Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Pebrero 17–23: “Sa Inyo na Aking Kapwa Tagapaglingkod”: Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75


“Pebrero 17–23: ‘Sa Inyo na Aking Kapwa Tagapaglingkod’: Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Doktrina at mga Tipan 2025 (2025)

“Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: 2025

Ilog ng Susquehanna

Ilog ng Susquehanna malapit sa Harmony, Pennsylvania

Pebrero 17–23: “Sa Inyo na Aking Kapwa Tagapaglingkod”

Doktrina at mga Tipan 12–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75

Karamihan sa mga tao sa buong mundo ay malamang na hindi pa nakarinig tungkol sa Harmony, Pennsylvania. Kadalasa’y pumipili ang Panginoon ng mga abang lugar para sa pinakamahahalagang kaganapan sa Kanyang kaharian. Sa isang makahoy na lugar malapit sa Harmony noong Mayo 15, 1829, nagpakita si Juan Bautista kina Joseph Smith at Oliver Cowdery. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa kanilang ulo at ipinagkaloob ang Aaronic Priesthood sa kanila, tinatawag sila na “aking kapwa tagapaglingkod” (Doktrina at mga Tipan 13:1).

Si Juan Bautista ang pinagkakatiwalaang tagapaglingkod ng Diyos na nagbinyag sa Tagapagligtas at naghanda ng daan para sa Kanyang pagparito (tingnan sa Mateo 3:1–6, 13–17). Sa dalawang binatang ito na nasa 20s ang edad, malamang na nakakapagpakumbaba, marahil ay napakabigat pa, na matawag na mga kapwa tagapaglingkod ni Juan. Sa panahong iyon, hindi gaanong kilala sina Joseph at Oliver, tulad ng Harmony. Ngunit ang paglilingkod sa gawain ng Diyos noon pa man ay tungkol sa kung paano tayo naglilingkod, hindi tungkol sa kung sino ang nakapapansin. Gaano man kaliit o tila hindi kapansin-pansin ang iyong kontribusyon kung minsan, ikaw ay isang kapwa tagapaglingkod rin sa “dakila at kagila-gilalas na gawain” ng Panginoon (Doktrina at mga Tipan 14:1).

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Doktrina at mga Tipan 12; 14

Maaari akong makilahok sa “dakila at kagila-gilalas na gawain” ng Diyos.

Ginustong malaman kapwa nina Joseph Knight at David Whitmer kung paano sila makakatulong sa gawain ng Panginoon. Habang binabasa mo ang sagot ng Panginoon sa kanila (Doktrina at mga Tipan 12; 14), pag-isipan kung ano ang ibig sabihin sa iyo ng “ipahayag at itatag ang kapakanan ng Sion” (12:6; tingnan din sa 14:6). Anong mga alituntunin at mga katangiang katulad ng kay Cristo ang nakikita mo sa mga bahaging ito na maaaring makatulong sa iyo na gawin ito?

Tingnan din sa “The Knight and Whitmer Families,” sa Revelations in Context, 20–24.

Doktrina at mga Tipan 13

Isinugo ni Jesucristo si Juan Bautista para ipanumbalik ang Aaronic Priesthood.

Tinawag ni Juan Bautista sina Joseph Smith at Oliver Cowdery na kanyang “kapwa tagapaglingkod.” Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng maging kapwa tagapaglingkod ni Juan Bautista? (tingnan sa Mateo 3:13–17; Lucas 1:13–17; 3:2–20).

Habang binabasa mo ang sinabi ni Juan Bautista tungkol sa Aaronic Priesthood sa bahagi 13, pagnilayan kung paano nakakatulong ang mga susi ng priesthood na ito na isakatuparan ang misyon ni Juan na ihanda ang daan ng Panginoon. Halimbawa:

Paano nakakatulong ang mga ordenansa ng Aaronic Priesthood (tulad ng binyag at sakramento) sa paghahanda mo ng daan para matanggap mo ang Tagapagligtas sa iyong buhay?

Ano ang mga susi ng priesthood?

Ibinigay ni Elder Dale G. Renlund at ng kanyang asawang si Ruth ang paliwanag na ito tungkol sa mga susi ng priesthood:

“Ang katagang mga susi ng priesthood ay ginagamit sa dalawang magkaibang paraan. Ang una ay tumutukoy sa isang partikular na karapatan o pribilehiyong ipinagkakaloob sa lahat ng tumatanggap ng Aaronic o Melchizedek Priesthood. … Halimbawa, ang mga Aaronic Priesthood holder ay tumatanggap ng mga susi ng paglilingkod ng mga anghel at ng mga susi ng panimulang ebanghelyo ng pagsisisi at ng pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran ng mga kasalanan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 13:1; 84:26–27). Ang mga Melchizedek Priesthood holder ay tumatanggap ng mga susi ng mga hiwaga ng kaharian, ng susi ng kaalaman tungkol sa Diyos, at ng mga susi ng lahat ng espirituwal na pagpapala ng Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:19; 107:18). …

“Ang pangalawang paraan na ginagamit ang katagang mga susi ng priesthood ay tumutukoy sa pamumuno. Ang mga priesthood leader ay tumatanggap ng karagdagang mga susi ng priesthood, ng karapatang mamuno sa isang sangay ng organisasyon ng Simbahan o sa isang korum. Tungkol dito, ang mga susi ng priesthood ay ang awtoridad at kapangyarihang mangasiwa, mamuno, at mamahala sa Simbahan” (The Melchizedek Priesthood: Understanding the Doctrine, Living the Principles [2018], 26).

si Joseph Smith na binibinyagan si Oliver Cowdery

Joseph Smith Baptizes Oliver Cowdery [Binibinyagan ni Joseph Smith is Oliver Cowdery], ni Del Parson

Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75

icon ng seminary
Ang mga ordenansa ang nagbibigay sa akin ng access sa kapangyarihan ng Diyos.

Naisip mo na ba kung ano kaya ang pakiramdam ng makasama sina Joseph Smith at Oliver Cowdery para sa mga pangunahing kaganapan ng Pagpapanumbalik? Habang binabasa mo ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:66–75, kabilang na ang maikling sulat sa dulo ng talata 71, maaari mong maunawaan kahit ang ilan man lang sa nadama nila. Ano ang hinahangaan mo tungkol sa kanilang mga salita? Pansinin, lalo na, ang mga pagpapalang tinanggap nila dahil tumanggap sila ng priesthood at nabinyagan. Anong mga pagpapala ang ibinigay sa iyo ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng mga ordenansa ng priesthood?

Para malaman ang iba pa, isiping gumawa ng isang table na may mga heading na Mga Ordenansa at Mga Pagpapala. Pagkatapos ay maaari mong saliksikin ang mga talata sa banal na kasulatan na tulad ng mga ito para mailista ang mga ordenansa at pagpapalang nagmumula sa mga ito: Juan 14:26; Mga Gawa 2:38; Doktrina at mga Tipan 84:19–22; 131:1–4; Joseph Smith—Kasaysayan 1:73–74. Anong iba pang mga pagpapala ang idaragdag mo sa listahan? Paano naghatid ng kapangyarihan ng Tagapagligtas sa iyong buhay ang mga ordenansang natanggap mo?

Tingnan din sa David A. Bednar, “Nasasandatahan ng Kabutihan at Kapangyarihan ng Diyos sa Dakilang Kaluwalhatian,” Liahona, Nob. 2021, 28–30; Mga Banal, 1:74–77; “Diyos ng Kapangyarihan,” Mga Himno, blg. 19; Mga Paksa at Tanong, “Covenants and Ordinances [Mga Tipan at Ordenansa],” Gospel Library.

Doktrina at mga Tipan 15–16

Ang pagdadala ng mga kaluluwa kay Cristo ay napakahalaga.

Naisip mo na ba, tulad ng ginawa nina John at Peter Whitmer, kung ano ang “magiging pinakamahalaga” sa iyong buhay? (Doktrina at mga Tipan 15:4; 16:4). Habang binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan 15–16, pagnilayan kung bakit gayon kahalaga ang magdala ng mga kaluluwa kay Cristo. Ano ang ginagawa mo para “makapagdala ng mga kaluluwa” kay Cristo?

Tingnan din sa Mga Banal, 1:74–79.

Doktrina at mga Tipan 17

Ang Panginoon ay gumagamit ng mga saksi upang itatag ang Kanyang salita.

Ano ang isang saksi? Bakit gumagamit ang Panginoon ng mga saksi sa Kanyang gawain? (tingnan sa 2 Corinto 13:1). Pagnilayan ang mga tanong na ito habang binabasa mo ang mga salita ng Diyos sa Tatlong Saksi sa Doktrina at mga Tipan 17. (Tingnan din sa “Ang Patotoo ng Tatlong Saksi” sa Aklat ni Mormon.) Paano tumutulong ang mga saksi para maisakatuparan ang “mabubuting layunin” ng Diyos? (talata 4).

Ano ang maaari mong patotohanan?

Tingnan din sa Mga Banal, 1:81–84; “A Day for the Eternities” (video), Gospel Library.

23:14

Isang Araw para sa mga Kawalang-hanggan

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

Mga Tao, Lugar, Pangyayari

Magklik para makita pa ang iba

icon 02 ng bahaging pambata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Doktrina at mga Tipan 13; Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–74

Ipinanumbalik ni Juan Bautista ang Aaronic Priesthood.

  • Ang likhang-sining sa outline na ito ay maaaring makatulong sa iyong mga anak na mailarawan sa kanilang isipan ang pagpapanumbalik ng Aaronic Priesthood (tingnan din sa “Kabanata 6: Sina Joseph at Oliver ay Binigyan ng Pagkasaserdote,” sa Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan, 26–27, o sa katumbas na video nito sa Gospel Library). Matutuwa kaya silang idrowing ang pangyayaring ito batay sa nabasa ninyo sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–74?

    2:12

    Ipinanumbalik ng mga Anghel ang Priesthood: Kapangyarihang gawin ang gawain ng Diyos

  • Maaari ka ring magpakita ng isang larawan ni Juan Bautista habang sama-sama ninyong binabasa ang Mateo 3:13–17; Joseph Smith—Kasaysayan 1:68–70. Bakit mahalaga na isinugo ng Panginoon si Juan Bautista para ibigay kay Joseph Smith ang awtoridad ng priesthood na magbinyag?

Paghahanda sa iyong mga anak para sa habambuhay na pagtahak sa landas ng tipan ng Diyos. Para sa iba pang mga ideya sa pagtulong sa iyong mga anak na matuto tungkol sa kapangyarihan, awtoridad, at mga susi ng priesthood, tingnan sa apendise A o apendise B.

si Juan na Bautista na binibinyagan si Jesucristo

Larawang-guhit ng pagbibinyag kay Jesus, ni Dan Burr

Doktrina at mga Tipan 13

Pinagpapala ako ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Aaronic Priesthood.

  • Para makapagpasimula ng talakayan tungkol sa mga susing binanggit sa Doktrina at mga Tipan 13, maaari ninyong tingnan ng iyong mga anak ang isang bungkos ng mga susi at pag-usapan kung ano ang mga maaari nating gawin gamit ang mga susi. Maaari mo siguro silang tulungang hanapin ang salitang mga susi sa bahagi 13. Anong iba pang mga salita o parirala sa Doktrina at mga Tipan 13 ang naglalarawan sa mga pagpapala ng Aaronic Priesthood? Maaari ding tukuyin ng iyong mga anak ang mga paraan na pinagpapala tayo ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng priesthood sa video na “Blessings of the Priesthood” (Gospel Library).

3:7

Blessings of the Priesthood

Doktrina at mga Tipan 15:4–6; 16:4–6

Ang pagtulong sa iba na lumapit kay Jesucristo ang “pinakamahalaga.”

  • Ginustong malaman nina John at Peter Whitmer kung ano ang magiging pinakamahalaga sa kanila (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 15:4; 16:4). Maaari siguro ninyong pag-usapan ng iyong mga anak ang mga bagay na malaki ang kahalagahan sa inyo. Habang binabasa mo ang Doktrina at mga Tipan 15:616:6, hilingin sa iyong mga anak na magtaas ng kamay kapag narinig nila ang sinabi ng Panginoon kung ano “ang pinakamahalaga.”

  • Ano ang ibig sabihin ng “makapagdala ng mga kaluluwa [kay Jesucristo]”? Tulungan ang iyong mga anak na gumawa ng listahan ng mga ideya, tulad ng kaibiganin ang iba, magbahagi ng mga talata sa banal na kasulatan sa isang kaibigan, o ipagdasal ang isang taong nangangailangan. Maaaring maghanap ang iyong mga anak ng mga larawan ng mga bagay na ito sa mga magasin ng Simbahan o sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo. O maaari silang magdrowing ng sarili nilang larawan. Anyayahan silang pumili ng isang bagay mula sa listahan nila ng kanilang gagawin. Maaari din ninyong sama-samang kantahin ang ikaapat na taludtod ng “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” (Aklat ng mga Awiting Pambata, 42–43).

Doktrina at mga Tipan 17

Maaari akong maging isang saksi ng Aklat ni Mormon.

  • Ang “Kabanata 7: Nakita ng mga Saksi ang Laminang Ginto” (sa Mga Kuwento sa Doktrina at mga Tipan, 31–33, o sa katumbas na video nito sa Gospel Library) ay makakatulong para malaman ng iyong mga anak ang tungkol sa Tatlong Saksi. Matapos basahin ang Doktrina at mga Tipan 17:5–6, sabihin sa iyong mga anak kung paano mo nalaman na ang Aklat ni Mormon ay totoo. Paano tayo maaaring maging mga saksi ng Aklat ni Mormon?

    4:58

Para sa iba pang mga ideya, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

tinanggap nina Joseph at Oliver ang Aaronic Priesthood mula kay Juan Bautista

Upon You My Fellow Servants [Sa Inyo na Aking Kapwa Tagapaglingkod], ni Linda Curley Christensen

pahina ng aktibidad para sa mga bata