“7. “Ipatupad ang Meetinghouse Annual Plan,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning (2022)
“Ipatupad ang Meetinghouse Annual Plan,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning
7.
Ipatupad ang Meetinghouse Annual Plan
Ang DTA at kanyang mga tauhan ay humihingi ng pag-apruba para sa pondo na kailangan para sa anumang proyekto sa meetinghouse na nagmumula sa mga master plan sa pamamagitan ng pagsama sa mga ito sa meetinghouse annual plan. Upang magawa ito, kinukumpirma muna nila ang mga pagtataya at mga pangangailangan sa meetinghouse na tinukoy sa master plan at isinasama ang kaugnay na mga gastos sa annual plan.
Ang meetinghouse annual plan ay isinusumite sa Area Presidency at pagkatapos ay nirerebyu ng Presiding Bishopric.
Ang huling pag-apruba ay ibinibigay ng Budget and Appropriations Committee at ng Council on the Disposition of the Tithes.
Ang mga tauhan ng DTA ang nagpapasimula at kumukumpleto sa mga proyektong ito. Sila ay nakikipag-ugnayan sa mga priesthood leader kung kailangan upang abisuhan sila tungkol sa status ng mga proyekto sa meetinghouse na nasa plano.