“3. “Tukuyin ang mga Kinakailangang Pagbabago sa mga Hangganan,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning (2022)
“Tukuyin ang mga Kinakailangang Pagbabago sa mga Hangganan,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning
3.
Tukuyin ang mga Kinakailangang Pagbabago sa mga Hangganan
Ayon sa direksyon ng Area Presidency, maraming stake ang tumukoy at nagpatupad ng mga pagsisikap upang patatagin ang mga lider, mga miyembro, at mga unit. Kapag nagsasagawa ng master planning, maaari ring isaalang-alang ng mga stake president ang pagmumungkahi na baguhin ang mga hangganan upang mapatatag ang mga miyembro ng Simbahan. Ang master planning ay magandang oportunidad upang talakayin at isaalang-alang ang mga pagbabagong magiging kapaki-pakinabang sa maraming stake na hindi magiging posible kung ang isang stake ay kumikilos lamang nang mag-isa.
Kapag isinasaalang-alang ng mga lider ang pagbabago sa mga hangganan, ang pangunahin nilang pinagtutuunan ng pansin ay ang pagpapatatag sa mga miyembro ng Simbahan at hindi ang epektibong paggamit ng mga meetinghouse. Ang mahahalagang bagay na dapat rebyuhin kapag isinasaalang-alang ang pagbabago ng mga hangganan ay matatagpuan sa bahagi 6, Magsumite ng mga Pagbabago sa mga Unit at mga Hangganan.