“Ang Layunin ng Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas: Para sa Lahat ng Nagtuturo sa Tahanan at sa Simbahan (2022)
“Ang Layunin ng Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas,” Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
Ang Layunin ng Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas
Ang mga alituntuning inilarawan sa resource na ito ay makatutulong sa bawat guro ng ebanghelyo na magturo sa paraan ng Tagapagligtas. Kabilang diyan ang mga magulang, ministering brother at sister, seminary at institute teacher, at ang sinuman na ang tungkulin sa Simbahan ay nagbibigay sa kanya ng mga pagkakataong magturo.
Maaari mong pag-aralan ang resource na ito nang mag-isa o gamitin ito bilang gabay sa mga talakayan kasama ang iba tungkol sa kung paano maging mas mahusay na guro. Halimbawa, ang resource na ito ay maaaring gamitin sa mga home evening, presidency meeting, ward o stake council meeting, seminary at institute in-service meeting, at teacher council meeting (tingnan sa “Para sa mga Lider—Pagtulong sa mga Guro na Magtagumpay”).
Paano Nabuo ang Resource na Ito
Ang Bahagi 1 ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutuon kay Jesucristo sa tuwing itinuturo natin ang mga alituntunin ng Kanyang ebanghelyo. Inilalarawan ng bahaging ito kung ano ang itinuturo natin.
Ang Bahagi 2 ay nagbibigay-diin sa mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo. Inilalarawan ng bahaging ito kung paano tayo nagtuturo.
Ang Bahagi 3 ay nagbibigay ng mga praktikal na mungkahi para matulungan ang mga guro na maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtuturo na tulad ng kay Cristo.