Stake Presidency
5. Paaprubahan ang Master Plan


“5. “Paaprubahan ang Master Plan,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning (2022)

“Paaprubahan ang Master Plan,” Mga Tuntunin para sa Meetinghouse Master Planning

lalaking nagsasalita

5.

Paaprubahan ang Master Plan

Ang Area Seventy, mga stake president, at ang DTA at kanyang mga tauhan ay sama-samang nagtutulungan upang tapusin ang master plan. Ang final master plan ay mayroong dalawang pangunahing elemento (tulad ng makikita sa image 2):

  1. Ang mga pagbabago sa mga hangganan ng unit na iminungkahi ng mga priesthood leader, kung mayroon

  2. Mga rekomendasyon sa meetinghouse, kung mayroon

pamilyang nakangiti at nagtatawanan

Ang DTA at kanyang mga tauhan ay gumagawa ng isang final master plan presentation, kasama ang mga suportang dokumento, at ibinabahagi ito sa mga miyembro ng coordinating council o multistake committee.

Dapat kasama sa huling plano ang iminungkahing mga pagbabago para sa hindi bababa sa limang taon at dapat aprubahan ito ng lahat ng priesthood leader.

  • Ang mga meetinghouse master plan ay dapat magkasamang aprubahan ng Area Presidency at ng Meetinghouse Facilities Department.

  • Ang DTA, at ang Area Seventy kung posible, ay ipakikita ang master plan sa Area Presidency para sa kanilang pag-apruba. Kung may kinakailangang mga pagbabago sa ecclesiastical plan, ang Area Seventy ay makikipagtulungan sa mga stake president at sa mga tauhan ng DTA.

  • Matapos aprubahan ng Area Presidency, isusumite ng DTA ang master plan sa Meetinghouse Facilities Department at sa headquarters ng Simbahan para marebyu at maaprubahan.

  • Pagkatapos makuha ang pag-apruba, ipinatutupad ng mga stake president at ng DTA team ang plano ayon sa limang-taong iskedyul.

Halimbawa ng Master Plan

Image 1

master plan summary image

Karaniwang kasama sa buod na ito ang isang mapa ng mga unit na ginagawan ng master plan.

Image 2

unit and facility summary chart