Karagdagang mga Tulong para sa Pag-unlad ng mga Guro
Learning Experience 14: Pambungad sa Doctrinal Mastery


“Learning Experience 14: Pambungad sa Doctrinal Mastery,” Training Resource para sa mga Bagong Titser: Ang Teacher-Improvement Companion ng Hanbuk sa Pagtuturo at Pag-aaral ng Ebanghelyo (2016)

“Learning Experience 14,” Training Resource para sa mga Bagong Titser

Learning Experience 14

Pambungad sa Doctrinal Mastery

Buod

Kabilang sa learning experience na ito ang mga sumusunod na konsepto:

  • Pag-unawa sa mga layunin at mga minimithing resulta ng Doctrinal Mastery

  • Pag-aaral at pagsasabuhay ng mga banal na alituntunin para magtamo ng espirituwal na kaalaman sa Doctrinal Mastery

  • Pagiging mahusay sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo

  • Pagsasagawa ng Doctrinal Mastery sa loob ng klase

Paalala: Ang learning experience na ito ay nagbibigay ng buod ng mga alituntunin at pagsasagawa ng Doctrinal Mastery. Para mas lalo itong mapag-aralan, mangyaring tingnan ang Doctrinal Mastery Core Document, ang handout na “Buod ng Doctrinal Mastery,” at ang doctrinalmastery.lds.org.

Mga Pangunahing Konsepto

Bakit Doctrinal Mastery?

Bilang mga titser sa Seminaries and Institutes of Religion, hangad nating tulungan ang mga estudyante na maitayo ang kanilang saligan kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila na makaunawa, maniwala, at mamuhay ayon sa Kanyang doktrina (tingnan sa Helaman 5:12). Gayunman, ang mga titser at estudyante ngayon ay parehong nahaharap sa malalaking hamon o pagsubok sa pagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo. Isipin ang ilang halimbawa ng mga hamong ito sa iyong buhay at sa buhay ng iyong mga estudyante. Inilarawan ni Elder M. Russell Ballard ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ilan sa mga hamon sa buhay na kinakaharap ng mga estudyante at mga titser:

Elder M. Russell Ballard

“Lipas na ang panahon na protektado ang mga estudyante mula sa mga umaatake sa Simbahan. …

“… [Hindi] lahat ng estudyante ninyo ay may pananampalatayang kailangan para harapin ang parating na mga hamon. …

“[Nabubuhay tayo sa panahong] may dagliang access ang mga estudyante sa halos lahat ng tungkol sa Simbahan mula sa lahat ng posibleng opinyon. Ngayon, ang nakikita nila sa mga mobile device ay malamang na magpalago o humamon sa kanilang pananampalataya. …

“Dahil sa mga hamong ito, inaprubahan kamakailan ng Board of Education ang bagong inisyatibo sa seminary na tinatawag na Doctrinal Mastery. … Ang bagong inisyatibong ito ay magtutuon sa pagpapalago at pagpapalakas ng pananampalataya ng ating mga estudyante kay Jesucristo at pagpapaibayo ng kakayahan nilang mamuhay ayon sa ebanghelyo. …

“Ang inisyatibong ito ay inspirado at napapanahon. Maganda ang magiging impluwensya nito sa ating mga kabataan” (M. Russell Ballard, “Ang mga Oportunidad at Responsibilidad ng mga CES Teacher sa Ika-21 Siglo” [mensahe sa Church Educational System religious educators, Peb. 26, 2016]).

Ano ang Doctrinal Mastery?

video iconUpang matulungan ka na mas maunawaan ang Doctrinal Mastery initiative, panoorin ang video na “What Is Doctrinal Mastery?” (3:53), makukuha sa LDS.org. Habang pinanonood mo ito, isaisip ang mga sumusunod na tanong:

  • Bakit inspirado at napapanahon ang Doctrinal Mastery para sa mga kabataan ngayon?

  • Ano ang mga minimithing resulta ng Doctrinal Mastery?

4:3

Mga Minimithing Resulta ng Doctrinal Mastery

Doctrinal Mastery graphic base layer

Ang Doctrinal Mastery ay nagtutuon sa dalawang resulta:

  • Pag-aaral at pagsasabuhay ng mga banal na alituntunin para magtamo ng espirituwal na kaalaman

  • Pagiging mahusay sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo at sa mga scripture passage kung saan itinuro ang doktrina

Ang dalawang resultang ito ay mahalaga at makatutulong sa mga estudyante na maitayo ang kanilang saligan kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina. Kapag nakamtan ng mga estudyante ang mga resultang ito, pinalalalim nila ang kanilang conversion at matutulungan ang iba na gawin din ang gayon.

Sa learning experience na ito, susuriin natin nang mas detalyado ang bawat resulta ng Doctrinal Mastery, makita kung paano ito ginagawa sa klase, at maunawaan nang mabuti kung paano mas lubos na mapagpapala ni Jesucristo at ng Kanyang doktrina ang mga estudyante.

Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman

Ang unang resulta ay tulungan ang iyong mga estudyante na matutuhan at ipamuhay ang mga banal na alituntunin para magtamo ng espirituwal na kaalaman. Nalalaman ng Diyos ang lahat ng bagay at Siya ang pinagmumulan ng lahat ng katotohanan. Dahil mahal Niya tayo, nais Niya na tulungan tayo na mahanap ang katotohanan kapag nagsisikap tayo na malaman at maunawaan ang Kanyang doktrina at kapag naghahanap tayo ng sagot sa ating mga tanong at mga alalahanin.

Habang pinag-aaralan mo ang bahaging ito, isipin ang ilan sa mga tanong at mga alalahanin na maaaring mayroon ang iyong mga estudyante, tulad ng: “Bakit maraming paghihirap sa mundo?” “Nag-asawa ba ng higit sa isa si Joseph Smith?” at “Mahal ba ako ng Diyos?”

Doctrinal Mastery graphic sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Ang sumusunod na tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay gagabay kapwa sa mga titser at estudyante habang sinisikap nilang matutuhan at maunawaan ang mga walang hanggang katotohanan, masagot ang mga tanong at mga alalahanin, at gumawa ng mga desisyon sa kanilang pang-araw-araw na buhay:

  • Kumilos nang may pananampalataya

  • Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

  • Hangarin na mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Bawat isa sa mga alituntuning ito ay ipinaliwanag pa at inilarawan sa mga sumusunod na bahagi.

Kumilos nang may Pananampalataya

Kapag kumikilos tayo nang may pananampalataya, tayo ay nagtitiwala sa Diyos at unang bumabaling sa Kanya sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal, pag-aaral, at pagsunod. Umaasa tayo sa alam na natin na totoo at patuloy na naghahanap ng mga sagot. Nagtitiwala tayo na masasagot at malulutas ang ating mga tanong at mga alalahanin sa takdang panahon ng Panginoon.

video iconPanoorin ang video na “Kumilos nang may Pananampalataya: Ang Kantero” (4:58), makukuha sa LDS.org. Habang pinanonood mo ang video na ito, alamin kung paano masasagot kalaunan ang ating mga tanong at mga alalahanin sa pamamagitan ng patuloy na pagkilos nang may pananampalataya.

4:56

Suriin ang mga Konsepto at Tanong nang May Walang-hanggang Pananaw

Sa pagsuri sa ating mga tanong, alalahanin, isyung panlipunan, at mga pangyayari sa kasaysayan sa konteksto ng plano ng kaligtasan at mga turo ng Tagapagligtas, inaanyayahan natin ang Espiritu Santo na tulungan tayong makita ang mga bagay tulad ng pagkakita rito ng Panginoon. Nagtutuon tayo sa mahahalagang aspeto ng ebanghelyo at hindi nagugulumihanan ng mga detalyeng hindi gaanong mahalaga.

video iconPanoorin ang video na “Pagsuri sa mga Tanong nang may Walang-hanggang Pananaw” (2:56), makukuha sa LDS.org. Habang pinanonood mo ang video na ito, tingnan kung paano natin mare-reframe o mababago ang mga tanong at mga alalahanin (o makita ito sa ibang paraan) at tingnan ang mga ideya batay sa pamantayan ng katotohanan ng Panginoon sa halip na tanggapin ang mga paniniwala o palagay ng mundo. Habang pinanonood mo ito, isaisip ang sumusunod na tanong:

  • Paano nakatutulong sa iyong mga estudyante ang pag-unawa sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit para mas makita nila ang kanilang mga tanong at mga alalahanin nang may walang-hanggang pananaw?

2:58

share iconIsulat ang iyong mga sagot sa tanong na ito sa iyong study journal o sa iba pa kung saan mo ito madaling makikita at ibahagi ang mga ito sa iyong inservice leader o inservice group.

Hangarin na Mas Makaunawa sa Pamamagitan ng Sources na Itinalaga ng Diyos

Kapag naghangad tayo na mas makaunawa pa sa pamamagitan ng mga ibinigay na tulong o sources ng Diyos, nagtatamo tayo ng espirituwal na kaalaman sa pamamagitan ng Espiritu Santo, mga banal na kasulatan, mga propeta, mga magulang, mga lider ng Simbahan, at iba pang mga mapagkakatiwalaang sources. Kapag natuto tayo mula sa mga sources na ito, natututuhan natin na makilala at mahiwatigan ang katotohanan sa kamalian.

Isipin ang mga sources o tulong na ibinigay ng Diyos na maaari ninyong gamitin ng iyong mga estudyante para lalo pang makaunawa, gaya ng mga banal na kasulatan at mga mensahe mula sa pangkalahatang kumperensya. Isipin din ang mga iba pang mapagkakatiwalaang sources na magagamit mo, gaya ng mga sources sa “Gospel Topics, Essays, and Other Resources” page sa LDS.org.

Doctrinal Mastery Core Document Activity

Pag-aralan ang bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” sa Doctrinal Mastery Core Document para marebyu at maging mas pamilyar sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Pag-aralang muli ang tatlong alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman na nakasaad sa bahaging ito, at salungguhitan ang iba pang mahahalagang aspeto ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.

Pagiging Mahusay sa Doktrina

Ang pangalawang resulta ng Doctrinal Mastery ay pagiging mahusay sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo. Sa pagiging mahusay sa doktrina, ang mga estudyante ay magiging mahusay sa paggamit ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa kanilang pagsasaliksik ng katotohanan.

Doctrinal Mastery graphic sa pagiging mahusay sa doktrina

Ang sumusunod ay tatlong mahalagang bagay sa pagiging mahusay sa doktrina:

  • Nauunawaan ang mga paksa ng doktrina at mahahalagang pahayag ng doktrina

  • Nalalaman ang mga doctrinal mastery passage

  • Naipaliliwanag at naipamumuhay ang doktrina

Nauunawaan ang mga Paksa ng Doktrina at Mahahalagang Pahayag ng Doktrina

Bukod pa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman, pag-aaralan ng mga estudyante ang siyam na paksa ng doktrina. Kabilang sa bawat paksa ng doktrina ang mga pahayag ng doktrina na mahalagang maunawaan, mapaniwalaan, at maipamuhay ng mga estudyante. Ilan sa mga pahayag na ito ng doktrina mula sa Doctrinal Mastery Core Document ay tinatawag na mahahalagang pahayag ng doktrina. Ang mahahalagang pahayag na ito ay may kaugnay na mga doctrinal mastery scripture passage na tumutulong na maituro ang mga partikular na aspeto ng mga pahayag ng doktrina.

Nalalaman ang mga Doctrinal Mastery Passage

Mayroong 25 doctrinal mastery passage para sa bawat kurso ng pag-aaral (100 passage sa kabuuan). Ang mga scripture passage na ito ay tumutulong na maituro ang mga aspeto ng mahahalagang pahayag na nauugnay sa bawat paksa ng doktrina. Halimbawa, ang sumusunod na mahalagang pahayag ng doktrina ay nauugnay sa isang doctrinal mastery passage mula sa paksa ng doktrina na “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo”: “Ang sakripisyo [ni Jesucristo] ay pakikinabangan ng bawat isa sa atin at nagpapakita ng walang-hanggang kahalagahan ng bawat isa sa mga anak ng Ama sa Langit (tingnan sa D at T 18:10–11)” (Doctrinal Mastery Core Document [2016], 8). Ang pagtulong sa mga estudyante na maalala at mahanap ang mga scripture passage na ito, at maunawaan kung paano nakatutulong ang mga scripture passage sa pagtuturo ng doktrina ng Tagapagligtas ay isang mahalagang bahagi ng iyong gawain bilang titser.

Naipaliliwanag at Naipamumuhay ang Doktrina

Isang mahalagang bahagi ng pagiging mahusay sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo ay ang kakayahang maipaliwanag nang malinaw ang bawat mahalagang pahayag ng doktrina at maunawaan kung paano tumutulong ang mga doctrinal mastery passage na maituro ang mahahalagang pahayag na iyon. Kapag nauunawaan ng mga estudyante ang doktrina at nahahanap at naaalala ang mga doctrinal mastery passage at ang kaugnay nito na mahahalagang pahayag ng doktrina, mas maipamumuhay nila ang doktrina at maipaliliwanag ito sa iba. Tulad ng itinuro ni Pangulong Boyd K. Packer (1924–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ang totoong doktrina na naunawaan, ay nagpapabago ng ugali at gawi” (“Little Children,” Ensign, Nob. 1986, 17).

Doctrinal Mastery Core Document Activity

Mabilis na basahin ang siyam na paksa sa Doctrinal Mastery Core Document para makita kung paano inayos ang mga ito. Pag-aralan ang unang talata sa paksa ng doktrina 3, “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” at alamin kung paano isinama ang mga doctrinal mastery passage sa mga paksa ng doktrina at nakatulong na maituro ang mahahalagang pahayag ng doktrina na nakasaad sa unahan ng mga ito. Isipin kung paano matutulungan ng doktrinang ito ang mga estudyante na maitayo ang kanilang saligan kay Jesucristo at magsimula sa pagsagot sa sarili nilang mga tanong at mga alalahanin, tulad ng “Mahal ba ako ng Diyos?”

Doctrinal Mastery sa Silid-aralan

Doctrinal Mastery graphic final layer

Ngayong nauunawaan mo na ang mga resulta ng Doctrinal Mastery at kung paano makatutulong ang mga ito sa mga estudyante na maitayo ang kanilang saligan kay Jesucristo, pag-aaralan natin kung paano gagamitin at ituturo ang mga ito sa klase.

Ang Doctrinal Mastery curriculum ay tumutulong sa mga titser at mga estudyante na matutuhan at maipamuhay ang mga alituntunin na nauugnay sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang siyam na mga paksa ng doktrina. Ang mga pangunahing bahagi ng kurikulum ay kinabibilangan ng:

  • Pag-unawa sa doktrina: Isang serye ng mga aktibidad sa pag-aaral o segment na tumutulong sa mga estudyante na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa bawat paksa ng doktrina, sa kaugnay na mahahalagang pahayag ng doktrina, at sa kaugnay na mga doctrinal mastery passage.

  • Mga pagsasanay: Mga pagsasanay na kinapapalooban ng mga case study, dula-dulaan, sitwasyon, at mga tanong na makatutulong sa mga estudyante na gamitin ang mga alituntunin sa pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang mga doktrina sa mga makabagong kalagayan at mga kaugnay na tanong.

  • Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery: Mga aktibidad na makatutulong sa mga estudyante na mahanap, maalala, at maging mahusay sa mahahalagang pahayag ng doktrina at mga kaugnay na mga doctrinal mastery passage.

Doctrinal Mastery Material Activity para sa Titser

Para makita kung paano gagamitin ang Doctrinal Mastery sa klase, buksan ang iyong Doctrinal Mastery material para sa titser sa lesson na pinamagatang “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo.” Sa lesson na ito, pag-aralan ang mga sumusunod na gawain sa klase: (1) pag-unawa sa doktrina, (2) mga pagsasanay, at (3) pagrerebyu ng Doctrinal Mastery. Pansinin na sa gawaing pag-unawa sa doktrina, ang mahahalagang pahayag ng doktrina ay nakasulat sa maiitim na titik at may kaugnay na mga doctrinal mastery passage upang matulungan ang mga estudyante na maging mahusay sa doktrina. Tandaan na sa mga pagsasanay, ang mga estudyante ay inaanyayahang ipaliwanag at gamitin ang doktrina sa pagsagot sa mga tanong at alalahanin mula sa sarili nilang buhay at sa buhay ng iba. Kapag nakibahagi ang mga estudyante sa mga pagsasanay, mahalagang gamitin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Panghuli, tandaan na layunin ng pagrerebyu ng Doctrinal Mastery ang tulungan ang mga estudyante na mahanap, maalala, at maging mahusay sa mahahalagang pahayag ng doktrina at sa kaugnay na mga doctrinal mastery passage.

Doctrinal Mastery Material Activity para sa Titser

Para maranasan mo kung paano magagamit ang Doctrinal Mastery sa klase, buksan ang iyong Doctrinal Mastery material para sa titser sa lesson na pinamagatang “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo.” Gawin ang pagsasanay. Isipin kung ano ang maaaring gawin at madama ng iyong mga estudyante sa oras ng klase at kung paano nila gagamitin ang natutuhan nila tungkol sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at sa mga gagawin upang maging mahusay sa doktrina. Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano matutulungan ng Doctrinal Mastery ang mga estudyante na mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo at maunawaan ang Kanyang doktrina?

  • Paano nasasagot ng Doctrinal Mastery ang mga tanong at mga alalahanin ng mga estudyante (sa sitwasyong ito ang tanong ay, “Mahal ba ako ng Diyos?”)?

share iconIsulat ang iyong mga sagot sa tanong na ito sa iyong study journal o sa iba pa kung saan mo ito madaling makikita at ibahagi ang mga ito sa iyong inservice leader o inservice group.

Ang iyong mga estudyante ay pagpapalain kapag ginamit nila ang mga alituntunin at pagsasagawa ng Doctrinal Mastery sa buong buhay nila.

video iconPanoorin ang video na “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman: Kuwento ni Madison” (8:36), na makukuha sa LDS.org. Sa video na ito, ginamit ng isang dalagitang nagngangalang Madison ang alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang makatanggap ng mga sagot sa kanyang tanong at upang maturuan at matulungan ang iba na malaman ang katotohanan. Habang pinanonood mo ito, isaisip ang mga sumusunod na tanong:

  • Paano makatutulong ang Doctrinal Mastery sa iyong mga estudyante para maitayo nila ang kanilang saligan kay Jesucristo at sa Kanyang doktrina?

  • Paano makatutulong sa iyo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman para maakay mo ang isang estudyante na malaman ang katotohanan at matuklasan ang mga sagot sa kanyang tanong?

  • Paano makatutulong ang mga alituntunin ng Doctrinal Mastery sa mga estudyante para matulungan nila ang iba na magtamo ng espirituwal na kaalaman?

8:35

Mga Karagdagang Bagay na Isasaalang-alang sa Doctrinal Mastery

Ang mga sumusunod na isasaalang-alang ay makatutulong sa iyo na magamit nang mainam ang Doctrinal Mastery sa iyong klase. Hingin ang tulong ng Panginoon at ang payo ng iyong coordinator sa inyong lugar para malaman kung paano pinakamainam na maisasagawa o magagamit ang Doctrinal Mastery sa iyong assignment at para sa iyong mga estudyante.

  • Gamitin ang handout na “Buod ng Doctrinal Mastery” na nasa apendiks ng manwal na ito para marebyu at matandaan ang bawat bahagi ng Doctrinal Mastery at kung paano nauugnay sa isa’t isa ang mga bahagi nito.

  • Ang Doctrinal Mastery at ang pagtuturo ng mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunud-sunod nito [sequential scripture teaching] ay magkahiwalay at magkaiba, at parehong mahalagang bahagi ng karanasan ng mga estudyante sa seminary. Upang matagumpay na maituro ang dalawang ito, kinakailangang planuhin mong mabuti ang iyong mga lesson gamit ang iminungkahing pacing guide, nang naayon din sa mga pangangailangan sa inyong lugar.

  • Gayunman, ang mga konsepto at mga alituntunin ng Doctrinal Mastery ay maaari pa ring gamitin sa mga sequential lesson o iba pang mga sitwasyon sa buong taon kapag nagkaroon ng mga tanong o alalahanin sa klase. Ang pagbibigay-diin sa mga doctrinal mastery passage kapag nabanggit ang mga ito sa pag-aaral ninyo ng mga banal na kasulatan ayon sa pagkakasunud-sunod nito ay tutulong sa mga estudyante na magtamo ng malalim na pagkaunawa sa bawat scripture passage at nabibigyang-diin ang kahalagahan ng mga katotohanan sa bawat scripture passage na itinuturo.

  • Ang Doctrinal Mastery ay nagpapalakas at pumapalit sa Scripture Mastery program. Ang mga nilalaman tungkol sa scripture mastery sa mga naunang lathalain ay dapat palitan ng mga doctrinal mastery activity at mga doctrinal mastery scripture passage.

  • Para sa karagdagang kaalaman at patnubay, bisitahin ang doctrinalmastery.lds.org.

Buod at Pagsasabuhay

Mga Alituntuning Dapat Tandaan

  • Ang Doctrinal Mastery ay isang inspiradong inisyatibo na magpapala sa ating mga estudyante habang sila ay umuunlad at nahaharap sa mahihirap na hamon at pagsubok.

  • Ang Doctrinal Mastery ay nakatuon sa dalawang resulta: (1) pag-aaral at pagsasabuhay ng mga banal na alituntunin para magtamo ng espirituwal na kaalaman at (2) pagiging mahusay sa doktrina ng ebanghelyo ni Jesucristo at sa mga scripture passage kung saan itinuro ang doktrina.

  • Ang pagtulong sa mga estudyante na matamo ang mga resulta ng Doctrinal Mastery ay tutulong sa kanila na maitayo ang kanilang saligan kay Jesucristo kapag naunawaan, naniwala, at namuhay sila ayon sa Kanyang doktrina.

Elder Kim B. Clark

“Ang Doctrinal Mastery ay isang programa sa seminary na may tatlong pakay: una, tulungan ang ating mga estudyante na malaman kung paano magkaroon ng espirituwal na kaalaman; pangalawa, tulungan ang mga estudyante na malaman at maunawaan ang doktrina ng Tagapagligtas—ibig sabihin malaman ang tunay na doktrina sa kanilang isipan at maunawaan ang tunay na doktrina sa kanilang puso, at nais nating [tumimo] ito sa kanilang puso; at pangatlo, tulungan ang mga estudyante na malaman kung paano ipamuhay ang doktrina, kapwa ipamuhay ito mismo at gamitin sa pagsagot sa mga tanong ng kanilang mga kaibigan o para turuan at tulungan ang iba na malaman ang katotohanan” (Kim B. Clark, “Doctrinal Mastery at Malalim na Pag-aaral” [mensahe sa Church Educational System religious educators, Peb. 17, 2017]).

Ano Ngayon ang Gagawin Natin?

Tapusin ang learning experience na ito sa pagsulat ng ilang bagay na gagawin mo ayon sa mga alituntunin na natutuhan mo sa araw na ito.