Teachings and Doctrine of the Book of Mormon (Religion 275)
Mga Tanong
-
Ano ang papel ng Aklat ni Mormon sa iyong buhay?
Dapat kasama sa sagot mo ang:
-
Mga pangunahing layunin ng Aklat ni Mormon at ang papel nito sa pagpapatibay ng katotohanan.
-
Ang ipinangakong mga pagpapala sa mga taong mag-aaral ng Aklat ni Mormon.
-
Bakit mahalagang maunawaan ang banal na pinagmulan ng Aklat ni Mormon.
-
Mga pagpapalang nakita mo, nadama, o naranasan sa pag-aaral mo ng Aklat ni Mormon sa kursong ito.
-
Paano huhusay ang iyong pag-aaral at pamumuhay ng mga aral ng Aklat ni Mormon, batay sa karanasan mo sa kursong ito.
-
-
Ayon sa Aklat ni Mormon, paano ginawang posible ni Cristo na matamo mo ang kadakilaan?
Dapat kasama sa sagot mo ang:
-
Isang paliwanag tungkol sa doktrina ni Cristo at mga ipinangakong pagpapala sa mga taong sumusunod dito.
-
Paano nadaig ni Cristo ang espirituwal at pisikal na mga balakid para sa bawat isa sa atin.
-
Paano lumago ang iyong pagpapahalaga at katapatan kay Jesucristo sa kursong ito.
-
Ano ang ginagawa mo para ipakita na tinatanggap mo si Jesucristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas.
-
-
Anong mga katotohanan sa Aklat ni Mormon ang nagkaroon ng impluwensya sa iyo?
Maaari mong gawing batayan o ikonekta ang mga ideya mula sa iyong naunang mga sagot o magsulat tungkol sa isang bagong paksa.
-
Maglista ng tatlo o limang alituntunin o doktrina mula sa Aklat ni Mormon na natutuhan mo o naging makahulugan sa iyo dahil sa partisipasyon mo sa kursong ito.
-
Mula sa iyong listahan, pumili ng isang alituntunin o doktrina at ipaliwanag itong mabuti, gamit ang mga halimbawa mula sa mga banal na kasulatan at mga salita ng mga propeta.
-
Ibahagi kung bakit mahalaga sa iyo ang alituntunin o doktrinang ito at paano ka kikilos ayon dito.
-
Isulat ang iyong patotoo tungkol sa natutuhan mo sa pag-aaral mo ng Aklat ni Mormon sa kursong ito.
-
Mahahalagang Punto ng Doktrina
Ang sumusunod na impormasyon ay tinipon gamit ang mahahalagang punto na nasa mga lesson para sa kursong ito. Ang mga numero na nasa mga panaklong na kasunod ng mga sipi o quotation ay nagsasaad ng lesson number sa Teachings and Doctrine of the Book of Mormon Teacher Manual (2015) kung saan matatagpuan ang pahayag. Ikumpara ang iyong sagot sa impormasyon na nasa ibaba. Kung mayroong mahalagang punto ng doktrina mula sa rebyu na ito na hindi mo isinama sa iyong sagot, isiping baguhin ang iyong sagot bago ito isumite. Hindi mo kailangang kopyahin ang bawat salita ng impormasyong ito sa iyong sagot; tiyakin lamang na nauunawaan mo ang mga doktrinang ito at naipapahayag mo ang pang-unawang ito. Dahil ang ika-3 tanong ay nangangailangan ng mas personal na sagot, walang mga pangunahing punto para sa tanong na iyon.
-
Ano ang papel ng Aklat ni Mormon sa iyong buhay?
Ang pangunahing mga layunin ng Aklat ni Mormon at ang papel nito sa pagpapatibay ng katotohanan:
-
“Inilabas ng Diyos ang Aklat ni Mormon sa mga huling araw para kumbinsihin ang lahat ng tao na si Jesus ang Cristo” (1).
-
“Ang Aklat ni Mormon ay naglalaman ng kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo” (6).
-
“Ang Biblia at ang Aklat ni Mormon ay magkasamang nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo” (7).
Ipinangakong mga pagpapala sa mga taong nag-aaral ng Aklat ni Mormon:
-
“Ang mga turo ng Aklat ni Mormon ay napakahalaga sa atin ngayon dahil batid ng mga manunulat nito noon ang mga problemang makakaharap natin” (6).
-
“Habang pinag-aaralan natin ang Aklat ni Mormon at ipinamumuhay ang mga turo nito, pinalalakas tayo laban sa diyablo at mga maling turo at konsepto ng ating panahon” (11).
-
-
Ayon sa Aklat ni Mormon, paano ginawang posible ni Cristo na matamo mo ang kadakilaan?
Isang paliwanag tungkol sa doktrina ni Cristo at mga ipinangakong pagpapala sa mga taong sumusunod dito:
-
“Sa paglapit natin kay Cristo at pagsunod sa mga kautusan, tayo ay mas nagiging katulad Niya at ng ating Ama sa Langit, at tayo ay maliligtas” (3).
-
“Kapag namumuhay tayo ayon sa doktrina ni Cristo, makakamit natin ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala at tatanggap ng buhay na walang hanggan” (8).
-
“Upang matanggap ang maawaing mga pagpapala ng pagpapatawad, kailangan tayong manampalataya kay Jesucristo tungo sa pagsisisi” (16).
Paano nadaig ni Cristo ang espirituwal at pisikal na mga balakid para sa bawat isa sa atin:
-
“Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, nadaig ni Jesucristo ang mga epekto ng pisikal at espirituwal na kamatayan” (5).
-
“Pinasan ng Tagapagligtas ang ating mga pasakit, karamdaman, at kapansanan upang matulungan Niya tayo kapag nahaharap tayo sa mga hamon ng mortalidad” (5).
-
“Dahil nakalag ni Jesucristo ang mga gapos ng kamatayan, bawat isa sa atin ay mabubuhay na mag-uli at tatanggap ng imortal na katawan” (18).
-