Mga Calling sa Mission
Resources para Matugunan ang mga Espirituwal na Pangangailangan


Resources para Matugunan ang mga Espirituwal na Pangangailangan

Sa mga missionary, ang isang karaniwang reaksyon sa sobrang stress ay pag-alinlanganan ang lakas ng kanilang patotoo o ang katotohanan ng ebanghelyo. Ang problemang ito ay kadalasang resulta ng kawalan ng mapagkukunan ng tulong para makayanan ang sobrang stress at hindi dahil sa kawalan ng patotoo. Kung nahihirapan ka rito, subukang gawin ang mga mungkahi sa ibaba na aangkop sa iyo. Sumangguni rin sa bahaging “Pangkalahatang mga Tuntunin para Makayanan ang Stress” sa mga pahina 17–22 para sa karagdagang mga ideya.

Larawan
An elder missionary sitting at a desk or table with his hands clasped and eyes closed. There are scriptures laying on the desk.

A

Matutuhang Palakasin ang Aking Patotoo

  • Unawain na nakabubuti ang mga pagtatanong. Si Joseph Smith ay tumanggap ng maraming paghahayag bilang tugon sa tapat niyang pagtatanong. Ang mga banal na kasulatan, mga teacher, at kaalaman ay maaaring tumulong sa ilang katanungan, ngunit ang Espiritu lamang ang nagpapatibay na totoo ang Diyos, na si Jesus ang Cristo, at na ang Simbahan ay totoo.

  • Unawain ang ibig sabihin ng pananampalataya. Ang magkaroon ng pananampalataya ay pagtitiwala sa ganap na kabutihan, pagmamahal, karunungan, at pagkamakatarungan ng Panginoon, kahit hindi natin lubos na nauunawaan. Itinuro ni Alma na “ang pananampalataya ay hindi ang pagkakaroon ng ganap na kaalaman sa mga bagay; kaya nga, kung ikaw ay may pananampalataya, umaasa ka sa mga bagay na hindi nakikita, ngunit totoo” (Alma 32:21). Hindi mo kailangan ang “ganap na kaalaman” para magkaroon ng pananampalataya. Pag-aralan ang Alma 32 para makatulong sa pagpapalakas ng iyong pananampalataya. (Tingnan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 133–34.)

  • Magtiyaga. Ang panahon at karanasan ay tutulong sa iyo na maunawaan ang ilang bagay na nakalilito ngayon. Alalahanin ang ipinahayag ni Nephi: “Alam kong mahal [ng Diyos] ang kanyang mga anak; gayon pa man, hindi ko nalalaman ang ibig sabihin ng lahat ng bagay.” (1 Nephi 11:17). Magsimula sa nalalaman mo sa pamamagitan ng Espiritu na totoo tungkol sa Diyos. (Tingnan sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 137.)

  • Sundin ang mga kautusan. Nagkakaroon tayo ng tiwala sa Panginoon kapag natututuhan natin sa ating karanasan ang kahalagahan ng Kanyang mga turo. “Kung ang sinomang tao ay nagiibig gumawa ng kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios, o kung ako’y nagsasalita na mula sa aking sarili” (Juan 7:17).

B

Matutong Magsisi

  • Maging tapat sa iyong mission president. Kung kailangan mong pagsisihan ang mabibigat na kasalanan na hindi mo napagsisihan noon, kausapin ang iyong mission president nang tuwiran at tapat. Tutulungan ka niya na itama ang mga bagay na ito.

  • Patawarin ang iyong sarili pagkatapos magsisi. Kung nagsisi ka na pero nakokonsensya at nahihiya pa rin, alalahaning lahat tayo ay pinagsisisihan ang mga kasalanan at pagkakamaling nagawa noon. Magtiwala na sapat ang Pagbabayad-sala ni Cristo, maging sa iyo. Alalahanin na ang pagsisisi ay hindi lamang backup plan. Ang pagsisisi ay plano ng kaligayahan para sa lahat ng tao. Tiyakin na ang mga bagay na higit mong inaalala ay ang mga bagay na talagang mahalaga (halimbawa, ang progreso ng iyong mga investigator), hindi lamang ang mga bagay na may kinalaman sa iyong sarili (gaya ng kung ano ang iniisip sa iyo ng ibang tao).

    Larawan
    An elder missionary kneelining at his bed praying.
  • Unawain ang kahalagahan ng pagtatapat. Kung nararamdaman mo na kailangang ipagtapat ang hindi gaanong mabigat na kasalanan o magtapat muli, kahit tiniyak na ng mga priesthood leader na sapat na ang iyong pagtatapat, marahil ay masyado mong iniisip ito. Ang patuloy na pamimighati at kalungkutan sa nakaraang mga kasalanan ay normal lang at hindi ibig sabihin na kailangan mong magtapat muli. Huwag pansinin ang gayong mga pag-iisip at magtuon sa ibang aktibiti, at piliing maniwala na nagpapatawad ang Panginoon. Huwag pansinin ang tukso na mabalisa o mahiya.

  • Kausapin ang iyong mission president kung patuloy ka pa ring binabagabag nito.

C

Matutong Manalangin nang Makabuluhan

  • Subukang manalangin nang malakas, kahit pabulong lang. Subukang paghandaan ang pagdarasal sa pamamagitan ng pagsulat ng iyong mga tanong o alalahanin. Isiping nasa tabi mo ang Panginoon. Tanungin ang Diyos kung ano ang magagawa mo para sa Kanya sa araw na ito; pagkatapos ay isagawa ang mga ideyang maiisip mo. Minsan-minsan manalangin para lamang magpasalamat sa Diyos sa maraming mabubuting bagay na ibinigay Niya sa iyo.

  • Pag-aralan ang “Manalangin nang may Pananampalataya” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ang bahaging ito na matatagpuan sa mga pahina 104–106, ay nagbibigay ng mga mungkahi tungkol sa panalangin.

D

Matutong Mahalin ang mga Banal na Kasulatan

  • Manalangin lalo na para matulungan na maunawaan ang mga banal na kasulatan at masiyahan dito. Gamitin ang ilang oras ng iyong pag-aaral sa pagsulat ng iyong damdamin at reaksyon, mga natutuhan, o mga espirituwal na impresyon na iyong natanggap.

  • Repasuhin ang “Mga Ideyang Pag-aaralan at mga Mungkahi” sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ang bahaging ito, na matatagpuan sa mga pahina 24–29, ay nagbibigay ng mga mungkahi para sa mas makabuluhang pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

E

Matutong Umasa sa Espiritu

  • Matuto nang may pagtitiyaga. Ang matutuhan na mahiwatigan ang tinig ng Espiritu ay halos katulad ng pag-aaral ng wika—kailangan dito ang pagpapraktis, pagtitiyaga, pagpapakumbaba, at kahandaang matuto mula sa pagkakamali nang hindi sumusuko.

  • Matuto mula sa mga pangkalahatang kumperensya. Para sa mga ideya kung paano magkakaroon ng personal na paghahayag, pag-aralan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya sa paksang ito.

  • Pag-aralan ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo. Ang mga pahina 107–11 ay naglalaman ng karagdagang mga mungkahi at kaalaman tungkol sa pagkilala at pag-asa sa Espiritu.

Print