Stake Presidency
2. Pagtataya ng Paglago at Pagtukoy sa mga Kalakaran


“2. Pagtataya ng Paglago at Pagtukoy sa mga Kalakaran,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning (2022)

“Pagtataya ng Paglago at Pagtukoy sa mga Kalakaran,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning

pamilyang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

2.

Pagtataya ng Paglago at Pagtukoy sa mga Kalakaran

Ang DTA at kanyang mga tauhan ay nakikipagtulungang mabuti sa mga priesthood leader para makapagbigay ng estadistika at makapagtaya ng kabuuang bilang ng mga miyembro at attendance sa hinaharap. Ang mga priesthood leader ay makatutulong na mapabuti ang katumpakan ng mga pagtatayang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa kanilang mga ecclesiastical plan at mga pagsisikap at mga kaugnay na impormasyon na maaari lamang makuha sa local level.

Ang master planning ay mas epektbo kung ang lahat ay nagtutulungan upang makalikha ng makatotohanang pagtataya at kapag malinaw sa mga priesthood leader kung ilang ward, branch, at stake ang lilikhain o hindi na ipagpapatuloy sa loob ng limang taon na sakop ng plano.