Mga Calling sa Mission
Pag-unawa sa Nararamdamang Stress


Pag-unawa sa Nararamdamang Stress

Sister missionaries talking to a man on a city train.

Ang Stress ay Normal na Bahagi ng Buhay

Sa pagsisimula mo ng anumang bagong karanasan (tulad ng pagsapi sa Simbahan o pagpasok sa bagong paaralan), nasasabik ka sa oportunidad—at kinakabahan din dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari. Sa paglipas ng panahon natututuhan mong harapin ang mga hamong ito, at umuunlad dahil sa mga ito.

Ganoon din ang mission. Kung minsan ang mission ay parang espirituwal na pakikipagsapalaran—o hamon na makakaya mo. Mahinahon kang sumusulong nang may pananampalataya, nauunawaan na karamihan sa pangamba o pag-aalala na nararanasan mo ay panandalian lamang. Lumalakas ang iyong loob dahil alam mong makakapag-adjust ka sa paglipas ng panahon, uunlad sa espirituwal, at magkakaroon ng maraming bagong kasanayan. Ang mga sitwasyon na minsang kinatakutan mo ay mas madali nang nakakayanan. Nagagawa mo ring pahalagahan ang mga aspeto sa buhay-missionary na akala mo noon ay mahirap. Umaasa ka sa Espiritu, nadaragdagan ang tiwala sa iyong sarili, at nagagalak sa iyong paglilingkod.

Sa iba pang pagkakataon, gayunpaman, maaaring maharap ka sa mga di-inaasahang problema o karanasan na mas mahirap o di-maganda kaysa sa inaasahan mo. Maaaring iniisip mo kung paano ka magtatagumpay. Ang resources na minsang inasahan mo para tulungan kang magtagumpay ay maaaring wala. Sa halip na makadama ng pagsisikap, maaari kang maging balisa, mainis, manghina, o mawalan ng pag-asa. Maaaring makaranas ka ng mga sintomas gaya ng kirot, pananakit ng tiyan, di-makatulog, o karamdaman. Maaaring mahirapan kang matuto o makipag-ugnayan sa mga tao. Maaaring panghinaan ka ng loob o gustuhing sumuko na.

Tulad ng mga gauge sa dashboard ng isang sasakyan na nagpapaalala sa iyo na magdahan-dahan, magpagasolina, o i-tsek ang makina, ang mga sintomas na ito ay nagpapaalala sa iyo na magdahan-dahan ka, punuin ang iyong espirituwal na “tangke,” at maghanap ng mga bagong solusyon. Ang buklet na ito ay may mga mungkahi at materyal na maaaring makatulong.

Apat na Level ng Stress

Ang stress ay hindi naman palaging nakasasama. Sa katunayan, ang stress ay normal na tugon ng katawan at damdamin sa mga pagbabago at pagsubok sa buhay at kailangan ito sa pag-unlad. Ngunit ang pagdanas ng sobrang stress sa napakahabang panahon nang tuluy-tuloy ay maaaring humantong sa mga problema.

Sa pagsisikap mong makayanan ang nadarama mong stress, maaaring makatulong ang isipin ang apat na level ng nararanasang stress.

Mga Palatandaan na Ikaw ay Nasa Level na Ito

Ano ang Gagawin

Drawing of a missionary

BERDE

Tiwala sa sarili, masaya

Handang harapin ang mga hamon

Madaling makabawi mula sa pagkabigo

Nakakasundo ang iyong kompanyon

Nadarama ang Espiritu

Ito ang pinakamainam. Dito ay nakakaya mo ang araw-araw na stress sa gawaing misyonero, pag-aaral, at pag-unlad.

Patuloy na magsikap at magtiwala sa Panginoon.

Drawing of a missionary

DILAW

Kinakabahan, nag-aalala, walang tiwala sa sarili, nababalisa, hindi handa

Nahihirapang makisalamuha sa iba

Nahihirapang madama ang Espiritu

Normal lamang na mapunta sa yellow na level.

Ang pagiging mabuti sa iyong sarili sa pagharap mo sa mga hamon at pag-aaral ng bagong mga kasanayan ay tutulong sa iyo na maging mas malakas at madagdagan ang iyong kakayahan na maglingkod. Patuloy na manalangin at maglingkod nang may pananampalataya. Sumangguni sa mga banal na kasulatan at sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, sa iyong mga district at zone leader, at sa buklet na ito para sa tulong.

Drawing of a scared looking missionary

ORANGE

Nanghihina (ang katawan at kalooban)

May sakit (hal., pananakit ng tiyan)

Madaling magalit

Masyadong pinanghihinaan ng loob

Hindi madama ang Espiritu

Walang taong natutuwa na mapunta sa orange na level ng stress, pero bihirang maging permanente ito.

Manalangin na patnubayan ka sa pag-aaral mo ng mga banal na kasulatan at sundin ang mga mungkahi sa buklet na ito. Ipaalam sa iyong mission president kung mahigit tatlong araw ka nang nasa orange level, para matulungan ka niya.

Drawing of a scared looking missionary

PULA

Patuloy na depresyon, takot, o pagkabalisa

Kawalan ng pag-asa

Hindi makakain o makatulog (maaaring magkasakit)

Nahihirapan; hindi makapagpatuloy

Dama mo na para kang pinabayaan ng Diyos

Kung narito ka sa level na ito, kontakin ang iyong mission president para magpatulong.

Hilingin sa iyong kompanyon o district leader na bigyan ka ng priesthood blessing. Isiping magsulat sa iyong journal, isiping mabuti ang mga mungkahi sa aklat na ito, manalangin, at marahil ay itigil muna ang mga bagay na pinakamahirap para sa iyong gawin tungkol sa gawaing misyonero hanggang sa magkaroon ka ng pagkakataon na makausap ang iyong mission president.

Mga Kailangang Gawin sa Gawaing Misyonero

Ang paglilingkod “nang buong puso, kakayahan, pag-iisip at lakas” (D at T 4:2) ay magpapala sa iyo nang malaki. Ang gawaing misyonero ay hindi madali. Ang mga kailangang gawin sa gawaing misyonero ay nahahati sa ilang kategorya:

Drawing of scales with categories titled "Demands" and "Resources."  Tagalog language.

Mga Kinakailangan

Pagkatuto

Mahihirap na Materyal

Pakikibagay sa mga Tao

Mga Patakaran

Mga Inaasahan

Pag-alis sa Comfort Zone

Resources

Espiritu Santo

Suporta mula sa Ibang Tao

Mga Bagong Kasanayan

Gumawa ng Plano

Panalangin

Diyeta at Ehersisyo

Baguhin ang Paraan ng Ating Pag-iisip

Mga Banal na Kasulatan

Gawain

Ang Pagbabayad-sala

Pangkalahatan (tingnan sa mga pahina 17–22). Makakaranas ka ng maraming pagbabago at transition sa panahon ng iyong mission. Ang pamilyar na mga paraan para makayanan ito ay hindi palaging nariyan, at dapat may bago kang matutuhan. Ang mga gabi at mga weekend na noon ay pamamahinga mo ay nagiging pinakaabalang panahon mo ngayon. Maaaring maasiwa ka. Kung minsan ay maaaring mahirapan ka. Maaaring isipin mo kung paano tutulungan ang iba pang mga missionary na nahihirapan.

Pisikal (tingnan sa mga pahina 23–28). Maaaring nasa labas ka 11–12 oras kada araw, naglalakad, nagbibisekleta, umaakyat sa hagdan, at nakatayo. Maaaring hindi sapat ang tulog mo gaya ng dati. Ang pagkain ay maaaring hindi pamilyar sa iyo. Nasa labas ka habang masama ang panahon at nalalantad ka sa mga bagong germs o sakit. Ang bagong sitwasyon ay maaaring nakapanghihina na.

Emosyonal (tingnan sa mga pahina 29–34). Maaaring mag-alala ka sa lahat ng ginagawa mo, at hindi ka na makapagpahinga. Maaari kang ma-homesick, panghinaan ng loob, mainip, o malungkot. Maaaring tanggihan ka, mabigo, o malagay sa panganib. Maaaring mag-alala ka sa iyong pamilya at mga kaibigan dahil wala ka roon para tulungan sila.

Panlipunan (tingnan sa mga pahina 35–39). Maninirahan ka kasama ang iyong kompanyon na maaaring mayroon o walang pagkakatulad sa iyo sa maraming bagay. Inaasahang makikipag-usap ka sa mga estranghero, makikisalamuha sa mga lider ng Simbahan, kikilalanin agad ang mga miyembro ng Simbahan, at pag-aaralang mahalin ang mga investigator.

Intelektuwal (tingnan sa mga pahina 41–43). Maaaring nag-aaral ka ng bagong wika. Kailangan mong pag-aralang mabuti ang mga lesson at banal na kasulatan, magkaroon ng skill sa pagtuturo, at lutasin ang mga problema. Kailangan mong magplano, isakatuparan ang mga mithiin, umakma sa mga pagbabago, at lutasin ang iba’t ibang uri ng mga problemang praktikal.

Espirituwal (tingnan sa mga pahina 45–49). Hahamunin mo ang iyong sarili na mapalakas ang iyong patotoo, mapaglabanan ang tukso, at matutuhang madama at mahiwatigan ang Espiritu. Kailangang tanggapin mo ang mga pagwawasto sa iyo, magsisi, harapin ang iyong mga kahinaan at mapagpakumbabang magsisi, at umasa sa Panginoon nang higit pa kaysa noon.

Resources na Makatutulong sa Iyo na Manatiling Balanse

Kapag mayroon kang mapagkukunan ng tulong upang matugunan ang mga hinihingi sa gawaing misyonero, uunlad ka at makapag-aambag at mananatili sa green level. Kung minsan magiging balanse ka kapag inalis mo ang mga hindi kailangan, gaya ng hindi makatotohanang mithiin para sa sarili o pag-aalala sa iisipin ng iba. Gayunpaman, marami sa mga kailangang gawin sa mission ang hindi maaaring alisin. Kailangang matutuhan mo ang bagong materyal, magkaroon ng mabuting ugnayan sa mga tao, sumunod sa mga patakaran, magturo at magpatotoo, at umalis sa iyong comfort zone.

Mananatili ka pa ring balanse sa pamamagitan ng pagdaragdag sa iyong resources para matugunan ang mga pangangailangang ito. Ang ilan sa pinakamahahalagang resources para matugunan ang hinihingi sa gawaing misyonero ay panalangin, pag-aaral ng banal na kasulatan, patnubay ng Espiritu Santo, at paglilingkod sa kapwa. Kabilang sa karagdagang resources ang Mangaral ng Aking Ebanghelyo, tulong mula sa mga mission leader, at marami pang iba na makikita sa buklet na ito.

Ang paggamit sa resources na ito ay tutulong sa iyo na umasa sa Tagapagligtas na si Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala. Siya ang sukdulang pinagmumulan ng tulong para makayanan ang mga gawain at stress sa buhay-missionary.

Isaalang-alang Ako

Jesus Christ portrayed as the Good Shepherd. Christ is portrayed standing and holding a shepherd's staff. There are sheep grazing in a field behind Him.

Alalahanin, mahal ka ng iyong Ama sa Langit. Magtiwala sa Kanya at sa kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo na magpagagaling at tutubos sa iyo. Ang Diyos ay may perpektong plano para sa Kanyang mga anak na hindi perpekto; ito ang mabuting balita na dadalhin mo sa mundo. Alalahanin ang mga pangakong ito: “Katotohanan, katotohanan, sinasabi ko sa iyo, tulad ng aking sinabi sa aking mga disipulo, kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa aking pangalan, ukol sa isang bagay, masdan, ako ay naroroon sa gitna nila—maging ako ay nasa gitna ninyo.

“Huwag matakot na gumawa ng mabuti, … sapagkat kung anuman ang inyong itinanim, iyon din ang inyong aanihin; samakatwid, kung kayo ay nagtanim ng kabutihan kayo rin ay aani ng kabutihan bilang inyong gantimpala.

“Samakatwid, huwag matakot, munting kawan; gumawa ng mabuti; hayaang magsama ang mundo at impiyerno laban sa inyo, sapagkat kung kayo ay itinayo sa aking bato, hindi sila mananaig.

“Masdan, hindi ko kayo inuusig; humayo kayo sa inyong mga gawain at huwag na muling magkasala; isagawa nang mahinahon ang gawaing ipinag-uutos ko sa inyo.

“Isaalang-alang ako sa bawat pag-iisip; huwag mag-alinlangan, huwag matakot.

“Masdan ang sugat na tumagos sa aking tagiliran, at gayon din ang bakas ng mga pako sa aking mga kamay at paa; maging matapat, sundin ang aking mga kautusan, at inyong mamamana ang kaharian ng langit” (D at T 6:32–37).