Stake Presidency
4. Tukuyin ang Epekto sa mga Meetinghouse


“4. “Tukuyin ang Epekto sa mga Meetinghouse,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning (2022)

“Tukuyin ang Epekto sa mga Meetinghouse,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning

labas ng gusali ng simbahan

4.

Tukuyin ang Epekto sa mga Meetinghouse

Upang masuportahan ang mga pagsisikap ng priesthood sa pagpapatatag sa mga miyembro at sa Simbahan, nirerebyu ng mga tauhan ng DTA ang attendance at mga pagtataya ng mga unit at pumipili sila ng posibleng mga solusyon para sa meetinghouse na makatutugon sa mga pangangailangan sa pangmatagalan. Tulad ng nakabalangkas sa “Mga Alituntunin at Gabay sa Pagpapatatayo ng mga Meetinghouse,” ang mga alituntunin ng master planning ay sinusunod sa lahat ng sitwasyon kung saan kailangan ang isang espasyo para sa pagpupulong, ginagawa man ito ng coordinating council, isang grupo ng mga stake, o ng isang stake.

Kabilang sa mga alituntunin ng master planning ang:

  • Paggawa ng makatotohanang pagtataya ng unit sa hinaharap.

  • Paglalagay ng mga meetinghouse sa mga lugar kung saan ang mga ito ay maaaring gamitin ng maraming miyembro, ngayon at sa hinaharap.

  • Kung posible, paggamit sa mga meetinghouse hanggang sa maabot ang tinukoy na kapasidad ng mga ito.

  • Pagpili sa pinakaangkop na opsiyon na sapat na makatutugon sa pangangailangan para sa bagong meetinghouse.

Dapat isaalang-alang ng mga lider ng priesthood ang sumusunod kapag nagpapasiya kung gaano karaming ward ang gagamit sa isang meetinghouse:

  • Ang mga iskedyul ng mga miting sa araw ng Linggo ay dapat magsimula sa makatwirang oras at matapos sa kalagitnaan ng hapon upang magkaroon ng oras ang lahat ng pamilya na mapag-aralan ang ebanghelyo sa tahanan.

  • Tama lamang ang tagal ng paglalakbay ng mga miyembro papunta sa meetinghouse mula sa kanilang tahanan.

  • Ang mga pagbabago sa meetinghouse, kung kailangan man, ay dapat maliit lamang at mababa ang halaga.

Ang DTA at kanyang mga tauhan ay gumagawa ng mga rekomendasyon ukol sa mga opsiyon para sa pagbibigay ng sapat at angkop na mga lugar para sa pagsamba. Maaaring kabilang sa mga opsiyon na ito ang mga bahay, inuupahang lugar, o itinayong meetinghouse. Sinisikap ng mga tauhan ng DTA na makahanap ng mga paraan upang magamit nang lubos ang resources ng Simbahan, nang hindi isinasaalang-alang ang mga hangganan ng stake.

Sa ilalim ng pamamahala ng Area Seventy, ang DTA at kanyang mga tauhan ay nagbibigay ng mga rekomendasyon ukol sa meetinghouse sa mga priesthood leader, at nakikipagtulungan sa kanila upang malutas ang mga problema, at gumagawa ng isang final meetinghouse proposal na isasama sa master plan.