“Nabagabag sa Isusuot na Damit,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2021, 8.
Mga Saligang Kaytibay
Nabagabag sa Isusuot na Damit
Noong nasa hayskul ako, napili akong makilahok sa isang fashion show para sa taunang kaganapan sa paaralan. Alam ko na pipili ang coordinator ng mga damit na hindi disente, kaya sinabi ko sa kanya na hindi ako sasali kung hindi disente ang damit na ipasusuot sa akin. Sinabi niya na walang magiging problema.
Nang tingnan namin ng mga kaibigan ko ang mga isususot namin, nagulat ako. Sa kabila ng sinabi sa akin ng coordinator, lahat ng damit ay taliwas sa mga pamantayan sa pananamit at kaanyuan na nasa buklet ng Para sa Lakas ng mga Kabataan. Dahil parang wala nang solusyon, sinubukan ko ang isa sa mga hindi disenteng damit. Gusto kong maganda ang hitsura ko, pero nang suot ko na ang damit na iyon, parang hindi ako iyon. Naisip ko, “Ano kaya ang madarama ko sa presensya ng Panginoon kapag ganito ang suot ko?”
Pinag-isipan ko kung paano ako makakaalis sa sitwasyong ito. Sa huli, nakita ko ang prom dress ng ate ko, na akma sa mga pamantayan ng Panginoon. Nang sabihin ko sa mga kaibigan ko na gagamitin ko ang sarili kong damit, nakita ko sa eskpresyon ng mga mukha nila na iniisip nilang mas magiging maganda ang itsura ko sa hindi disenteng damit. Mabuti na lang, sinabi ng coordinator na OK lang na isuot ko ang disenteng damit.
Napanatag ako, at nakadama ng tiwala sa sarili. Wala na akong pakialam kung anuman ang inisip ng mga kaibigan ko. Nakahanap ako ng paraan na makalahok na suot ang isang maganda at disenteng damit. Nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng lakas ng loob na panatilihing mataas ang aking mga pamantayan, lalo na kapag hindi ito madali o tanggap ng lahat.
Jessika S., Indonesia