“6. “Isumite ang mga Pagbabago sa Unit at mga Hangganan,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning (2022)
“Isumite ang mga Pagbabago sa Unit at mga Hangganan,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning
6.
Isumite ang mga Pagbabago sa Unit at mga Hangganan
Ang anumang kahilingan para sa pagbabago ng mga unit at mga hangganan na kinakailangan para maipatupad ang master plan ay isinusumite ng stake president sa pamamagitan ng paper application form o ng online boundary leadership tool sa Leader and Clerk Resources (LCR). Ang Pangkalahatang Hanbuk, bahagi 36 ay naglalaman ng mga tuntuning inaprubahan ng Unang Panguluhan para sa pangangasiwa ng mga pagbabago sa mga hangganan. Dapat maingat na rebyuhin ng mga lider ang mga tuntuning ito bago bumuo at magsumite ng mga pagbabago, habang isinasaisip na ang pangunahing layunin ng mga pagbabagong ito ay ang patatagin ang Simbahan at ang mga miyembro nito.
Ang mga pagbabago sa mga hangganan ng unit ay kadalasang maaaring makagambala sa mga gawi at pagkakaibigan na nakasanayan na ng mga miyembro sa loob ng mahabang panahon. Habang ang mga kahilingan para matugunan ang pagdami ng mga miyembro ay magandang bahagi ng lumalagong Simbahan, ang mga mungkahi sa pagbabago ng mga hangganan ay hindi dapat isumite para tugunan ang mga pangangailangan o sitwasyon na maaaring matugunan sa pamamagitan ng mas mabisang pagtuturo at ministering sa mga lokal na priesthood leader at mga miyembro.
Bagama’t ang proseso ng pagpaplano ay nakatuon sa hinaharap, ang mga kahilingan sa Boundary and Leadership Change Committee ay dapat nakabatay sa kasalukuyang sitwasyon ng mga unit ng Simbahan na kabilang dito. Maaaring kabilang sa mga kahilingan para sa pagbabago ang pagsasaalang-alang sa mga sumusunod:
-
Pagpapatatag sa mga kabataan, pagbawas sa mga pasaning dulot ng mga gastusin sa paglalakbay, pagpaparami ng mga oportunidad na gawin ang gawaing misyonero, at pagtugon sa mga pangangailangan ng matatandang miyembro.
-
Mga karagdagang sitwasyon tulad ng mapanganib na mga kalagayan, matatandang mayhawak ng priesthood na hindi na makapaglilingkod nang mabuti, ang epekto ng malalaking apartment complex (mga kahilingan para sa mga noncontiguous boundary o mga hangganan na hindi magkarugtong), at gayun din ang malalaking unit at sitwasyon sa paglalakbay.
Mangyaring magbigay ng sapat na impormasyon na nagdedetalye sa pangangailangang baguhin ang mga unit, tulad ng mga dahilan sa paglipat ng tirahan ng mga miyembro, pagkawala ng mga priesthood leader, at mga hindi pagkakasudo ng mga miyembro. Mangyaring banggitin kung anong mga pagsisikap ang ginawa na ng mga lokal ng priesthood leader upang matugunan ang mga problemang ito sa pamamagitan ng training, pagtuturo ng doktrina, at ministering.
Ang lahat ng mga mungkahi ay dapat lubos na ineendorso ng mga president ng lahat ng stake at mission na maaapektuhan ng mga iminungkahing pagbabago.