Mga Calling sa Mission
Resources para Matugunan ang Intelektuwal na mga Pangangailangan


Resources para Matugunan ang Intelektuwal na mga Pangangailangan

Ang mga intelektuwal na pangangailangan ay iba ang epekto sa atin. Ang taglay nating mga kakayahan ay magiging sapat para isagawa ang gawain ng Diyos kung magtitiwala tayo sa Kanya na pagtutugmain niya ang ating abilidad sa kung ano ang kailangan. Ang mga mungkahi sa ibaba ay maaaring makatulong sa ilang problema. Sumangguni rin sa bahaging “Pangkalahatang mga Tuntunin para Makayanan ang Stress” sa mga pahina 17–22 para sa karagdagang mga ideya.

Elder missionaries engaged in companion

A

Pag-aaral ng Wika

  • Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kabanata 7. Mapanalanging isabuhay ang kabanatang ito, “Paano Ko Mas Mabuting Matututuhan ang Wikang Gamit sa Aking Misyon?”

  • Patuloy na magsikap. Magtiwala sa Panginoon na bibiyayaan ka ng kaloob na masalita ang mga wika kapag kailangan mo ito para maisakatuparan ang Kanyang mga hangarin. Alalahanin, ilang missionary lang ang nagiging lubos na bihasa sa pagsasalita ng bagong wika. Kilala ka ng Panginoon, tinawag ka Niya, at gagamitin Niya ang iyong mga kakayahan para pagpalain ang iba. Palalakasin Niya ang iyong mga kahinaan. Ibahagi ang lahat ng talento na mayroon ka.

  • Ikatuwa ang iyong bagong wika. Kung minsan mas madaling magsalita ng bagong wika kapag hindi natin inaasahan ang ating sarili na maging eksperto.

B

Manatiling Organisado sa mga Mithiin at Plano

  • Gamitin ang mga tulong sa pag-iskedyul na ibinigay sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Pag-aralan ang kabanata 8, “Paano Ko Magagamit nang Matalino ang Oras?” Ang mga materyal na ito ay masusing ginawa para sa mga missionary at tutulong sa iyo na maisakatuparan ang iyong layunin. Paisa-isang pagtuunan ang mga bagay-bagay, at huwag mataranta.

  • Huwag basta umasa sa iyong memorya. Isulat ang mga pangalan, address, appointment, lesson plan, at mithiin. Magdikit ng reminder notes para sa mahahalagang bagay sa pinto, refrigerator, sa tabi ng iyong kama, o sa iyong planner.

  • Ilagay ang lahat ng bagay na kailangan mo para sa susunod na araw sa isang partikular na lugar bago ka matulog. Sa ganitong paraan hindi mo malilimutan ang mahahalagang bagay. Ilagay ang mahahalagang bagay sa lugar ding iyon para hindi masayang ang iyong oras sa paghahanap sa mga ito.

  • Kapag nagambala ka, mahinahon pa ring balikan at ituon ang iyong atensyon sa iyong gawain. Gawin ito nang madalas kung kinakailangan.

  • Matapos mong magawa ang lahat hayaang tulungan ka ng Panginoon sa iyong pagpaplano. Kapag nagawa mo na ang lahat sa pagpaplano, hilingin sa Kanya na gawin ang mga bagay-bagay para sa iyong ikabubuti. Maging handa sa pagbabago at pagtugon sa Espiritu.

C

Hindi Nadaramang Matalino o Mahusay gaya ng Iba

  • Kung ang pagbabasa, pag-aaral, o pagsasaulo ay mahirap para sa iyo, maging matiyaga sa iyong sarili. Sa una ay magkaroon ng maiikling break; pagkatapos ay unti-unting tagalan nang ilang minuto ang pag-aaral. Isulat ang iyong nabasa para hindi mo ito makalimutan. Basahin nang malakas (nang marahan) kung makatutulong. Subukang magsaulo sa pamamagitan ng (1) pag-uulit ng mga bagay nang malakas, (2) pagbabasa o pagsusulat ng mga bagay-bagay ng ilang beses, o (3) paglalakad-lakad at pag-akto sa mga bagay-bagay habang nag-aaral. Tingnan kung anong paraan ang pinaka-epektibo para sa iyo. Gamitin ang iba pang mga kakayahan na mayroon ka, gaya ng pagkontak sa mga potential investigator, pag-navigate, o pagiging masayahin.

    Sister Missionary reading the scriptures against a white background.
  • Panatilihin ang iyong sense of humor kapag nagkamali ka. Pagkatapos ay subukang muli.

  • Maghanap ng kalakasan sa mga kahinaan. Kung minsan ang pagkakaroon ng kahinaan ay nagtuturo sa atin ng kalakasan gaya ng pagkahabag, pagdamay, pagtitiis, pagpapakumbaba, at pag-asa sa Panginoon. Kung minsan ang isang kahinaan (gaya ng madaling pagkagambala) ay may kalakip na kalakasan (gaya ng madaling makapansin sa mga bagay na di-napapansin ng iba). Hanapin ang mga kalakasan na maaaring magmula sa iyong mga kahinaan.

  • Kung naiinggit ka sa kahusayan ng iba, muling ituon ang iyong atensyon sa iyong sariling misyon. Ibigay ang iyong lakas sa pagpapahusay ng iyong mga kakayahan at gamitin ang mga ito sa gawain. Ito ang iyong misyon. (Tingnan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 12–13.)