Mga Seminary at Institute
Buod ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo


“Buod ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas (2022)

Buod ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo

Nakasaad sa mga sumusunod na chart ang buod ng mga alituntuning itinuro sa resource na ito.

Magtuon kay Jesucristo

Magturo tungkol kay Jesucristo Anuman ang Itinuturo Mo

  • Bigyang-diin ang halimbawa ni Jesucristo.

  • Ituro ang tungkol sa mga titulo, tungkuling ginagampanan, at mga katangian ni Jesucristo.

  • Maghanap ng mga simbolo na nagpapatotoo kay Jesucristo.

Tulungan ang mga Mag-aaral na Lumapit kay Jesucristo

  • Tulungan ang mga mag-aaral na madama ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay.

  • Tulungan ang mga mag-aaral na patibayin ang kanilang ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Tulungan ang mga mag-aaral na magsikap nang mabuti na maging higit na katulad ni Jesucristo.

Mga Alituntunin ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo

Mahalin ang mga Tinuturuan Mo

  • Tingnan ang mga mag-aaral kung paano sila nakikita ng Diyos.

  • Sikaping makilala sila—unawain ang kanilang mga kalagayan, pangangailangan, at kalakasan.

  • Banggitin ang kanilang pangalan kapag ipinagdarasal sila.

  • Lumikha ng ligtas na kapaligiran kung saan iginagalang ang lahat at alam nilang pinahahalagahan ang kanilang partisipasyon at mga ibinahagi.

  • Maghanap ng mga angkop na paraan para maipakita ang iyong pagmamahal.

Magturo sa pamamagitan ng Espiritu

  • Espirituwal na ihanda ang iyong sarili.

  • Laging maging handang tumugon sa mga espirituwal na pahiwatig tungkol sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.

  • Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral.

  • Tulungan ang mga mag-aaral na maghangad, makahiwatig, at kumilos ayon sa personal na paghahayag.

  • Magpatotoo nang madalas, at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadama, naranasan, at patotoo.

Ituro ang Doktrina

  • Pag-aralan ang doktrina ni Jesucristo para sa iyong sarili.

  • Magturo mula sa mga banal na kasulatan at sa mga salita ng mga propeta sa mga huling araw.

  • Tulungan ang mga mag-aaral na mahanap, malaman, at maunawaan ang mga katotohanan sa mga banal na kasulatan.

  • Magtuon sa mga katotohanang humahantong sa pagbabalik-loob at nagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo.

  • Tulungan ang mga mag-aaral na makahanap ng personal na kaugnayan sa doktrina ni Jesucristo.

Maghikayat ng Masigasig na Pag-aaral

  • Tulungan ang mga mag-aaral na maging responsable sa kanilang pag-aaral.

  • Hikayatin ang mga mag-aaral na makilala ang Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo araw-araw.

  • Anyayahan ang mga mag-aaral na maghandang matuto.

  • Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang mga katotohanang natututuhan nila.

  • Anyayahan ang mga mag-aaral na ipamuhay ang natututuhan nila.

Larawan
Chart ng Buod ng Pagtuturo na Tulad ng kay Cristo

Print