Stake Presidency
Buod ng Master Planning


“Buod ng Master Planning,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning (2022)

“Buod ng Master Planning,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning

pamilyang nakangiti

Buod ng Master Planning

Ang Area Seventy ang namamahala sa mga pagsisikap para sa master planning sa area. Ang mga pagsisikap na ito ay ginagawa sa coordinating council o multistake level. Inaatasan ng Area Presidency ang isang Area Seventy na pamahalaan ang pagbuo ng isang master plan sa pakikipagtulungan sa director for temporal affairs (DTA) at kanyang mga tauhan.

Ang pagsasagawa ng master planning sa coordinating council o multistake level ay pinakamainam para sa mga lugar kung saan mabilis na lumalago ang Simbahan, kung saan mayroong oportunidad na pagsamahin ang mga espasyo ng meetinghouse, o kung saan mayroong napakaraming miyembro sa isang maliit na lugar.

Ang Area Seventy at ang DTA at kanyang mga tauhan ay nakikipagtulugan sa mga lokal na priesthood leader upang makalikha at magpatupad ng isang pangmatagalang master plan (limang taon pataas).

mga lalaking nakaupo sa isang miting

Karaniwan nila itong ginagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito:

  1. Ang Area Seventy ay nagdaraos ng isang coordinating council o multistake meeting upang talakayin ang doktrina, mga alituntunin at mga gabay, at mga estadistika ng stake.

  2. Ang DTA at kanyang mga tauhan ay nakikipagtulungan sa mga stake president sa pagtataya ng paglago at pagtukoy sa mga kalakaran sa hinaharap.

  3. Tinutukoy ng mga stake president ang anumang pagbabago sa mga hangganan na kinakailangan upang mapatatag ang mga pamilya, mga miyembro, at mga unit.

  4. Tinutukoy ng mga tauhan ng DTA ang mga solusyon para sa meetinghouse na may kakayahang suportahan ang mga priesthood plan.

  5. Tinatapos ng Area Seventy, mga stake president, at ng DTA at kanyang mga tauhan ang master plan. Ang DTA, kasama ang Area Seventy kung posible, ay ipakikita ang master plan sa Area Presidency para sa kanilang pag-apruba.

    Pagkatapos aprubahan ng Area Presidency, isusumite ng DTA ang master plan sa Meetinghouse Facilities Department para marebyu at maaprubahan.

  6. Ang mga stake president ay nagsusumite ng mga natukoy na pagbabago sa mga hangganan.

  7. Inihahanda ng mga tauhan ng DTA ang mga proyekto na isasama sa meetinghouse annual plan.

  8. Regular na ina-update ng Area Seventy, mga stake president, at ng DTA at kanyang mga tauhan ang plano kung kinakailangan.