Mga Calling sa Mission
Mensahe ng Unang Panguluhan


“Mensahe ng Unang Panguluhan,” Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo (2023)

“Mensahe ng Unang Panguluhan,” Mangaral ng Aking Ebanghelyo

Mensahe ng Unang Panguluhan

Mahal naming Kapwa Misyonero:

Binabati ka namin sa dakilang oportunidad na mayroon ka na maging misyonero ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Wala nang mas kahanga-hanga o mas mahalagang gawain kaysa sa pagtipon ng Israel.

Layon ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo na tulungan ka na maging mas handa na misyonero na may higit na espirituwal na pag-unawa at kaalaman. Layon din nitong tulungan kang maging mas mabisang guro. Hinihikayat ka namin na gamitin ito araw-araw sa iyong personal na pag-aaral at sa pag-aaral ninyo ng iyong kompanyon. Hinihikayat ka rin namin na gamitin ito sa inyong mga district council meeting at mga zone conference. Pag-aralan ang mga banal na kasulatan na binanggit dito at alamin ang doktrina at mga alituntunin.

Inaanyayahan ka namin na magkaroon ng bagong diwa ng katapatan sa pagtulong sa ating Ama sa Langit sa Kanyang maluwalhating gawain. Ang bawat misyonero ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pagtulong na “isakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng tao” (Moises 1:39).

Pagpapalain ka ng Panginoon kapag mapagkumbaba mong inilaan ang iyong sarili sa paglilingkod sa Kanya. Nawa’y makadama ka ng dakilang kagalakan at kaligayahan habang naglilingkod sa mga anak ng Ama sa Langit.

Ang Unang Panguluhan

Print