Pambungad sa Pagbutihin ang Learning Experience sa Institute
I-klik dito para i-download ang PDF ng manwal na ito.
Ang layunin ng Pagbutihin ang Learning Experience (PLE) ay bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na magkaroon ng mga makabuluhang karanasan sa salita ng Diyos. Malamang na makamit ito ng mga estudyante kapag mas lubusan nilang nauunawaan, naipamumuhay, at naibabahagi ang mga turo ni Jesucristo. Ang pagkumpleto sa isa sa tatlong sumusunod na pagpipilian sa PLE ay kailangan para makatanggap ng credit sa bawat kurso:
-
Mga Tanong sa Pagbutihin ang Learning Experience: Pinag-iisipan at sinasagot ng mga estudyante ang mga tanong sa pag-aaral sa buong kurso. May partikular na mga tanong para sa bawat isa sa apat na mga Cornerstone class, gayundin sa lahat ng iba pang mga general elective course. Ang mga link sa mga tanong sa pag-aaral ay nasa ibaba.
The Eternal Family (Religion 200)
Foundations of the Restoration (Religion 225)
Jesus Christ and the Everlasting Gospel (Religion 250)
-
Course study journal: Regular na isinusulat ng mga estudyante ang natututuhan nila, kung paano nila ipinamumuhay ito, at paano pinatatatag ng kanilang mga karanasan ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo.
-
Personal na proyekto sa pagkatuto: Pinaplano at kinukumpleto ng mga estudyante ang isang personal na proyekto sa pagkatuto na inaprubahan ng kanilang titser. Ipinakikita ng proyekto ang pagkatuto at aplikasyon ng mga doktrina at alituntuning binanggit sa kurso at ibinibuod kung paano napatatag ang pananampalataya ng estudyante kay Jesucristo.
Para sa training kung paano gamitin ang Pagbutihin ang Learning Experience, panoorin ang video na “How to Use the Elevate Learning Experience” (LDS.org).
Makikinabang nang husto ang mga estudyante mula sa karanasang ito kung sisimulan nila ito nang maaga, palaging gagawin ito, hihingi ng feedback, at ibabahagi ang kanilang mga karanasan sa kanilang pamilya at mga kaibigan, personal man o sa social media. Maaaring maglaan ng oras sa klase para mabigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na ipaliwanag, ibahagi, at patotohanan ang natutuhan nila tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo. Pagkatapos ng bawat klase, maaaring dagdagan o baguhin ng mga estudyante ang kanilang personal na mga proyekto sa pagkatuto para ipakita ang kanilang sariling pang-unawa at aplikasyon ng mga tinalakay na alituntunin ng ebanghelyo.
Ang karagdagang impormasyon ay matatagpuan sa Mga Madalas Itanong (FAQ) tungkol sa Pagbutihin ang mga Learning Experience para sa Institute.
Ipadala lamang ang feedback sa la-feedback@ChurchofJesusChrist.org.