Institute
The Eternal Family (Religion 200)


The Eternal Family (Religion 200)

Larawan
pamilya sa templo

Mga Tanong

  1. Bakit ang pamilya ang sentro sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit?

    Dapat kasama sa sagot mo ang:

    • Deskripsyon ng pangunahing layunin ng plano ng kaligtasan.

    • Paliwanag kung paano makatutulong ang mabubuting pamilya na isakatuparan ang mga layuning iyon sa buong kawalang-hanggan.

    • Paliwanag kung bakit mahalaga ang doktrina ng pamilya sa iyo at sa iyong walang-hanggang pag-unlad.

    • Paliwanag kung paano nakaapekto sa mga pagpili mo sa buhay ang iyong pagkaunawa sa ginagampanang papel ng pamilya sa plano ng kaligtasan.

  2. Ano ang mga pamantayan ng Panginoon sa kasal?

    Dapat kasama sa sagot mo ang paliwanag tungkol sa:

    • Banal na papel at mga responsibilidad ng mga mag-asawa at mga magulang.

    • Papel na ginagampanan ng Tagapagligtas sa kasal at pamilya.

    • Mga batas na sumasaklaw sa kalinisang-puri at katapatan sa pagsasama ng mag-asawa at ang walang-hanggang katangian ng mga batas na iyon.

    • Mga paraan na maipamumuhay mo ang mga alituntuning ito upang makapaghanda para sa o mapagbuti mo pa ang pagsasama ninyong mag-asawa at ng pamilya.

  3. Paano nagkaroon ng positibong epekto ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” (Ensign o Liahona, Nob. 2010, 129) sa iyong buhay sa kabuuan ng kursong ito?

    Maaari mong gawing batayan o ikonekta ang mga ideya mula sa iyong naunang mga sagot o magsulat tungkol sa isang bagong paksa. Dapat kasama sa sagot mo ang:

    • Paliwanag tungkol sa isang partikular na alituntunin o doktrina mula sa paghahayag ng pamilya, na may kasamang paliwanag gamit ang mga banal na kasulatan o mga salita ng mga propeta sa mga huling araw.

    • Isang halimbawa kung paanong ang pagsunod sa payo ng mga propeta ay nakatulong para mas maunawaan mo ang alituntunin o doktrinang pinili mo.

    • Mga halimbawa ng mga pagpapalang natanggap mo o ng ibang tao sa pakikinig sa payo na nasa paghahayag tungkol sa mag-anak.

    • Deskripsyon ng gagawin mo para mas lalong mamuhay nang naaayon sa alituntunin o doktrinang pinili mo.

Mahahalagang Punto ng Doktrina

Ang sumusunod na impormasyon ay tinipon gamit ang mahahalagang punto na nasa mga lesson para sa kursong ito. Ang mga numero na nasa mga panaklong na kasunod ng mga sipi o quotation ay nagsasaad ng lesson number sa The Eternal Family Teacher Manual (2015) kung saan matatagpuan ang pahayag. Ikumpara ang iyong sagot sa impormasyon na nasa ibaba. Kung mayroong mahalagang punto ng doktrina mula sa rebyu na ito na hindi mo isinama sa iyong sagot, isiping baguhin ang iyong sagot bago ito isumite. Hindi mo kailangang kopyahin ang bawat salita ng impormasyong ito sa iyong sagot; tiyakin lamang na nauunawaan mo ang mga doktrinang ito at naipapahayag mo ang pang-unawang ito. Dahil ang ika-3 tanong ay nangangailangan ng mas personal na sagot, walang mga pangunahing punto para sa tanong na iyon.

  1. Bakit ang pamilya ang sentro sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit?

    Ang mga pangunahing layunin ng plano ng kaligtasan ay:

    • “Ang plano ng Ama sa Langit ay nagbibigay daan para maging katulad tayo ng ating mga Magulang sa Langit” (3).

    • “Ang daigdig ay nilikha para tumulong na maisakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay na walang-hanggan ng tao” (4).

    Paano nakatutulong ang mabubuting pamilya na maisakatuparan ang mga layuning iyon sa buong kawalang-hanggan:

    • “Ang mag-anak ay napakahalagang bahagi sa plano ng Diyos para sa buhay bago ang buhay na ito, sa buhay na mortal, at sa buhay na walang-hanggan” (6).

    • “Dahil sa Pagkahulog, sina Eva at Adan ay maaaring magkaroon ng mga anak at ang kanilang inapo ay maaaring sumulong tungo sa buhay na walang hanggan” (4).

    • “Taglay ang katawang pisikal, nararanasan natin ang mga kondisyon ng mortalidad na makapaghahanda sa atin sa kawalang-hanggan” (5).

    • “Sa pagpasok natin sa bago at walang hanggang tipan ng kasal, maaari tayong dakilain sa pinakamataas na antas ng kahariang selestiyal” (15).

  2. Ano ang mga pamantayan ng Panginoon sa kasal?

    Ang banal na papel at responsibilidad ng mga mag-asawa at mga magulang:

    • “Ang mag-asawa ay may banal na tungkuling mahalin at kalingain ang bawat isa” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” 129).

    • “Kapag ang mag-asawa ay nagluwal ng anak sa mundo, tinutupad nila ang isang bahagi ng plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit” (17).

    • “Ang mga magulang ay inutusang turuan ang kanilang mga anak na mahalin at paglingkuran ang bawat isa, na sundin ang mga kautusan ng Diyos, at maging mabubuting mamamayan” (22).

    Ang papel na ginagampanan ng Tagapagligtas sa kasal at pamilya:

    • “Ginawang posible ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo na matanggap natin ang lahat ng ipinangakong mga pagpapala ng ating Ama sa Langit” (24).

    • “Kapag itinayo ng mga pamilya ang kanilang pundasyon kay Jesucristo, si Satanas ay hindi magkakaroon ng kapangyarihan na sirain sila” (19).

    Mga batas na sumasaklaw sa kalinisang-puri at katapatan sa kasal at ang walang hanggang katangian ng mga batas na iyon:

    • “Ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae ay inorden ng Diyos” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” 129).

    • “Iniutos ng Diyos na ang banal na kapangyarihang lumikha ng bata ay nararapat lamang gawin ng lalaki at babae na ikinasal bilang mag-asawa ayon sa batas” (“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” 129) (16).

    • “Ang mga pagbabago sa batas sibil ay hindi magpapabago, at tunay na hindi nito kayang baguhin, ang batas na moral na itinakda ng Diyos. Umaasa ang Diyos na itataguyod at susundin natin ang Kanyang mga kautusan anuman ang magkakaibang opinyon o kalakaran sa lipunan” (sinipi sa Gospel Topics, “Same-Sex Marriage,” lds.org/topics) (7).

Print