Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Disyembre 30–Enero 5. Pambungad na mga pahina ng Aklat ni Mormon: “Isa Pang Tipan ni Jesucristo”


“Disyembre 30–Enero 5. Pambungad na mga pahina ng Aklat ni Mormon: ‘Isa Pang Tipan ni Jesucristo,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Aklat ni Mormon 2020 (2020)

“Disyembre 30–Enero 5. Pambungad na mga pahina ng Aklat ni Mormon,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2020

ang mga laminang ginto

Disyembre 30–Enero 5

Pambungad na mga pahina ng Aklat ni Mormon

“Isa Pang Tipan ni Jesucristo”

Pag-aralan ang pahina ng pamagat at pambungad ng Aklat ni Mormon; ang mga patotoo ng Tatlong Saksi, ng Walong Saksi, at ni Propetang Joseph Smith; at ang “Maikling Paliwanag tungkol sa Aklat ni Mormon.” Kapag ginawa mo ito, hangarin ang mga pahiwatig mula sa Espiritu Santo kung paano mo mahihikayat ang klase mo na magsimula ng makabuluhang pag-aaral ng Aklat ni Mormon.

Itala ang Iyong mga Impresyon

icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Para makapagsimula, maaari mong anyayahan ang ilang tao na magbahagi ng isang bagay na natutuhan nila mula sa pambungad na mga pahina ng Aklat ni Mormon na nagpalakas sa patotoo nila tungkol sa sagradong aklat na ito.

icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon

Ang Aklat ni Mormon ay makapagpapalakas ng ating pananampalataya kay Jesucristo.

  • Ang pagbasa sa pahina ng pamagat ng Aklat ni Mormon, na isinulat ni Moroni, ay makapaghahanda sa mga miyembro ng klase mo na pag-aralan ang Aklat ni Mormon ngayong taon. Paano makakatulong ang mga mensahe sa pahina ng pamagat sa kanilang pag-aaral? Maaari mo sigurong isulat sa pisara ang isa o mahigit pang mga tanong—tulad ng Bakit tayo may Aklat ni Mormon? o Paano naiiba ang Aklat ni Mormon sa iba pang mga aklat?—at anyayahan ang mga miyembro ng klase na hanapin ang mga sagot habang nirerebyu nila ang pahina ng pamagat nang mag-isa o magkakapares. Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi ang mga impresyong dumating sa kanila. Maaari mo ring hikayatin ang mga miyembro ng klase na talakayin ang mga plano nila sa pag-aaral ng Aklat ni Mormon ngayong taon. Halimbawa, ano ang hahanapin nila? Paano sila matututo mula sa Espiritu Santo habang nag-aaral sila?

  • Ang isa sa pinakamahahalagang layunin ng Aklat ni Mormon ay nakasaad sa pahina ng pamagat nito: para kumbinsihin ang mga “Judio at Gentil na si Jesus ang Cristo.” Maaari mong anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga talata mula sa Aklat ni Mormon na nagpalakas sa kanilang pananampalataya kay Jesucristo (maaari din nilang basahin ang ilang talatang nakalista sa “Karagdagang Resources”). Maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang ilan sa mga talatang ito sa isang katabi at ibahagi kung paano naimpluwensyahan ng Aklat ni Mormon ang kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas.

Pambungad sa Aklat ni Mormon

Matutulungan tayo ng Aklat ni Mormon na “mas mapalapit sa Diyos.”

  • Ang pambungad sa Aklat ni Mormon ay nagbibigay ng impormasyon na mahalagang maunawaan ng mga mambabasa. Maaaring makinabang ang mga miyembro ng klase mo sa pag-scan sa pambungad at pagtukoy sa tatlo hanggang limang bagay na makakabuting ibahagi sa isang taong nagbabasa ng Aklat ni Mormon sa unang pagkakataon. Pagkatapos ay maibabahagi ng mga miyembro ng klase ang matutuklasan nila. Maaari pa nga nilang isadula ang pagpapakilala ng Aklat ni Mormon sa isang tao. Maaari ding makatulong ang mga video na iminungkahi sa “Karagdagang Resources.”

  • Maaaring nagkaroon na ng mga karanasan ang ilang miyembro ng klase mo na nagpatunay sa katotohanan ng mga salita ni Joseph Smith: “Ang isang tao ay malalapit sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tuntunin [ng Aklat ni Mormon], nang higit kaysa sa pamamagitan ng alin mang aklat.” Maaari mong hilingin sa mga miyembro ng klase na ibahagi kung paano nakatulong sa kanila ang pagsasabuhay ng mga katotohanang natutuhan nila sa Aklat ni Mormon na mas mapalapit sa Diyos. Maaari mo ring anyayahan ang mga miyembro ng klase na magbahagi ng mga sagot sa tatlong tanong na ito na iminungkahi ni Pangulong Russell M. Nelson: “Una, ano ang magiging buhay ninyo kung wala ang Aklat ni Mormon? Pangalawa, ano ang hindi ninyo malalaman? At pangatlo, ano ang hindi mapapasainyo?” (“Ang Aklat ni Mormon: Ano Kaya ang Buhay Ninyo Kung Wala Ito?” (Ensign o Liahona, Nob. 2017, 61).

  • Mayroon bang sinuman sa klase mo na nagbasa ng mga talata sa Aklat ni Mormon na naglalaman ng iba’t ibang tawag sa plano ng kaligtasan, tulad ng iminungkahi sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa mga Indibiduwal at Pamilya? Kung mayroon, anyayahan silang ibahagi ang natutuhan nila.

Ang Patotoo ng Tatlong Saksi”; “Ang Patotoo ng Walong Saksi

Lahat tayo ay maaaring maging saksi ng Aklat ni Mormon.

  • Ang pag-aaral ng mga patotoo ng Tatlo at Walong Saksi ay magpapalakas sa patotoo ng mga miyembro ng iyong klase at matutulungan silang pagnilayan kung paano nila maaaring ibahagi ang sarili nilang patotoo. Maaari mong ipabasa sa kalahati ng klase ang “Ang Patotoo ng Tatlong Saksi” at ipabasa sa natitirang kalahati ang “Ang Patotoo ng Walong Saksi” at ipabahagi ang mga impresyon o detalyeng kapansin-pansin sa kanila. Ano ang pagkakaiba ng dalawang patotoo? Ano ang pagkakapareho ng mga ito? Ano ang matututuhan natin mula sa mga saksing ito tungkol sa pagbabahagi ng ating patotoo? Para magpasimula ng talakayan kung bakit mahalaga ang Tatlong Saksi, maaari mong ibahagi ang pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks o ang patotoo ni John Whitmer sa “Karagdagang Resources.”

si Joseph Smith at ang Tatlong Saksi na sama-samang nagdarasal

Nagpatotoo ang Tatlong Saksi tungkol sa Aklat ni Mormon.

Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith

Si Joseph Smith ang naging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos sa paglalabas ng Aklat ni Mormon.

  • Maaaring pamilyar na ang mga miyembro ng klase sa mga pangyayaring inilarawan sa “Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith,” pero marahil ay matutulungan mo silang maghanap ng mga bagong kabatiran. Halimbawa, maaari mo silang anyayahan na ilista ang mahahalagang pangyayari sa salaysay ni Joseph Smith. Ano ang masasabi natin mula sa kanyang karanasan tungkol sa kahalagahang ibinigay ng Panginoon sa Aklat ni Mormon?

  • Nakasaad sa himnong “Minsan May Isang Anghel” (Mga Himno, blg. 10) ang paglabas ng Aklat ni Mormon. Pagkatapos kantahin o pakinggan ang himnong ito, maaaring makakita ang mga miyembro ng klase ng mga pahayag sa “Ang Patotoo ng Propetang si Joseph Smith” na tumutugma o nagpapatibay sa mga parirala sa awitin.

icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na basahin ang 1 Nephi 1–7, anyayahan silang maghanap ng mga ideya o katotohanan na nakakatulong sa kasalukuyan nilang sitwasyon sa buhay—halimbawa, isang hamon sa pamilya o isang calling sa Simbahan.

icon ng resources

Karagdagang Resources

Mga talata sa Aklat ni Mormon na nagpapatotoo kay Jesucristo.

 

  •  

  •    

    NaN:NaN
  •  

 

Ang kahalagahan ng Tatlong Saksi.

Ipinaliwanag ni Pangulong Dallin H. Oaks kung bakit masyadong nakaaantig ang patotoo ng Tatlong Saksi:

“Ang patotoo ng Tatlong Saksi sa Aklat ni Mormon ay may pambihirang lakas. Bawat isa sa tatlo ay may sapat na dahilan at pagkakataong bawiin ang kanyang patotoo kung mali iyon, o palabuin ang mga detalye kung mayroong hindi tumpak. Tulad ng alam ng nakararami, dahil sa hindi pagkakasundo o mga inggitan sa iba pang mga lider ng Simbahan, bawat isa sa tatlong saksi ay itiniwalag mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw mga walong taon matapos ang paglalathala ng kanilang patotoo. Nagkanya-kanya na sila, at pare-parehong walang interes na bumuo ng isang lihim na samahan o kasunduan. Ngunit hanggang sa mamatay sila—mula 12 hanggang 50 taon matapos silang itiwalag—wala ni isa sa mga saksing ito ang nagtatwa sa kanilang nailathalang patotoo o nagsabi ng anumang makapagbibigay ng pagdududa sa katotohanan nito” (“The Witness: Martin Harris,” Ensign, Mayo 1999, 36).

Ang patotoo ni John Whitmer.

Ipinahayag ni John Whitmer, isa sa Walong Saksi ng Aklat ni Mormon: “Wala akong narinig kailanman na may nagkailang sinuman sa tatlo o walong saksi sa patotoong naibahagi nila. … Nakarating ang aming pangalan sa lahat ng bansa, wika at lahi bilang banal na paghahayag mula sa Diyos. At isasakatuparan nito ang mga layunin ng Diyos ayon sa pahayag na nakapaloob doon” (sa Noel B. Reynolds, ed., Book of Mormon Authorship Revisited: The Evidence for Ancient Origins [1997], 55–56).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Hangarin na makatanggap ng sariling inspirasyon. Sa halip na ituring ang mga outline na ito na mga tagubilin na kailangan mong sundin, gamitin ang mga ito para makakuha ng mga ideya o maghikayat ng sarili mong inspirasyon habang pinagninilayan mo ang mga pangangailangan ng mga tinuturuan mo.