Mga Tanong sa Cornerstone Course
Mga Tagubilin sa Titser
Ang Pagbutihin ang Learning Experience na ito ay para sa mga institute student na kumukuha ng Cornerstone course. Ang learning experience na ito ay binubuo ng isang set ng mga tanong na mahalagang gabay sa mga itinakdang babasahin at partisipasyon sa klase. Ang sagot ng mga estudyante ay hindi kailangang mahaba, ngunit dapat makita dito ang buong pagsisikap ng mga estudyante. Sa tulong mo, ang mga estudyante ay inaanyayahang isulat, rebyuhin, baguhin, at isumite ang mga sagot sa mga tanong na ito sa buong panahon ng pagkuha ng kurso. Bagama’t hinihikayat ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga sagot sa labas ng klase, maaari kang magpasiya na mag-ukol ng oras sa klase para gawin ito.
Bagama’t marami sa mga detalye sa pangangasiwa at pag-follow up ang kailangang iakma sa indibiduwal na mga programa, ang sumusunod na mga hakbang ay makakatulong sa iyo at sa iyong mga estudyante na magkaroon ng magandang karanasan.
-
Maghanda: Bago magsimula ang kurso, magtakda ng petsa ng pagrerebyu at ng deadline ng pagsusumite ng mga estudyante ng kanilang mga sagot sa bawat tanong. Maaaring gusto ng ilang instructor na rebyuhin o isumite ang lahat ng mga sagot sa isang araw malapit sa katapusan ng semestre; maaari namang magpasiya ang iba na rebyuhin at isumite ang mga sagot nang paisa-isa sa buong kurso. Tiyaking natalakay mo na ang kailangang materyal ng kurso bago mo atasan ang mga estudyante na sagutin ang mga tanong na may kaugnayan sa materyal na iyon.
-
Magtakda ng malinaw na inaasahan: Sa simula ng kurso, bigyan ang mga estudyante ng kopya ng Pagbutihin ang Learning Experience. Mag-ukol ng ilang minuto para ipaliwanag nang mabuti ang layunin at mga aasahan sa karanasang ito, kabilang na ang mga petsa sa pagrerebyu ng materyal ng kurso at pagsusumite ng mga sagot.
-
Mag-follow up: Sa buong kurso, palaging hikayatin at tulungan ang lahat ng estudyante sa pagkumpleto nila ng Pagbutihin ang Learning Experience bago sumapit ang takdang petsa ng pagsusumite.
-
Magrebyu: Para sa mga araw na nag-iskedyul ka ng rebyu, anyayahan at ipaalala sa mga estudyante na dalhin sa klase ang kanilang mga sagot. Ang layunin ng rebyu ay tulungan ang mga estudyante na suriin ang kanilang mga sagot at ibahagi ang natutuhan nila. Maaaring makinabang ang mga estudyante sa pagrerebyu ng ginawa ng isa’t isa bilang magkakapares o sa maliliit na grupo. Magagawa mong mas maging makabuluhan ang rebyu kapag inanyayahan mo ang mga estudyante na ipaliwanag, ibahagi, at patotohanan ang natutuhan nila (tingnan sa Gospel Teaching and Learning: A Handbook for Teachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], 10). Dapat kang mag-ukol ng 10 hanggang 15 minuto sa bawat tanong sa panahon ng rebyu. Hinihikayat ang mga estudyante na baguhin ang mga sagot nila kung kailangan bago nila isumite ang kanilang mga sagot.
-
Isumite: Sa pagtatapos ng kurso, isinusumite ng mga estudyante ang kanilang mga sagot sa iyo. Nakumpleto ng mga estudyante ang Pagbutihin ang Learning Experience kapag ginawa nila ang lahat, ayon sa ebalwasyon ng titser, para isulat, baguhin, at isumite ang kanilang mga sagot sa lahat ng tanong para sa kurso. Irekord ang mga nagsumite ng kanilang mga sagot sa WISE Gradebook.
Paalala: Tiyakin na ang mga estudyanteng may partikular na mga pangangailangan, kapansanan, o problema sa kalusugan ay mabibigyan ng tulong na kailangan nila para makabahagi sa assessment na ito gaya ng mga kaklase nila. Maaaring kabilang sa mga tulong ang pagbibigay ng malalaking print o audio version ng mga materyal, pagpapahintulot sa mga estudyante na makumpleto ang sagot sa tulong ng iba, pagpayag na sabihin nila ang sagot sa halip na isulat ito, o idikta ang kanilang mga sagot sa isang tagasulat o recorder. Magpunta sa lds.org/topics/disability para makita ang pangkalahatang impormasyon sa pagtulong sa mga taong may kapansanan.
Mga Tagubilin sa Estudyante
Ang Pagbutihin ang Learning Experience ay binubuo ng isang set ng mga tanong na mahalagang gabay sa partisipasyon mo sa klase at pag-aaral mo ng mga takdang babasahin. Ang pagsagot sa mga tanong sa buong panahon ng pagkuha ng kurso ay tutulong sa iyo na palalimin ang iyong pang-unawa at aplikasyon ng ebanghelyo habang pinag-iisipan mo at ibinabahagi ang natutuhan mo. Kumpletuhin ang sumusunod na mga hakbang para sa bawat tanong:
-
Sumulat ng isang maayos na sagot sa bawat tanong gamit ang sarili mong mga salita. Suportahan ng mga talata sa banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta ang mga sagot mo. Tiyakin na ang iyong mga sagot ay naaangkop na ibahagi.
-
Rebyuhin ang mga sagot mo sa pamamagitan ng pagdadala ng mga ito sa klase sa (mga) petsang ibinigay ng iyong titser.
-
Baguhin ang mga sagot mo batay sa mga rebyu, kung kinakailangan.
-
Isumite ang huling sagot mo sa lahat ng tanong bago sumapit ang (mga) petsang ibinigay ng iyong titser.
Ang mga sagot mo ay dapat kumpletuhin sa labas ng klase maliban kung iba ang sinabi ng inyong titser. Kung may partikular kang pangangailangan, kapansanan, o problema sa kalusugan, kausapin ang titser mo para matulungan ka niyang makumpleto ang karanasang ito. Nais ng titser mo na magtagumpay ka sa karanasang ito at handa siyang tulungan ka.