Seminary
Mga Hebreo 1–10


Mga Hebreo 1–10

“Higit na Marilag na Pangalan”

Larawan
Frontal head portrait of Jesus Christ

Ang lahat ng tagasunod ni Jesucristo ay daranas ng mga pagsubok dahil sa kanilang pananampalataya. Ganyan ang nangyari sa maraming Kristiyanong Judio. Dahil sa panggigipit ng iba’t ibang pag-uusig, marami ang umalis sa Simbahan at bumalik sa mas ligtas na pagsamba ng mga Judio sa sinagoga. Nais ni Pablo na ipakita sa mga Kristiyanong Judio na ito na mas dakila si Jesus kaysa kay Moises, at ang Kanyang ministeryo ay nagdala ng bagong tipan na nakahihigit sa lumang tipan sa ilalim ng kautusan ni Moises. Ang lesson na ito ay makatutulong na mapalakas ang iyong pananampalataya sa Tagapagligtas habang natututuhan mo ang Kanyang kapangyarihan sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng pagtukoy at pag-aaral ng ilan sa Kanyang mga titulo at tungkulin.

Pagtuon kay Jesucristo. “Kapag nagtutuon tayo sa Kanyang mga titulo, [tungkuling ginagampanan], at ugali, at katangian, patototohanan Siya ng Espiritu, at maghahatid ng higit na pang-unawa at pagmamahal para sa kung sino Siya talaga at ng mas malaking hangaring maging katulad Niya” (Chad H Webb, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo, Nagagalak Tayo kay Cristo” [mensaheng ibinigay sa Seminaries and Institutes of Religion annual training broadcast, Hunyo 12, 2018], SimbahanniJesucristo.org).

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na hanapin ang mga pangalan ni Jesucristo sa kanilang personal na pag-aaral o pag-aaral ng pamilya ng mga banal na kasulatan at pumasok sa klase na handang ibahagi ang mga pangalang nahanap nila.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga Titulo ni Jesucristo

Maaari mong ipagawa sa mga estudyante ang sumusunod na aktibidad sa isang papel. Pagkatapos ay kolektahin ang mga papel at basahin ang mga sagot, at ipahula sa mga estudyante kung sinong estudyante ang sumulat ng bawat paglalarawan.

Maglaan ng isang minuto at maglista sa iyong study journal ng maraming salita o pariralang maiisip mo na naglalarawan sa iyo.

  • Bakit mo ginamit ang mga salita at pariralang iyon?

Tulad mo na may mga salita o pariralang naglalarawan sa iyo, si Jesucristo ay marami ring pangalan o titulong naglalarawan sa Kanya. Kapag mas lubos nating nalalaman ang mga titulong ito, mas nauunawaan natin kung sino Siya at kung gaano Niya tayo kamahal.

Maaaring may listahan ang ilang estudyante ng mga titulo at tungkuling ginagampanan ng Tagapagligtas sa kanilang study journal. Kung wala, maaari silang anyayahang gumawa ng listahan.

Sa iyong study journal, ilista ang ilang titulo ng Tagapagligtas na nalalaman mo na.

  • Paano nakakaimpluwensya ang kaalaman at pag-unawa sa mga titulong ito ni Jesucristo sa pananaw mo sa Kanya?

Isiping ilista sa pisara ang mga sagot ng mga estudyante. Upang matulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo, maaari kang magtanong ng mga follow-up na katanungan na tulad ng “Sa palagay ninyo, bakit mahalaga para sa mga tinedyer na malaman ang tungkol sa Tagapagligtas?” o “Ano ang itinuturo sa atin ng titulong ito tungkol sa Kanyang pagkatao at mga katangian?”

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga paraan na mapagpapala tayo habang mas marami tayong natututuhan tungkol sa Tagapagligtas:

Larawan
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

[Kapag] mas marami kayong natututuhan tungkol sa Tagapagligtas, mas madaling magtiwala sa Kanyang awa, sa Kanyang walang-hanggang pagmamahal, at sa Kanyang nagpapalakas, nagpapagaling, at mapantubos na kapangyarihan.

(Russell M. Nelson, “Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok,” Liahona, Mayo 2021, 103)

  • Sa anong mga paraan mo kailangan ang tulong ng Tagapagligtas na inilarawan ni Pangulong Nelson?

Maaari mong ipakita o ibuod nang maikli ang sumusunod na materyal upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ng Mga Hebreo.

Tulad ng pangangailangan natin sa Tagapagligtas, gayundin ang pangangailangan ng mga Kristiyanong Judio na hindi dumadalo sa mga pulong sa Simbahan dahil sa pang-uusig at iba pang uri ng panggigipit. Bumalik sila sa pamilyar at mas ligtas na tradisyonal na pagsamba ng mga Judio, na walang paniniwala kay Jesucristo (tingnan sa Mga Hebreo 10:25, 38–39). Marami ka pang malalaman tungkol sa sulat na ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng “ Hebreo, Sulat sa mga ” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

Paghahanap ng mga titulo at tungkuling ginagampanan ni Jesucristo

Nagbahagi si Pablo ng maraming titulo at tungkuling ginagampanan ng Tagapagligtas na maaaring nakatulong sa mga Banal na malaman na kailangan nila Siya. Halimbawa, binigyang-diin sa Mga Hebreo 1:2 ang titulo ng Tagapagligtas na “Anak,” na may kaugnayan sa Kanyang pagiging “tagapagmana ng lahat ng mga bagay.” Ipinaliwanag sa Mga Hebreo 1:2, 10 ang ginampanan ni Jesus bilang Lumikha ng langit at lupa.

Maaaring magtalaga sa mga estudyante ng ilang talata na babasahin nang magkakapartner o sa maliliit na grupo. Pagkatapos nilang magbasa, maaari kang gumawa ng listahan sa pisara ng mga titulong natuklasan ng mga estudyante.

Ngayong nakakita ka na ng ilang halimbawa ng mga titulo ng Tagapagligtas, basahin ang mga sumusunod na talata at hanapin ang mga karagdagang titulo at tungkulin ni Jesucristo. Maaari mong markahan ang mahahanap mo.

Mga Hebreo 1:1–3, 10

Mga Hebreo 2:9–10, 17

Mga Hebreo 3:1

Mga Hebreo 5:8–10

Mga Hebreo 9:11–16

  • Anong katotohanan ang natukoy mo tungkol sa Tagapagligtas mula sa isa o mahigit pa sa Kanyang mga titulo at tungkulin?

Maaaring makatukoy ang mga estudyante ng iba’t ibang katotohanan, tulad ng nilikha ni Jesucristo ang langit at ang lupa (tingnan sa Mga Hebreo 1:2, 10) o si Jesucristo ang Anak ng Diyos at tunay na larawan ng Kanyang Ama (tingnan sa Mga Hebreo 1:2–3).

Pumili ng isang titulo o tungkulin na naglalarawan ng kailangang gawin ni Jesucristo sa iyong buhay, at isulat ito sa gitna ng isang papel. Gamit ang mga banal na kasulatan, ang Gospel Library app, o SimbahanniJesucristo.org, maghanap ng iba pang impormasyon tungkol sa titulo ni Jesucristo na pinili mo. Ang isang paraan upang masimulan ang iyong pag-aaral ay sa pamamagitan ng paghahanap ng entry na “Jesucristo” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. Pagkatapos ay maaari kang maghanap ng iba’t ibang banal na kasulatan na nakatuon sa Tagapagligtas.

Isulat sa paligid ng titulo ang iyong mga naisip tungkol kay Jesucristo at kung bakit makabuluhan sa iyo ang titulong iyon. Maaaring kabilang sa mga naisip na ito ang

  • mga parirala mula sa mga talata o siping binasa mo,

  • mga ideya tungkol sa kung paano makatutulong sa buhay mo ang pagtupad ng Tagapagligtas sa tungkuling iyon,

  • ang natutuhan mo tungkol sa kung paano mapapalakas ng pag-unawa sa titulong iyon ang iyong pananampalataya kay Jesucristo, at

  • anumang tanong mo tungkol sa titulong iyon.

Kung may oras pa, maaaring bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong tuklasin ang sagot sa kanilang mga tanong. Maaari ding anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga nalaman bilang isang klase, sa maliliit na grupo, o nang magkakapartner. Magpatotoo tungkol kay Jesucristo at sa kahalagahan ng pag-aaral pa tungkol sa Kanya.

Ngayong nakapagsanay ka nang tumukoy ng mga pangalan at titulo ni Jesucristo, isipin sandali kung gaano kahusay mong ginagamit ang kasanayang ito sa iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

  • Paano nakatulong sa iyo ang paghahanap sa mga titulo ni Jesucristo upang mas makilala Siya?

  • Paano mo maisasama ang pag-aaral ng mga titulo ni Jesucristo sa iyong regular na pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

Maghanap ng mga titulo ni Jesucristo sa iyong personal na pag-aaral at sa pag-aaral kasama ng iyong pamilya habang patuloy mong pinag-aaralan ang Bagong Tipan at iba pang banal na kasulatan.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Bakit dapat kong pag-aralan ang tungkol kay Jesucristo?

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

Larawan
Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Kung patuloy ninyong pag-aaralan ang lahat ng kaya ninyo tungkol kay Jesucristo, ipinapangako ko na ang inyong pagmamahal sa Kanya, at sa mga batas ng Diyos, ay lalago nang higit pa sa inaakala ninyo ngayon. Ipinapangako ko rin na mag-iibayo ang kakayahan ninyong tumalikod sa kasalanan. Titindi ang hangarin ninyong sundin ang mga kautusan. Mas kakayanin ninyong lumayo sa libangan at gusot na dulot ng mga nangungutya sa mga alagad ni Jesucristo. …

Pag-aralan ang lahat ng tungkol kay Jesucristo sa mapanalangin at masigasig na paghahangad na maunawaan kung ano ang personal na kahulugan sa inyo ng bawat isa sa Kanyang iba’t ibang titulo at pangalan.

(Russell M. Nelson, “Mga Propeta, Pamumuno, at Batas ng Diyos” [pandaigdigang debosyonal para sa mga young adult, Ene. 8, 2017], SimbahanniJesucristo.org; idinagdag ang pagbibigay-diin)

Mga Hebreo 1:2, 10. Paano nakakaimpluwensya sa buhay ko ang tungkulin ni Jesus bilang Tagapaglikha?

Ipinaliwanag ni Chad H Webb, administrator ng Seminaries and Institutes of Religion:

Larawan
Portrait of Chad Webb

Maaalala ninyo siguro na si Pangulong Boyd K. Packer ay isang matagumpay na artist na mahilig maglilok ng mga ibon sa kahoy. Isang araw sakay siya ng kotseng minamaneho ni Elder A. Theodore Tuttle, at nasa upuan sa likuran ang isa sa kanyang mga lilok. Sa isang sangandaan, biglang nagpreno si Elder Tuttle at bumaligtad ang lilok nang pataob sa sahig at nasira. Nalungkot si Elder Tuttle, pero hindi si Pangulong Packer. Sinabi lang niyang, “Okey lang. Ako ang gumawa nito! Kaya kong ayusin ito.” At inayos nga niya iyon! Pinatibay pa niya iyon kaysa rati at pinaganda pa ito nang kaunti. Paliwanag ni Pangulong Packer, “Sino ang gumawa sa iyo? Sino ang iyong Lumikha? Walang anuman sa buhay ninyo na baluktot o sira na hindi Niya kayang itama at ayusin.”

(Chad H Webb, “Nangungusap Tayo tungkol kay Cristo, Nagagalak Tayo kay Cristo” Seminaries and Institutes of Religion Annual Training Broadcast, Hunyo 12, 2018, SimbahanniJesucristo.org)

Paano makapagbibigay sa akin ng pag-asa ang kaalaman tungkol kay Jesucristo?

Ang sumusunod na karanasan na ibinahagi ni Elder Ronald A. Rasband ay makatutulong sa atin na maunawaan kung paano makapagbibigay ng pag-asa ang kaalaman tungkol sa mga titulo at tungkulin ni Jesucristo.

Mga Hebreo 2:10. Sa anong mga paraan nagiging “tagapagtatag ng [ating] kaligtasan” si Jesucristo?

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Paghahanap ng mga titulo ni Jesucristo sa Aklat ni Mormon

Ang isa pang paraan upang matulungan ang mga estudyante na matuklasan ang mga titulo ni Cristo ay gamitin ang Aklat ni Mormon. Maaari mong gawin ang sumusunod na aktibidad.

Itanong sa mga estudyante, “Ano ang kumpletong pamagat ng Aklat ni Mormon?”

Ipaalala sa mga estudyante na isinulat ang Aklat ni Mormon upang hikayatin ang lahat ng tao na si Jesus ang Cristo.

Upang matulungan ang mga estudyante na pahalagahan ang pangunahing layunin ng Aklat ni Mormon, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994):

Larawan
Photograph of President Ezra Taft Benson. He is seated in a leather chair in front of a fireplace. His hands are clasped in front of him and he is wearing a large turquoise ring on one finger. Official portrait. 1986

Ang tapat na naghahanap ng katotohanan ay magkakaroon ng patotoo na si Jesus ang Cristo kapag mapanalangin niyang pinagbubulayan ang mga inspiradong salita ng Aklat ni Mormon.

Mahigit kalahati ng lahat ng mga talata sa Aklat ni Mormon ay patungkol sa ating Panginoon. Ang ilang anyo ng pangalan ni Cristo ay binanggit nang mas madalas sa bawat talata sa Aklat ni Mormon kaysa sa Bagong Tipan.

Siya ay binigyan ng mahigit isandaang iba’t ibang pangalan sa Aklat ni Mormon. Ang mga pangalang iyon ay may partikular na kahalagahan sa paglalarawan ng Kanyang pagiging Diyos.

(Ezra Taft Benson, “Come unto Christ,” Ensign, Nob. 1987, 83)

Sabihin sa mga estudyante na buklatin ang anumang kabanata sa Aklat ni Mormon at tingnan kung makakahanap sila ng mga pangalan o titulong tumutukoy kay Jesucristo. Sabihin sa mga estudyante na magbahagi ng isang pangalan o titulo na natuklasan nila at ipaliwanag kung ano ang maituturo nito sa atin tungkol kay Jesucristo.

Print