“Isang Pagsubok sa Pananampalataya,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Set. 2021, 18–19. Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin Isang Pagsubok sa Pananampalataya Isinulat ni Eric B. Murdock Inilarawan ni Darren Rawlings Doktrina at mga Tipan 102–105 1833. Jackson County, Missouri, USA. Sapilitang pinaalis ng mga mandurumog ang mga Banal sa kanilang mga tahanan. Inisip ni Joseph Smith kung ano ang gagawin. Hindi nagtagal ay dumating ang isang paghahayag. Sinabihan si Joseph na kumalap ng kalalakihan para maglakbay patungong Missouri at tulungan ang mga Banal na mabawi ang kanilang mga tahanan. Umalis si Joseph patungong Missouri kasama ang isang grupo ng mga boluntaryo. Ang grupo ay nakilala kalaunan bilang Kampo ng Sion. Mahirap kung minsan ang paglalakbay, ngunit marami ang nasiyahan dito. Pagkaraan ng isang buwang paglalakbay, tumigil ang kampo malapit sa ilog. Narinig nila na ang mga lalaki sa kabila ng ilog ay nag-aabang para salakayin sila. Anong gagawin natin? Tumayong hindi natitinag … … at tingnan ang pagliligtas ng Diyos. Hindi nagtagal ay dumating ang bagyo. Nasa bagyong ito ang Diyos! Umapaw ang tubig sa ilog dahil sa ulan kaya hindi ito natawid ng mga kaaway ng kampo. Pagkaraan ng ilang araw, nakatanggap si Joseph ng paghahayag na panahon na para umuwi, kahit hindi nila natulungan ang mga Banal sa Missouri na makabalik sa kanilang mga tahanan. Tinanggap ng Panginoon ang ating mga pagsisikap. Dinala tayo sa ganito bilang pagsubok sa ating pananampalataya. (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 105:19.) Inakala ng ilan na nabigo ang paglalakbay. Umabot tayo hanggang sa ganito nang walang napala! Bakit uuwi na tayo gayong hindi pa natin natutulungan ang mga Banal dito? Karamihan sa kanila ay itinuring ito na isang pribilehiyo na makasama ang Propeta at matuto mula sa kanya. Ang Kampo ng Sion ay nakatulong sa paghahanda ng magiging mga lider ng Simbahan sa hinaharap. Ang walong kalalakihan na naglakbay kasama ng Kampo ng Sion ay tinawag sa Korum ng Labindalawang Apostol.