, gaano kalakas ang iyong paniniwala kay Jesucristo?

  • Paano mapagpapala ang iyong buhay sa pagpiling maniwala sa Kanya?

Ang mga turo ni Pablo tungkol sa mga anak ni Israel

Sa kanyang liham sa mga Hebreo, nalaman ni Pablo na dahil sa pag-uusig, pinag-isipan ng ilang nagbalik-loob na tumalikod sa kanilang paniniwala kay Jesucristo.

Basahin ang Mga Hebreo 3:7–19 , at alamin ang salaysay ng kasaysayan na binanggit ni Pablo upang matulungan ang mga Hebreo na maunawaan ang panganib ng kawalan ng pananampalataya.

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nahanap nila. Kung maaari, ipabuod sa isang estudyante ang salaysay tungkol kay Moises at sa mga anak ni Israel na binanggit ni Pablo. Gamitin ang impormasyon sa sumusunod na talata kung kinakailangan.

Ang “paghihimagsik … sa ilang” ( Mga Hebreo 3:8) ay tumutukoy sa panahon na, matapos mapalaya mula sa Egipto, sumuway ang mga Israelita na ikinagalit ng Panginoon at sila ay pinagkalooban ng mga pagpapalang nais Niyang ibigay sa kanila (tingnan sa Mga Bilang 14 ; Jacob 1:7–8 ; Alma 12:33–37).

  • Anong mga pagpapala ang hindi natanggap ng mga anak ni Israel? Bakit?

Ang kapahingahan ng Panginoon

Nais ng Ama sa Langit at ni Jesucristo na maranasan natin ang Kanilang kapahingahan. Pag-aralan ang sumusunod na scripture passage at pahayag ng propeta upang malaman kung ano ang kapahingahan ng Panginoon. Maaaring makatulong na hanapin ang salitang “ kapahingahan ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan, kung mayroon.

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 84:24 upang malaman pa ang tungkol sa kapahingahan ng Panginoon (tingnan din sa Alma 13:6, 12–13, 28–29).

Itinuro ni Pangulong Joseph F. Smith (1838–1918) kung paano tayo makapapasok sa kapahingahan ng Panginoon habang nabubuhay tayo sa mundo:

Portrait of Joseph F. Smith

Ang mga sinaunang propeta ay nangusap tungkol sa “pagpasok sa kapahingahan ng Diyos” [tingnan sa Alma 12:34 ; Doktrina at mga Tipan 84:23–24 ]; ano ang ibig sabihin nito? Sa aking isipan, ang ibig sabihin nito ay pagpasok sa kaalaman at pag-ibig ng Diyos, na may pananampalataya sa kanyang layunin at sa kanyang plano, hanggang sa puntong nalalaman natin na tama tayo, at na hindi na tayo naghahanap pa ng iba, hindi tayo nagagambala ng magkabi-kabila ng lahat ng hangin ng aral, o sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian. … Ang taong nakarating sa gayong antas ng pananampalataya sa Diyos na ang lahat ng pag-aalinlangan at takot ay naiwaksi na mula sa kanya, ay nakapasok na sa “kapahingahan ng Diyos.”

(Mga Turo ng Mga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith [1999], 65–66)

  • Paano mo ilalarawan ang kapahingahan ng Panginoon?

Nagbahagi si Alma ng mensaheng katulad ng kay Pablo sa mga tao sa kanyang panahon, na ang ilan sa kanila ay nahirapan ding maniwala. Basahin ang Alma 12:34–37 , at maghanap ng mga karagdagang kaalaman.

Ang isang alituntunin na maaaring natutuhan mo ay kung tayo ay mananatiling tapat sa Tagapagligtas at hindi patitigasin ang ating puso, tayo ay makapapasok sa kapahingahan ng Panginoon.

  • Sa iyong palagay, paano nakahahadlang sa atin ang matigas na puso at kawalan ng paniniwala sa pagtatamo ng mga pagpapala ng Panginoon?

  • Sa iyong palagay, bakit mahalagang pagsikapang matamo ang kapahingahan ng Panginoon?

Pagpiling maniwala

Ipakita ang mga sumusunod na talata. Maaari mong igrupo ang mga estudyante nang magkakapartner at atasan ang bawat estudyante na basahin ang mga talata mula sa isang kabanata. Pagkatapos ay maaari nilang iulat sa kanilang kapartner ang natutuhan nila.

Basahin ang Mga Hebreo 3:7–8, 12–15 ; 4:2–3, 6–7, 11. Habang nagbabasa ka, alamin kung ano ang magagawa natin upang makapasok sa kapahingahan ng Panginoon. Maaari mo ring basahin ang Pagsasalin ni Joseph Smith ng Mga Hebreo 4:3 (sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Biblia).

Maaaring isa itong pagkakataon upang mabasa ng mga estudyante ang mga karagdagang talata mula sa Aklat ni Mormon ayon sa iminumungkahi sa bahaging “Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral.”

  • Ano ang mahalaga para sa iyo sa mga talatang ito?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson kung paano natin madaraig ang kawalan ng pananampalataya:

16:22
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Piliing maniwala kay Jesucristo. Kung may pag-aalinlangan kayo tungkol sa Diyos Ama at sa Kanyang Pinakamamahal na Anak o sa katotohanan ng Pagpapanumbalik o pagiging totoo ng banal na pagtawag kay Joseph Smith bilang isang propeta, piliing maniwala at manatiling tapat. Isangguni ang inyong mga tanong sa Panginoon at sa iba pang mapagkakatiwalaang sanggunian. Mag-aral nang may hangaring maniwala sa halip na umasang may makikitang kamalian sa buhay ng propeta o hindi pagkakatugma-tugma sa mga banal na kasulatan. Huwag nang patindihin pa ang inyong mga pag-aalinlangan sa pagsasabi nito sa iba pang mga nagdududa. Tulutan ang Panginoon na akayin kayo sa inyong paglalakbay sa pagtuklas ng mga bagay na espirituwal.

Ipagpalagay na may kaibigan ka na nahihirapang maniwala kay Jesucristo. Sumulat ng magandang mensahe para hikayatin siya. Tiyaking magsama ng kahit isang talata sa banal na kasulatan na pag-aaralan niya. Kung naaangkop, isama ang iyong patotoo tungkol kay Jesucristo. Ang pag-iisip tungkol sa pahayag ni Pangulong Nelson at sa mga sumusunod na tanong ay maaaring makatulong sa iyo habang isinusulat mo ang mensahe.

  • Ano kaya ang mararanasan niya kung pipiliin niyang maniwala sa Tagapagligtas?

  • Ano ang maaaring hindi niya matanggap kung pipiliin niyang hindi maniwala?

  • Ano ang hihikayatin mong gawin niya upang maniwala kay Jesucristo?

Magpatotoo na kapag hinangad ng mga estudyante na sundin ang Tagapagligtas at sikaping alisin ang kawalan ng pananampalataya sa kanilang buhay, mararanasan nila ang Kanyang kapahingahan.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano ako magkakaroon ng pusong mas nananampalataya?

Ipinahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan:

19:30
Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Walang mahika sa paniniwala. Ngunit ang hangaring maniwala ang unang hakbang na kailangan! Hindi nagtatangi ang Diyos ng mga tao. Siya ang inyong Ama. Nais Niyang kausapin kayo. Gayunpaman, nangangailangan ito ng kaunting pag-uusisa—kailangan ang pagsubok sa salita ng Diyos—at ang paggamit ng kahit “bahagyang pananampalataya” [ Alma 32:27]. Kailangan din ng kaunting pagpapakumbaba. At kailangan nito ng bukas na puso at bukas na isipan. Nangangailangan ito ng paghahangad, sa buong kahulugan ng salita. At, marahil ang pinakamahirap sa lahat, nangangailangan ito ng pagtitiyaga at paghihintay sa Panginoon.

Kung hindi tayo magsisikap na maniwala, para tayong isang lalaking tinanggal ang ilaw sa pagkakasaksak at pagkatapos ay sisisihin ang ilaw dahil hindi ito nagbibigay ng anumang liwanag.

(Dieter F. Uchtdorf, “Huwag Kang Matakot, Manampalataya Ka Lamang,” Liahona, Nob. 2015, 78)

Sino ang makatutulong sa atin na mahanap ang kapahingahan ng Tagapagligtas?

Ipinahayag ni Elder W. Craig Zwick ng Pitumpu:

Official Portrait of Elder W. Craig Zwick. Photographed March 2017.

Mahal ng Ama sa Langit ang bawat isa sa Kanyang mga anak at nais Niyang makabalik tayong lahat sa Kanya. Naglaan Siya ng mga propeta at lider ng priesthood na may tunay na awtoridad ng priesthood upang tulungan tayong manatili sa makipot at makitid na landas. Kung gayon, mayroon tayong patnubay ng mga lider na ito na tutulong sa atin na makapasok sa Kanyang kapahingahan.

(W. Craig Zwick, “Enter into the Rest of the Lord,” Ensign, Peb. 2012, 24)

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Ang kapahingahan ng Panginoon sa Aklat ni Mormon

Maraming propeta sa Aklat ni Mormon ang nagturo tungkol sa pagpasok sa kapahingahan ng Panginoon. Maaaring makinabang ang mga estudyante sa pagbabasa ng ilan o lahat ng sumusunod na scripture passage at pag-cross reference ng mga ito sa Mga Hebreo 4:3. Alma 13:12, 16Alma 16:16–17Alma 60:13Moroni 7:3