2021
Pagtatatag ng Sion sa pamamagitan ng Pagkakaisa
Setyembre 2021


“Pagtatatag ng Sion sa pamamagitan ng Pagkakaisa,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2021, 20.

Panghuling Salita

Pagtatatag ng Sion sa pamamagitan ng Pagkakaisa

Batay sa isang mensahe sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2008.

Ang Sion ay kapwa isang lugar at isang lahi. Sion ang pangalang ibinigay sa sinaunang lungsod ni Enoc. Tinawag ng Panginoon ang mga tao ni Enoc na Sion, “sapagkat sila ay may isang puso at isang isipan, at namuhay sa kabutihan; at walang maralita sa kanila” (Moises 7:18). Sa ibang bahagi sinabi Niya, “Dahil ito ang Sion—ang may dalisay na puso” (Doktrina at mga Tipan 97:21).

Kung itatatag natin ang Sion sa ating mga tahanan, branch, ward, at stake, tayo ay kailangang (1) may isang puso’t isang isipan; (2) maging banal na mga tao; at (3) pangalagaan ang mga maralita at nangangailangan. Huwag nating hintayin ang pagdating ng Sion para mangyari ang mga bagay na ito—darating lamang ang Sion kapag nangyari ito.

Magkakaisa ang ating puso’t isipan kapag ginawa nating sentro ng ating buhay ang Tagapagligtas at sinunod natin ang mga hinirang Niyang mamuno sa atin, at magkaisa sa pagmamahal at malasakit sa isa’t isa. Ang pagkakaisa at pagmamahal na ito sa isa‘t isa, kapag [maraming] libong beses inulit sa iba’t ibang paraan, ay “[magbabalik] sa Sion” (Isaias 52:8).

hitsura ng mga kalye ng lungsod mula sa itaas

Paglalarawan ni Albert Pinilla