Mga Seminary at Institute
Mensahe mula sa Unang Panguluhan


“Mensahe mula sa Unang Panguluhan,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan (2022)

“Mensahe mula sa Unang Panguluhan,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas

Mensahe mula sa Unang Panguluhan

Mahal naming mga kapatid,

Isang magandang pagkakataon ang maituro ninyo ang ebanghelyo ni Jesucristo! May partikular na tungkulin man kayo na magturo o wala, kayo ay isang guro. Bilang disipulo ng Dalubhasang Guro na si Jesucristo, may mga pagkakataon kayong ibahagi ang Kanyang liwanag saanman kayo magtungo—sa tahanan, sa simbahan, sa paglilingkod ninyo sa iba, at sa inyong mga kaibigan. Ang pagtuturo ng ebanghelyo ay isang sagradong responsibilidad. Mahalagang bahagi ito ng gawain ng Panginoon, at pinakamabisa ito kapag ginagawa natin ito sa Kanyang paraan.

Inaanyayahan namin kayong pag-aralan pa ang tungkol kay Jesucristo at kung paano Niya itinuro ang ebanghelyo. Pag-aralan nang may panalangin ang Kanyang mga salita, gawa, at mga katangian, at sikaping sundin Siya nang mas lubos. Ang Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas ay maaaring maging gabay ninyo.

Ang Unang Panguluhan