Mga Calling sa Mission
Paghahanda ng Missionary Pag-aadjust sa Buhay-Missionary


Paghahanda ng Missionary Pag-aadjust sa Buhay-Missionary

Ang bahaging ito ay buod ng materyal na natanggap mo online bago pumasok sa MTC.

Sister missionaries.

Karaniwan na sa mga bagong missionary na makaranas ng kaunting stress o hirap kapag nilisan nila ang kanilang pamilya, mga kaibigan, at mga bagay na nakasanayan nilang gawin. Ang normal na transition ng pag-transfer, pagkakaroon ng mga bagong kompanyon, at bagong mga assignment ay mangangailangan din ng kaunting pag-aadjust. Maging mapagtiis habang natututuhan mong makilala ang mga pagpapala sa pag-uukol ng iyong buhay nang mas lubos sa Tagapagligtas. Alalahanin, ang Espiritu ay mapapasaiyo sa transition na ito at tutulungan ka na maka-adjust sa iyong bagong mga responsibilidad bilang missionary.

Pag-aadjust sa Bagong mga Karanasan

Gaya ng marami na pumapasok sa isang bagong sitwasyon, ang mga missionary ay kadalasang dumaraan sa apat na stage o yugto sa kanilang emotional adjustment sa pagpasok nila sa MTC at muli sa pagpasok nila sa mission field:

Apat na Stage sa Pag-aadjust

1

Anticipation o Pag-asam

2

Natutuklasan ang mga Di-Inaasahan

3

“Magagawa Ko Ito”

4

Katatagan ng Damdamin

Maaari kang makadama ng kasiglahan sa pagharap sa mga hamon (tingnan sa 1 Nephi 3:7).

Maaari kang makadama ng matinding hangaring maisakatuparan ang iyong layunin at lubos na katapatan sa Ama sa Langit (tingnan sa 3 Nephi 5:13).

Maaaring makadama ka ng kaligayahan at pag-asam na magkaroon ng bagong kakilala at karanasan sa bagong lugar.

Maaaring ma-miss mo ang iyong tahanan, pamilya, at mga kaibigan at maiisip kung tama ba ang iyong desisyon na magmisyon (tingnan sa Alma 26:27).

Maaaring mapansin mo ang mga palatandaan ng stress, gaya ng di-makatulog na mabuti, walang gana, o madaling mainis.

Maaari mong mapansin na pinipintasan at kinaiinisan mo ang mga patakaran at inaasahan sa iyo.

Ang iyong pagtuturo at pagsasalita ng wika ay magsisimulang humusay.

Natututo kang sumunod sa mga patakaran at inaasahan sa iyo sa mission.

Magagawa mong magtiis at magtiyaga habang natututo ka nang “utos [sa] utos” (tingnan sa Isaias 28:10; Mosias 4:27).

Ang mga palatandaan ng stress, kung mayroon, ay nagsisimulang mawala.

Komportable kang sundin ang iskedyul araw-araw.

Napapansin mo ang iyong sariling mga kakayahan at pag-unlad.

Nauunawaan mo ang ibig sabihin ng magdahan-dahan sa buhay (tingnan sa D at T 98:12).

Magkakaroon ka ng mas malaking tiwala sa sarili at matinding hangaring maglingkod.

Mga Bagay na Magagawa Mo Ngayon

  • Maghanap ng mga paraan para mapaglingkuran ang iba. Ang gawaing misyonero ay isang tawag na maglingkod. Huwag magpokus sa nadarama mong hirap kundi sa paglilingkod sa mga taong nangangailangan ng mabubuting salita, tulong, o kaibigan. (Tingnan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 191–93.)

  • Makipag-usap sa iba tungkol sa pag-aadjust na ito. Maglaan ng oras para matalakay ang sumusunod na tanong sa mga magulang, priesthood leader, o mga kaibigang returned missionary:

    • Ano ang matututuhan natin mula sa mga halimbawa ng Diyos sa mga banal na kasulatan na nag-uutos sa mga tao na gawin ang mga bagay na higit sa kanilang kakayahan? (Tingnan sa Exodo 4:10–12; Jeremias 1:6–9; Alma 17:10–12; 26:27; Eter 12:23–27; Moises 6:31–32.)

    • Bakit mahalagang matulog at gumising sa tamang oras, kumain ng masusustansyang pagkain, regular na mag-ehersisyo, at magkaroon ng personal na panalangin?

    • Paano nakatutulong ang pagsusulat sa journal kapag nahaharap tayo sa mahihirap na sitwasyon?

    • Ano ang pinakamabuting gawin kapag hindi maalis ang di-magagandang kaisipan o damdamin?

  • Basahin ang artikulong “Preparing Emotionally for Missionary Service” ni Robert K. Wagstaff (sa Ensign, Mar. 2011, 22–26; makukuha online sa LDS.org).

  • Magpokus sa pagpapalakas ng iyong ugnayan sa Ama sa Langit. Kamtin ang Kanyang Espiritu sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aaral ng mga banal na kasulatan, pakikinig ng mabubuting musika, pagbabasa ng iyong patriarchal blessing, at iba pang paraan na makatutulong sa iyo.

  • Maging mabait sa iyong sarili at sa iba. Panatagin ang sarili gamit ang mabubuting salita na sa palagay mo ay sinabi ng Tagapagligtas. Alalahanin, ang isiping wala nang magagawa, wala nang pag-asa, o matinding kaparusahan ay hindi sa Panginoon.

  • Asahan ang di-inaasahan. Ang iyong mga karanasan bilang missionary ay hindi kapareho ng sa iba. Hindi lahat ng bagay ay eksaktong aayon sa ipinlano mo o inisip na mangyayari. Ang pagsuri sa mga inaasam mo ay tutulong sa iyo na maging bukas at handa sa pagbabago.

Buod

Sa pagmimisyon mo, maghandang tanggapin ang pagbabago. Ang buhay bilang missionary ay naiiba kaysa anumang bagay na naranasan mo, pero kung pupunta ka sa mission nang may positibong pananaw, nananampalataya sa Panginoon, at alam mong kailangan ang pagtitiis at pasensya sa iyong sarili at sa iba, gagantimpalan at pagpapalain ka ng Panginoon. Alalahanin ang payo na ibinigay kay Propetang Joseph Smith sa pinakamahirap na sandali sa kanyang buhay: “Alamin mo, aking anak, na ang lahat ng bagay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan, at para sa iyong ikabubuti” (D at T 122:7).