Stake Presidency
Sinusuportahan ng Master Planning ang Direksyon ng Area Presidency


“Sinusuportahan ng Master Planning ang Direksyon ng Area Presidency,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning (2022)

“Sinusuportahan ng Master Planning ang Direksyon ng Area Presidency,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning

pamilya sa simbahan

Sinusuportahan ng Master Planning ang Direksyon ng Area Presidency

Ang direksyon ng Area Presidency ay tumutulong sa mga priesthood leader na ituon ang mga pagsisikap sa pagpapatatag ng mga pamilya, mga miyembro, at mga unit. Tinatalakay nito ang partikular na mga bagay na tulung-tulong na ginagawa ng mga lider sa nagkakaisang paraan upang maitayo ang kaharian ng Diyos sa lupa.

Sinusuportahan ng pangmatagalang meetinghouse master planning ang direksyon ng Area Presidency na patatagin ang mga pamilya, mga miyembro, at mga unit sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga meetinghouse sa simple at abot-kayang paraan, habang matalinong ginagamit ang mga resource, isinasaalang-alang ang epekto ng mga desisyon ukol sa meetinghouse sa pagpapatatag ng mga miyembro ng Simbahan, at nagbibigay ng espasyo na angkop sa mga lokal na kalagayan. Ito ay binigyang-diin sa tagubilin sa Pangkalahatang Hanbuk:

Ang Simbahan ay nagtatayo ng mga meetinghouse upang ang lahat ng pumapasok dito ay maaaring:

Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 35.1, SimbahanniJesucristo.org

“Upang mapalakas ang Simbahan, ang mga area ay naghahanda ng mga pangmatagalang master plan bago gumawa ng mga desisyon na magdagdag o mag-redeploy ng espasyo ng meetinghouse. … Ang mahahalagang bahagi ng mga planong ito ay kinabibilangan ng paggamit sa kasalukuyang espasyo, tinatayang paglago, mainam na lokasyon ng mga pasilidad, mga pagbabago sa mga hangganan ng unit, at kung ito ay nasa abot-kayang halaga. Ang mga pangangailangan at plano para sa meetinghouse ay isinasaalang-alang sa area at coordinating council level.” (“Mga Alituntunin at Gabay sa Pagpapatatayo ng mga Meetinghouse” [ibinigay kasama ng liham mula sa Presiding Bishopric, Hunyo 5, 2015], 2–3).