Foundations of the Restoration (Religion 225)
Mga Tanong
-
Paano ko makikilala ang katotohanan laban sa kamalian?
Dapat kasama sa sagot mo ang:
-
Ginagampanang papel ng mga banal na kasulatan, ng mga salita ng mga makabagong propeta, at ng Espiritu Santo sa pagpapatibay ng katotohanan.
-
Paano ka matutulungan ng pag-aaral, pananampalataya, at panalangin na malaman ang katotohanan.
-
Paano hanapin, suriin, at gamitin ang mapagkakatiwalaang mga sanggunian sa kasaysayan ng Simbahan at ang inihayag na doktrina nito.
-
Paano mo maipamumuhay ang mga alituntuning natutuhan mo sa pagkilala ng katotohanan laban sa kamalian sa pagharap mo o ng isang taong kakilala mo sa isang desisyon, hamon, o problema.
-
-
Bakit mahalaga na maunawaan ko na si “Joseph Smith … ay nakagawa nang higit pa, maliban lamang kay Jesus, para sa kaligtasan ng mga tao sa daigdig na ito, kaysa sa sinumang tao na kailanman ay nabuhay rito”? (D at T 135:3).
Dapat kasama sa sagot mo ang:
-
Ang papel na ginagampanan ng Unang Pangitain sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo at sa pagbubukas ng dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon.
-
Kung paano napagpala ang buhay mo ng ipinanumbalik na katotohanan sa pamamagitan ni Joseph Smith.
-
Kung paano napagpala ang buhay mo ng mga susi ng priesthood o ng nakapagliligtas na mga ordenansang ipinanumbalik sa pamamagitan ni Joseph Smith.
-
Kung paano ka mas inilapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ng papel na ginampanan ni Joseph Smith sa Pagpapanumbalik.
-
-
Paano napagpala ng isa sa mga sumusunod na mahahalagang pangyayari o doktrina ng Pagpapanumbalik ang buhay mo?
a) Ang paglabas ng Aklat ni Mormon, b) mahahalagang bahagi at doktrina sa Doktrina at mga Tipan, c) ang inihayag na organisasyon ng Simbahan, d) ang panunumbalik ng priesthood, e) mga templo at gawain sa templo. Dapat kasama sa sagot mo ang:
-
Natutuhan mo tungkol sa pangyayari o doktrinang ito mula sa partisipasyon mo sa kursong ito.
-
Paano ipinakikita ng pangyayari o doktrinang ito na bukas ang kalangitan.
-
Paano napagpala ng pangyayari o doktrinang ito ang iyong buhay o bakit mahalaga ito sa iyong personal na buhay.
-
Ang iyong patotoo sa natutuhan mo tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo.
-
Mahahalagang Punto ng Doktrina
Ang sumusunod na impormasyon ay tinipon gamit ang mahahalagang punto na nasa mga lesson para sa kursong ito. Ang mga numero na nasa mga panaklong na kasunod ng mga sipi o quotation ay nagsasaad ng lesson number sa Foundations of the Restoration Teacher Manual (2015) kung saan matatagpuan ang pahayag. Ikumpara ang iyong sagot sa impormasyon na nasa ibaba. Kung mayroong mahalagang punto ng doktrina mula sa rebyu na ito na hindi mo isinama sa iyong sagot, isiping baguhin ang iyong sagot bago ito isumite. Hindi mo kailangang kopyahin ang bawat salita ng impormasyong ito sa iyong sagot; tiyakin lamang na nauunawaan mo ang mga doktrinang ito at naipapahayag mo ang pang-unawang ito. Dahil ang ika-3 tanong ay nangangailangan ng mas personal na sagot, walang mga pangunahing punto para sa tanong na iyon.
-
Paano ko makikilala ang katotohanan laban sa kamalian?
Ang papel na ginagampanan ng mga banal na kasulatan, mga salita ng mga propeta ngayon, at inspirasyon mula sa Espiritu Santo sa pagpapatibay ng katotohanan:
-
Bilang kasama ng Biblia, “ang Aklat ni Mormon at ang Doktrina at mga Tipan ay inilabas para sa kaligtasan ng sanlibutan” (22).
-
“Matutulungan tayo ng Espiritu Santo na malaman na ang mga bagay na binabasa natin ay totoo” (10).
-
“Kung pakikinggan natin ang mga salita ng propeta, poprotektahan tayo laban sa kaaway” (9).
-
Kapag ang mga lingkod ng Panginoon ay nagsasalita sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, ang kanilang mga salita ay nagpapahayag ng kalooban ng Panginoon” (12).
Paano ka matutulungan ng pag-aaral, pananampalataya, at panalangin na malaman ang katotohanan:
-
“Kapag isinasama natin ang pananampalataya sa proseso ng pagkatuto, nagiging karapat-dapat tayo sa tulong ng Panginoon” (10).
-
“Mahahanap natin ang mga sagot sa pinakamalalaki nating tanong kapag sinusunod natin ang mga kautusan, pinag-aaralan ang wastong pinagmumulan ng impormasyon—lalo na ang mga salita ng nabubuhay na mga propeta—paghahangad ng patnubay sa pamamagitan ng panalangin, at pagtitiyaga at pagsampalataya” (10).
-
“Kapag nahaharap tayo sa mga tanong o pag-aalinlangan tungkol sa ebanghelyo, dapat nating panghawakan ang alam na nating totoo at magtiwala na maaari tayong makahanap ng sagot sa dagdag na pag-aaral o na ihahayag ng Diyos ang sagot sa hinaharap” (4).
Paano hanapin, suriin, at gamitin ang mapagkakatiwalaang sources:
-
“Maaari nating paalalahanan ang taos-pusong nagtatanong na ang impormasyon sa Internet ay walang filter ng ‘katotohanan’. Ang ilang impormasyon, kahit nakakakumbinsi, ay hindi totoo” (10; Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 29).
-
“Para maiwasang malinlang ng mali o nakaliligaw na impormasyon, ang mga naghahanap ng katotohanan ay dapat hanapin ang mapagkakatiwalaang mga mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa Simbahan at sa kasaysayan nito” (2).
-
“Kapag sinimulan nating sukatin ang mga makabagong kaugalian at panukala laban sa nalalaman natin ukol sa plano ng Diyos at sa mga saklaw ng salita ng Diyos at mga turo ng Kanyang nabubuhay na mga propeta, … alam natin na inilalagay tayo nito sa ligtas na lugar sa walang-hanggan” (10; Dallin H. Oaks, “As He Thinketh in His Heart” [An Evening with a General Authority, Peb. 8, 2013], lds.org/broadcasts).
-
-
Bakit mahalaga na maunawaan ko na si “Joseph Smith … ay nakagawa nang higit pa, maliban lamang kay Jesus, para sa kaligtasan ng mga tao sa daigdig na ito, kaysa sa sinumang tao na kailanman ay nabuhay rito”? (D at T 135:3).
Ang papel na ginagampanan ng Unang Pangitain sa Pagpapanumbalik ng ebanghelyo at sa pagbubukas ng dispensasyon ng kaganapan ng mga panahon:
-
“Ang mga walang-hanggang katotohanan ay ipinanumbalik sa lupa nang magpakita ang Ama sa Langit at si Jesucristo kay Joseph Smith” (2).
-
Kapag nagkaroon tayo ng patotoo na nakita ni Joseph Smith ang Diyos Ama at ang Kanyang Anak na si Jesucristo, malalaman din natin ang katotohanan ng Panunumbalik ng ebanghelyo” (2).
-
“Si Joseph Smith ay tinawag ng Diyos upang ipanumbalik ang ebanghelyo para sa ating dispensasyon” (1).
Paano napagpala ang iyong buhay ng isang katotohanang ipinanumbalik sa pamamagitan ni Joseph Smith:
-
“Si Jesucristo ay isang buhay at niluwalhating nilalang. Si Jesucristo ang Bugtong na Anak ng Ama. Si Jesucristo ang Manlilikha ng daigdig na ito at ng iba pang mga daigdig” (13).
-
“Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang tanging totoo at buhay na simbahan sa mundo” (6).
-
“Bilang mga anak ng ating Ama sa Langit, mayroon tayong potensyal na maging katulad Niya” (17).
-
“Sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith, inihayag ng Panginoon ang karagdagang banal na kasulatan na nagpapatunay, naglilinaw, at nagpapalawak sa ating kaalaman hinggil sa katotohanan” (12).
Ang mga susi ng priesthood o nakapagliligtas na mga ordenansa na ipinanumbalik sa pamamagitan ni Joseph Smith at kung paano napagpala ng mga ito ang iyong buhay:
-
Tinanggap ni Joseph Smith “ang mga susi ng gawaing misyonero, walang hanggang mga pamilya, at gawain sa templo” (14).
-
“Bago mabinyagan ang mga indibiduwal, kailangan silang magpakumbaba, magsisi, handang taglayin sa kanilang sarili ang pangalan ni Jesucristo, at maging determinadong maglingkod sa Kanya hanggang sa wakas” (6).
-
“Upang matamo ang pinakamataas na antas ng kaluwalhatian sa kahariang selestiyal, kailangan tayong pumasok sa bago at walang hanggang tipan ng kasal” (19).
-