Mga Tanong sa General Elective Course
Mga Tagubilin sa Titser
Ang Pagbutihin ang Learning Experience ay maaaring gamitin sa alinmang institute course na hindi Cornerstone course. Ito ay binubuo ng mga tanong na mahalagang gabay sa mga itinakdang babasahin at partisipasyon sa klase. Ang pag-anyaya at pagtulong sa mga estudyante na pag-aralan, ipamuhay, itala, at ibahagi ang mga alituntunin at doktrina ay makatutulong sa kanila na palakasin ang kanilang patotoo at palalimin ang kanilang pagbabalik-loob o conversion.
Sa iyong paggabay, sasagutan ng mga estudyante ang tatlo sa pitong tanong na matatagpuan sa student instruction sheet. Ang mga sagot ng estudyante ay dapat magmula sa pinag-aralan at ipinamuhay nila sa kurso. Bagama’t ang ilan sa mga detalye sa pangangasiwa ng Pagbutihin ang Learning Experience ay maaaring kailanganing iakma sa klase o sa bawat estudyante, makatutulong ang sumusunod na mga hakbang para maging maganda ang karanasan ninyo ng mga estudyante mo:
-
Maghanda: Bago simulan ang kurso, rebyuhin ang mga tanong at planuhin kung paano pangangasiwaan ang Pagbutihin ang Learning Experience. Maaaring kabilang sa iyong paghahanda ang mga paraan para maipakilala ang mga tanong sa klase at magpaliwanag ng mga inaasahan tungkol sa Pagbutihin ang Learning Experience, tulad ng mga petsa ng pagrerebyu at pagsumite ng mga sagot ng estudyante, inaasahang haba ng mga sagot, at format para sa mga sagot. Inirerekomenda na rebyuhin mo ang bawat isa sa tatlong sagot ng estudyante sa tatlong magkakaibang petsa na pinili mo sa buong kurso.
-
Magtakda ng malinaw na aasahan: Sa simula ng kurso, bigyan ang mga estudyante ng kopya ng mga tanong na matatagpuan sa student instruction sheet. Magbibigay ito ng sapat na oras para pag-aralan, ipamuhay, at itala ng mga estudyante ang mga sagot nila sa mga tanong sa buong semestre. Tulungan silang maunawaan ang layunin ng Pagbutihin ang Learning Experience. Linawin sa kanila ang inaasahan mo sa kanilang mga sagot, pati na ang mga petsa ng pagrerebyu at pagsumite sa mga ito.
-
Mag-follow up: Sa buong kurso, palaging hikayatin at tulungan ang lahat ng estudyante sa pagsagot sa lahat ng tanong sa Pagbutihin ang Learning Experience. Maghanap ng mga paraan para maiugnay ang mga tanong sa kurikulum, o ilangkap ang mga ito sa mga class activity. Maaari mong pasagutan sa mga estudyante ang mga ito sa loob ng klase, sa labas ng klase, o sa dalawang lugar na ito.
-
Rebyuhin at baguhin: Para sa mga araw na nag-iskedyul ka ng rebyu, sabihin at ipaalala sa mga estudyante na dalhin sa klase ang mga sagot nila sa nakatakdang (mga) tanong. Anyayahan sila, sa kanilang pagsagot, na ipaliwanag, ibahagi, at patotohanan ang natutuhan at ipinamuhay nila mula sa kurso. Maaaring makinabang ang mga estudyante sa pagrerebyu ng ginawa ng isa’t isa bilang magkakapares o sa maliliit na grupo. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na baguhin ang mga sagot nila kung kailangan bago nila isumite ang mga ito.
-
Isumite: Kukumpletuhin ng mga estudyante ang Pagbutihin ang Learning Experience sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga sagot sa lahat ng tatlong tanong ayon sa iyong mga inaasahan. Bagama’t maaari kang magbigay ng feedback tungkol sa mga sagot ng mga estudyante, hindi ito sapilitan. Irekord ang impormasyon sa WISE Gradebook para sa mga estudyanteng nagsusumite ng kanilang mga sagot.
Paalala: Tiyakin na ang mga estudyanteng may partikular na mga pangangailangan, kapansanan, o problema sa kalusugan ay mabibigyan ng tulong na kailangan nila para makabahagi sa assessment na ito gaya ng mga kaklase nila. Maaaring kabilang sa mga tulong ang pagbibigay ng malalaking print o audio version ng mga materyal, pagpapahintulot sa mga estudyante na makumpleto ang sagot sa tulong ng iba, pagpayag na sabihin nila ang sagot sa halip na isulat ito, o idikta ang kanilang mga sagot sa isang tagasulat o recorder. Magpunta sa lds.org/topics/disability para makita ang pangkalahatang impormasyon sa pagtulong sa mga taong may kapansanan.
Mga Tagubilin sa Estudyante
Ang Pagbutihin ang Learning Experience ay binubuo ng mga tanong na mahalagang gabay sa partisipasyon mo sa klase at pag-aaral mo ng mga takdang babasahin. Ang pagsagot mo sa mga tanong na ito sa buong panahon ng pagkuha mo ng kurso na pinag-aaralan, ipinamumuhay, itinatala, at ibinabahagi ang mga alituntunin at doktrina ay magpapalakas sa iyong patotoo at magpapalalim ng iyong pagbabalik-loob o conversion sa ebanghelyo ni Jesucristo.
Batay sa doktrina, mga alituntunin, at impormasyon na pinag-aralan at ipinamuhay mo sa kursong ito, sagutan ang TATLO sa pitong tanong na ito. (Ang inyong titser ay maaaring magbigay ng partikular na mga tanong.) Isaisip ang mga mungkahi sa ibaba sa bahaging may pamagat na “Sagot” habang iniisip mo ang isasagot mo. Maghandang ibahagi ang napag-aralan at ipinamuhay mo sa pamamagitan ng pagdadala ng mga sagot mo sa klase sa mga araw ng rebyu na itinakda ng inyong titser.
Mga Tanong
-
Paano mo higit na nakilala ang iyong Ama sa Langit?
-
Ano ang nakatulong sa iyo para lalo mong maunawaan at asahan si Jesucristo at ang Kanyang Pagbabayad-sala?
-
Paano lumago ang iyong patotoo tungkol sa Panunumbalik ng ebanghelyo?
-
Ano ang nakatulong para lalo kang maging karapat-dapat sa mga pagpapala ng templo?
-
Aling mga katotohanan mula sa kursong ito ang nagpala sa buhay mo?
-
Paano mo napalakas ang patotoo mo tungkol sa __________? (Ibibigay ng titser ang alituntunin o doktrina para sa tanong na ito.)
-
Paano bumuti ang buhay mo dahil sa napalalim mo ang iyong pang-unawa sa __________? (Pumili ng ISA sa sumusunod na mga paksa ng doktrina.)
-
Ang Panguluhang Diyos
-
Ang Plano ng Kaligtasan
-
Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo
-
Ang Panunumbalik
-
Mga Propeta at Paghahayag
-
Ang Priesthood at mga Susi ng Priesthood
-
Mga Ordenansa at mga Tipan
-
Pag-aasawa at Pamilya
-
Mga Kautusan
-
Sagot
Isiping isama ang sumusunod sa bawat sagot:
-
Tumukoy ng isang doktrina na naging mas makahulugan sa iyo sa iyong pakikibahagi sa kursong ito.
-
Ipaliwanag ang doktrina gamit ang sarili mong mga salita, mga talata sa banal na kasulatan, o mga salita ng mga buhay na propeta.
-
Magbahagi ng isang karanasan kung saan nadama mo kamakailan ang kapangyarihan ng doktrina sa buhay mo.
-
Ibahagi kung paano napalalim ng karanasan mo ang paniniwala mo sa ebanghelyo ni Cristo.
Paalala: Kung may partikular kang pangangailangan, kapansanan, o problema sa kalusugan, kausapin ang titser mo para matulungan ka niyang makumpleto ang karanasang ito.