Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Hulyo 22–28. Mga Gawa 16–21: ‘Kami’y Tinawag ng Dios upang sa Kanila’y Ipangaral ang Evangelio’


“Hulyo 22–28. Mga Gawa 16–21: ‘Kami’y Tinawag ng Dios upang sa Kanila’y Ipangaral ang Evangelio’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: Bagong Tipan 2019 (2019)

“Hulyo 22–28. Mga Gawa 16–21,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Sunday School: 2019

Larawan
si Pablo sa Mars Hill

Hulyo 22–28

Mga Gawa 16–21

“Kami’y Tinawag ng Dios upang sa Kanila’y Ipangaral ang Evangelio”

Bago tingnan ang outline na ito, mapanalanging basahin ang Mga Gawa 16–21 na iniisip ang mga miyembro ng klase mo. Ang sumusunod na mga ideya ay maaaring makaragdag sa inspirasyong natatanggap mo mula sa Espiritu.

Itala ang Iyong mga Impresyon

Larawan
icon ng pagbabahagi

Mag-anyayang Magbahagi

Isiping magpabahagi sa mga miyembro ng klase ng isang talata mula sa Mga Gawa 16–21 na nagpaalala sa kanila ng isang karanasan nila sa pagbabahagi ng ebanghelyo.

Larawan
icon ng pagtuturo

Ituro ang Doktrina

Mga Gawa 16–21

Bilang mga miyembro ng Simbahan, pinatototohanan natin si Jesucristo at ibinabahagi ang Kanyang ebanghelyo.

  • Dahil inilalarawan sa Mga Gawa 16–21 ang dalawa sa mga paglalakbay ni Pablo bilang missionary, maaaring matutuhan ng mga miyembro ng klase mula sa mga kabanatang ito kung paano patotohanan si Jesucristo at epektibong ibahagi ang Kanyang ebanghelyo. Para makahikayat ng talakayan tungkol sa paksang ito, marahil ay maaari mong hikayatin ang ilang miyembro na pumasok sa klase na handang ibahagi ang mga kabatirang natamo nila mula sa Mga Gawa 16–21 tungkol sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Para mapalalim ang talakayan, maaari din nilang ibahagi ang mga pahayag mula sa isang mensahe sa huling pangkalahatang kumperensya tungkol sa gawaing misyonero. Maaari silang maghanap na mag-isa, o maaari kang magmungkahi ng isa sa mga mensahe sa “Karagdagang Resources.”

  • Ang isang mahalagang mensahe sa mga kabanatang ito ay ang mahalagang papel na ginagampanan ng Espiritu Santo sa pagbabahagi ng ebanghelyo. Halimbawa, maaaring tuklasin ng mga miyembro ng klase kung paano tinulungan ng Espiritu Santo sina Pablo at Silas sa Mga Gawa 16:6–15. Maaari din nilang basahin ang 2 Nephi 33:1 at Doktrina at mga Tipan 42:14 at ibahagi ang mga katotohanang makita nila tungkol sa kahalagahan ng mapasakanila ang Espiritu kapag nagbabahagi ng ebanghelyo (tingnan din sa pahayag ni Elder Dallin H. Oaks sa “Karagdagang Resources”). Marahil ay maaaring magbahagi ng mga karanasan ang mga miyembro ng klase nang gabayan ng Espiritu Santo ang kanilang mga pagsisikap na ibahagi ang ebanghelyo. Ano ang ilang karanasan natin sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa isang taong inilagay ng Panginoon sa ating landas? (tingnan din sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 4).

  • Paano mo magagamit ang mga karanasan ni Pablo para tulungan ang mga miyembro ng klase mo na magkaroon ng lakas ng loob kapag hinikayat silang magbahagi ng kanilang patotoo? Isiping sama-samang rebyuhin ang mga salaysay na naglalarawan sa pagpapatotoo ni Pablo, tulad ng kanyang mga karanasan sa Macedonia (tingnan sa Mga Gawa 16:19–34), sa Atenas (tingnan sa Mga Gawa 17:16–34), at sa Corinto (tingnan sa Mga Gawa 18:1–11). Anong katibayan ang makikita natin tungkol sa lakas ng loob at tapang ni Pablo? Anong mga doktrina ang itinuro (at naunawaan) ni Pablo na nagbigay sa kanya ng tiwala sa kanyang mensahe? Bakit takot tayo kung minsan na ibahagi ang ebanghelyo, at paano natin madaraig ang takot na ito? Marahil ay maaaring bumisita ang mga full-time missionary sa klase mo at magbahagi ng mga paraan na nakatanggap sila ng lakas ng loob na magpatotoo. Hikayatin ang mga miyembro ng klase na mag-isip ng isang paraan na masusundan nila ang halimbawa ni Pablo at magiging mas matapang sila sa pagbabahagi ng kanilang patotoo tungkol kay Cristo.

Mga Gawa 17:16–34

Tayo ay mga supling ng Diyos.

  • Sa Mars’ Hill o Areopago, nagturo si Pablo tungkol sa Ama sa Langit sa isang grupo ng mga tao na kakaunti ang nalalaman tungkol sa tunay na katangian ng Diyos. Para masiyasat ang mga turong ito, maaaring basahin ng mga miyembro ng klase ang Mga Gawa 17:24–31 at isulat sa pisara ang mga katotohanang malalaman nila tungkol sa Ama sa Langit, sa kaugnayan natin sa Kanya, at sa mga kaugnayan natin sa isa’t isa. Anong mga karanasan ang maibabahagi ng mga miyembro ng klase kung saan nadama nila ang katotohanan ng pahayag ni Pablo na ang Diyos ay “hindi malayo sa bawa’t isa sa atin”? (talata 27).

  • Habang sama-sama ninyong sinusuri ang mga talatang ito, isiping talakayin ang katotohanang itinuro sa talata 29, “Tayo nga’y lahi ng Dios,” na ibig sabihin ay literal na ama ng ating espiritu ang Ama sa Langit. Para magawa ito, maaari mong isulat sa pisara ang, Dahil tayo ay mga anak ng Diyos at Kung hindi natin nalaman na tayo ay mga anak ng Diyos. Anyayahan ang mga miyembro ng klase na magmungkahi ng mga paraan para makumpleto ang mga pangungusap na ito. Halimbawa, ano ang itinuturo sa atin ng katotohanan na tayo ay mga anak ng Diyos tungkol sa Diyos? tungkol sa ating sarili? tungkol sa paraan ng nararapat na pagtrato natin sa isa’t isa? Paano mag-iiba ang ating buhay kung hindi natin nalaman ang ating tunay na kaugnayan sa Diyos? Maaari itong humantong sa isang talakayan tungkol sa kung paano natin maipauunawa sa iba na sila ay mga anak ng Diyos. Ang pahayag ni Elder Dallin H. Oaks sa “Karagdagang Resources” ay maaaring makaragdag sa talakayang ito.

Mga Gawa 19:1–7

Ang binyag ay kailangang masundan ng pagtanggap ng kaloob na Espiritu Santo.

  • Ang Mga Gawa 19 ay isang magandang lugar upang bigyang-diin kung gaano kahalaga ang makumpirma matapos tayong mabinyagan. Isiping ibahagi ang pahayag na ito mula kay Propetang Joseph Smith: “Walang kabuluhan ang pagbibinyag sa tubig kung hindi pagtitibaying miyembro ng Simbahan ang isang tao—ibig sabihin ay pagtanggap ng Espiritu Santo” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith, 111). Paano pinagtitibay ng mga turo ni Pablo sa Mga Gawa 19:1–7 ang pahayag ni Joseph Smith?

Larawan
icon ng pag-aaral

Maghikayat ng Pag-aaral sa Tahanan

Para mahikayat ang mga miyembro ng klase na basahin ang Mga Gawa 22–28 sa susunod na linggo, itanong sa kanila ang isang bagay na katulad ng, “Kung nagkaroon kayo ng pagkakataong ibahagi sa pinuno ng ating bansa ang ebanghelyo, ano ang sasabihin ninyo?” Sabihin sa kanila na sa Mga Gawa 22–28, malalaman nila kung ano ang sinabi ni Pablo sa ilan sa pinaka-makapangyarihang mga pinuno sa kanyang panahon.

Larawan
icon ng resources

Karagdagang Resources

Mga Gawa 16–21

Mga mensahe tungkol sa gawaing misyonero.

Lahat tayo ay anak ng Diyos.

Ibinahagi sa “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” ang mga walang-hanggang katotohanan tungkol sa ating kaugnayan sa Diyos: “Lahat ng tao—lalaki at babae—ay nilalang sa larawan ng Diyos. Bawat isa ay minamahal na espiritung anak na lalaki o anak na babae ng mga magulang na nasa langit, at, bilang gayon, bawat isa ay may katangian at tadhana na tulad ng sa Diyos” (Ensign o Liahona, Nob. 2010, 129).

Tinalakay ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng tingnan ang ating sarili una sa lahat bilang espirituwal na mga anak ng Diyos:

“Mag-ingat kung paano ninyo ilalarawan ang inyong sarili. Huwag ninyong ilarawan o tukuyin ang inyong sarili sa mga katangiang pansamantala lamang. Ang kaisa-isang katangiang dapat maglarawan sa atin ay na tayo ay anak na lalaki o babae ng Diyos. Ang katotohanang iyan ay nakahihigit sa lahat ng iba pang katangian, pati na sa lahi, trabaho, pisikal na katangian, karangalan, o kahit sa kinaanibang relihiyon. …

“Tayo ay may kalayaan, at maaari nating piliin ang anumang katangian na maglalarawan sa atin. Ngunit kailangan nating malaman na kapag pinipili nating ilarawan o ipakilala ang ating sarili sa pamamagitan ng ilang katangiang pansamantala lamang o di-gaanong mahalaga sa kawalang-hanggan, hindi natin nabibigyang-diin ang pinakamahalaga tungkol sa atin, at labis nating nabibigyang-diin ang di-gaanong mahalaga. Maaari tayo nitong akayin sa maling landas at hadlangan ang ating walang-hanggang pag-unlad” (“Be Wise” [Brigham Young University–Idaho devotional, Nob. 7, 2006], byui.edu).

Pagpapahusay ng Ating Pagtuturo

Anyayahan ang mga kabataan na makibahagi sa lesson mo. Kung nagtuturo ka ng mga kabataan, alalahanin na madalas nilang nauunawaan ang mga pinagdaraanan ng mga kaedad nila. Kapag nagpapatotoo o nagtuturo ng doktrina ang isang kabataan, maaaring maantig ang iba pang mga kabataan sa paraang hindi mo makakayang gayahin. Bigyan ang mga kabataan ng mga pagkakataong turuan ang isa’t isa. (Tingnan sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 28.)

Print