Mga Calling sa Mission
Pambungad sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo


“Pambungad sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo,” Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo (2023)

“Pambungad,” Mangaral ng Aking Ebanghelyo

Pambungad sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo

Sinabi ng Panginoon sa Kanyang mga lingkod na “mangaral ng aking ebanghelyo sa pamamagitan ng Espiritu, maging ang Mang-aaliw na isinugo upang magturo ng katotohanan.” (Doktrina at mga Tipan 50:14).

Ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay idinisenyo para tulungan kang matupad ang iyong layunin bilang misyonero. Nakatuon ito sa mahahalagang bahagi ng gawaing misyonero. Hindi nito sinasagot ang lahat ng tanong at hindi rin ito nagbibigay ng tagubilin para sa lahat ng sitwasyong kakaharapin mo. Gayunman, ito ay napakahalagang sanggunian na tutulong sa iyo na magkaroon ng higit na espirituwal na kapangyarihan at kakayahan. Pag-aralan at isabuhay ang doktrina at mga alituntunin ng ebanghelyo na matatagpuan sa mga banal na kasulatan at sa aklat na ito.

si Juan Bautista na binibinyagan si Jesucristo

Ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay inorganisa para tulungan ka sa sumusunod na paraan:

Paulit-ulit na pag-aralan ang mga kabanata sa kabuuan ng iyong misyon. Sukatin ang mga nagawa mo. Magtakda ng mga mithiin at gumawa ng mga plano para maisakatuparan ang mga ito. Ang mga misyonero na inihahanda ang kanilang sarili sa araw-araw at palaging nagsisikap na umunlad ay pagpapalain ang buhay ng kanilang mga tinuturuan at pinaglilingkuran. Tataggap din sila ng pagpapala sa sarili nilang buhay.

Mga Pagkakataong Mag-aral at Matuto

Ang mabisang pag-aaral sa iyong misyon ay tutulong sa iyo na mapatatag ang iyong patotoo sa ebanghelyo at maging mas matapat na disipulo ni Jesucristo.

Ang pag-aaral ng mga banal na kasulatan at Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay tutulong sa iyo na makapagturo nang may espirituwal na kapangyarihan. Tutulungan ka rin nito na maiugnay ang iyong pagtuturo sa pangangailangan ng mga tao.

Ang mahahalagang pagkakatong mag-aral at matuto ay kinabibilangan ng:

  • Personal na pag-aaral.

  • Pag-aaral ng magkompanyon.

  • Mga companion exchange.

  • Mga district council meeting.

  • Mga zone conference.

  • Mission leadership council (para sa mga nakababatang missionary leader).

Kadalasan, ang iyong iskedyul bilang misyonero ay kinabibilangan ng oras para sa personal na pag-aaral at pag-aaral ng magkompanyon. Tingnan sa Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo, 2.4, para sa impormasyon tungkol sa inyong iskedyul sa araw-araw.

Ang natututuhan mo sa personal na pag-aaral ay makatutulong sa iyo sa pag-aaral ninyo ng iyong kompanyon at sa iba pang mga pagkakataong matuto na nakalista sa itaas. Sa mga sitwasyong ito ay “[tinu]turuan ninyo ang isa’t isa ng doktrina ng kaharian” (Doktrina at mga Tipan 88:77).

nagtuturo si Jesucristo sa mga tao

Mga Ideya para Mapagbuti Mo ang Iyong Pag-aaral ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo

Pinag-uugnay ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo ang mga banal na kasulatan at ang mga alituntunin ng ebanghelyo para matulungan kang mas makilala pa ang Tagapagligtas at ang Kanyang ebanghelyo. Layon nito na tulungan kang mas mapalapit sa mga banal na kasulatan at pagyamanin ang iyong pag-aaral ng mga ito. Pag-aralan ang mga scripture reference sa bawat kabanata sa buong misyon mo.

Ang bawat kabanata sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay may mga ideya at aktibidad na tutulong sa iyo na mag-aral at ipamuhay ang iyong natututuhan. Gamitin ang mga ito sa iyong personal na pag-aaral at pag-aaral ninyo ng iyong kompanyon (tingnan sa Mga Pamantayan ng Missionary, 2.4). Maaari mo ring gamitin ang mga ito sa mga district council meeting at zone conference. Magiging mas epektibo ang iyong pag-aaral kapag naghahanap ka ng mga paraan na maisasabuhay mo ang iyong natutuhan.

Nakatutulong ang pagkakaroon ng plano para sa iyong personal na pag-aaral. Maaari kang gumawa ng sarili mong plano na nagbibigay ng prayoridad sa mga alituntunin ng ebanghelyo na nais mong mas maunawaan. Maaari mo ring iayon ang iyong pag-aaral sa mga kabanata ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Halimbawa, maaari mong gamitin ang mga lesson sa kabanata 3 bilang gabay sa pag-aaral mo ng doktrina at mga alituntunin na ituturo ninyo. Kailangang nauunawan mo nang husto ang mga lesson na ito para makapagturo ka sa pamamagitan ng Espiritu gamit ang sarili mong mga salita.

Magsulat ng mga tala habang ikaw ay nag-aaral. Gumamit ng papel o electronic na study journal (tulad ng Gospel Library) para matulungan kang maunawaan, linawin, at maalala ang mga natututuhan mo.

Simulan ang iyong pag-aaral sa isang panalangin at hilingin na tulungan ka ng Espiritu Santo na matuto. Siya ay maghahatid ng kaalaman, pang-unawa, at pananalig na magpapala sa iyong buhay at makatutulong sa iyo na pagpalain ang iba. Buksan ang iyong puso’t isipan sa mga pahiwatig at ideya na matatanggap mo mula sa Kanya. Isulat ang mga ito sa iyong mga tala.

Regular na rebyuhin ang iyong study journal para maalala ang mga espirituwal na karanasan, makakita ng mga bagong ideya, at matukoy ang inyong pag-unlad.

Preach My Gospel Application

Gamitin ang Preach My Gospel app (na dating tinatawag na Area Book Planner app) para matulungan kang maipamuhay ang mga alituntuning natututuhan mo. Mayroong ganitong app sa iyong mobile device. May mga feature ito na tutulong sa iyo para mas matupad mo ang iyong layunin bilang misyonero. Kabilang sa mga feature na ito ang:

  • Impormasyon tungkol sa mga pangangailangan at progreso ng mga taong tinuturuan ninyo.

  • Isang lugar para maitala ang inyong progreso sa mga mithiin para sa mga key indicator.

  • Isang kalendaryo kung saan maaari ninyong itala ang inyong mga plano at mag-iskedyul ng mga aktibidad.

  • Isang mapa ng inyong area at iba pang mahahalagang impormasyon na tutulong sa inyo na matupad ang inyong mga mithiin.

Ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay may maraming ideya kung paano gagamitin ang app para matulungan kayong maghanap, magturo, at magbinyag ng mga tao.

pamilyang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Paggamit ng mga Miyembro sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo

Ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo ay isang mahalagang sanggunian hindi lamang para sa mga misyonero, kundi para din sa lahat ng miyembro ng Simbahan. Halimbawa, ang pag-aaral nito ay makatutulong sa mga miyembro na:

  • Matutuhan at maituro ang ebanghelyo ni Jesucristo (pag-aralan ang kabanata 1, 2, 3, at 10).

  • Masagot ang mga tanong tungkol sa ebanghelyo (pag-aralan ang kabanata 3 at 5).

  • Mas maunawaan ang paghahangad at pag-asa sa Espiritu Santo (pag-aralan ang kabanata 4).

  • Maunawaan ang kapangyarihan ng Aklat ni Mormon (pag-aralan ang kabanata 5).

  • Hangaring magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo (pag-aralan ang kabanata 6).

  • Tuparin ang kanilang responsibilidad sa tipan na ibahagi ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa mga alituntunin ng pagmamahal, pagbabahagi, at pag-anyaya (pag-aralan ang kabanata 9 at 13).

  • Makabuo ng pagkakaisa sa mga full-time na misyonero (pag-aralan ang kabanata 13).

Ang pag-aaral ng Mangaral ng Aking Ebanghelyo—lalo na ang kabanata 3—ay partikular na makatutulong sa mga kabataan at nakatatanda na naghahanda para maglingkod bilang mga misyonero.