“1. Ituro ang Doktrina, mga Alituntunin, at mga Tuntunin,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning (2022)
“Ituro ang Doktrina, mga Alituntunin, at mga Tuntunin,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning
1.
Ituro ang Doktrina, mga Alituntunin, at mga Tuntunin
Sa isang coordinating council meeting kasama ang mga inatasang stake president, nirerebyu ng Area Seventy ang mga direktiba mula sa Area Presidency. Itinuturo din niya ang naaangkop na doktrina at ang “Mga Alituntunin at Gabay sa Pagpaplano para sa Meetinghouse.” Ang mga pangunahing alituntunin ng pag-asa sa sariling kakayahan o self-reliance, paglalaan para sa ibang tao, at matalinong paghatol ay dapat talakayin sa konteksto ng pagpapatatag sa mga miyembro at kung paano pinakamabisang magagamit ang mga meetinghouse.
Bilang paghahanda sa miting na ito, ang DTA at kanyang mga tauhan ay nagbibigay ng impormasyon na tutulong sa mga priesthood leader na maunawaan ang kasalukuyang mga sitwasyon at kung paano nagbabago ang mga unit batay sa mga nakaraang paglago.
Maaaring piliin ng Area Seventy na magdaos ng mga karagdagang miting kung kinakailangan para lumikha ng plano. Ang mga miting na ito ay magandang pagkakataon para sa sama-samang pagsasanggunian tungkol sa mga aksyon na kinakailangan upang malikha at maipatupad ang isang epektibong plano.
Itinuturo din ng Area Seveny ang doktrina, mga alituntunin, at mga tuntunin sa mga stake president na hindi kabilang sa master planning. Ang mga alituntunin ng master planning ay angkop din kapag isinasaalang-alang ang pangangailangan para sa mga meetinghouse sa mga stake na ito.