2021
Kumonekta
Setyembre 2021


“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2021, loob ng pabalat sa harap.

Kumonekta

Alora D.

19, Tennessee, USA

dalagitang kumakanta

Nasa U.S. military ang tatay ko kaya madalas kaming magpalipat-lipat habang lumalaki ako. Mahirap makisalamuha at makipagkaibigan, at inakala ko na ang pagiging mahiyain ang buong personalidad ko, na para akong isang ipinintang larawan na iisa lang ang kulay.

Ang pagpinta ay nakatulong sa akin na matanto na ako ay taong may makulay na personalidad! Hindi ako palakibo kumpara sa ibang tao, pero maraming iba pang aspeto at karakter sa aking personalidad, tulad ng isang larawang puno ng kulay. Kung minsan nagugulat ang mga tao dahil makulay ang mga ipinipinta ko, at sinasabi ko lang sa kanila, “Kailangan mo akong makilala!”

Inaalam ko pa rin kung sino ako at nagdaragdag ng mga katangiang magpapabuti sa akin. Sa katunayan, kamakailan ay umawit ako sa Young Women Face to Face event ng Nobyembre 2020. Alam ko na kapag ginagawa ko ang mga simpleng bagay tulad ng pagbabasa ng aking mga banal na kasulatan at pagdarasal, nakatutulong ito sa akin na malaman kung sino ako at ang uri ng tao na nais ng Ama sa Langit na kahinatnan ko.