Institute
Mga Gabay sa Personal na Proyekto sa Pagkatuto


Mga Gabay sa Personal na Proyekto sa Pagkatuto

estudyanteng nagbabasa ng banal na kasulatan

Magmungkahi at magsagawa ng isang personal na proyekto sa pagkatuto, na inaprubahan ng iyong titser, kung saan mapapalalim mo ang iyong pagkaunawa sa mga nilalaman ng kurso, maipamumuhay mo ang mga doktrina at mga alituntunin sa kurso, at mapapalakas mo ang iyong pananampalataya kay Jesucristo. Maaaring kabilang sa mga personal na proyekto sa pagkatuto ang:

  • Pag-aaral ng isang paksa ng ebanghelyo mula sa kurso na interesado ka.

  • Pagtukoy ng isang sitwasyon sa tunay na buhay at pagsasabuhay ng mga nilalaman ng kurso sa isang case study.

  • Paglikha ng mga sanggunian (hal., social media, graphic art, musika, at iba pa) na batay sa nilalaman ng kurso na may halaga para sa iba.

Ilang halimbawa lamang ang mga ito ng maaari mong gawin. Upang makumpleto ang mga hinihiling ng kurso, ang proyekto ay dapat:

  • Inaprubahan ng iyong titser.

  • May kaugnayan sa mga nilalaman ng kurso at may kasamang personal na pagsasabuhay.

  • Mayroong report tungkol sa ginawa mo at ang kahalagahan nito sa iyo at sa ibang tao.

Mapanalanging pag-isipan ang isang proyektong magiging makabuluhan sa iyo. Para sa mga ideya tungkol sa proyekto, maaari kang makipagtalakayan sa iyong mga kaklase, titser, kapamilya, o priesthood leader. Kung may tanong ka tungkol sa kaangkupan ng isang proyekto, kausapin ang iyong titser.