“Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Okt. 2023, 6–7.
Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Para sa home evening, o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!
Matching Activity tungkol sa Baluti ng Diyos
Para sa mga taga-Efeso
Kuwento: Itinuro sa atin ni Pablo na isuot ang “buong baluti ng Diyos” (Efeso 6:13–17). Kapag sinusunod natin si Jesucristo, nagkakaroon tayo ng espirituwal na proteksiyon! Basahin ang kuwento sa pahina 46 upang malaman ang iba pa.
Awitin: “Scripture Power” (“Music for Children,” ChurchofJesusChrist.org)
Aktibidad: Buklatin ang pahina 8 para gawin ang isang matching activity. Paano tayo natutulungan ng pamumuhay ng ebanghelyo na maging ligtas?
Kapayapaan mula sa Tagapagligtas
Para sa mga taga-Filipos; mga taga-Colosas
Kuwento: Kapag mahirap ang mga bagay-bagay, maaari tayong manalangin para humingi ng tulong. Dahil sa Tagapagligtas, makadarama tayo ng kapanatagan at kapayapaan. (Tingnan sa Filipos 4:4–7.)
Awitin: “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo” (Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43)
Aktibidad: Sa pahina 10, basahin ang isang kuwento tungkol sa isang batang babae na nakadama ng pagmamahal ni Jesucristo. Pagkatapos ay isipin ang isang pagkakataon na nakadama ka ng kapayapaan dahil sa Kanya. Isulat ito o magdrowing ng isang larawan. Pagkatapos ay ipadala ito sa amin sa Kaibigan! Pumunta sa pabalat sa likod para makita kung paano.
Mga Larawan ng Pasasalamat
Para sa 1 at 2 Tesalonica
Kuwento: Itinuro ni Apostol Pablo, “Sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo” (1 Tesalonica 5:18). Maipapakita natin ang ating pasasalamat sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa iba para sa kanilang tulong. Maaari din tayong magpasalamat sa Ama sa Langit kapag nagdarasal tayo.
Awitin: “Pasasalamat sa Ating Ama” (Aklat ng mga Awit Pambata, 15)
Aktibidad: Ano ang ilan sa mga pagpapalang natanggap mo? Magdrowing o gumupit ng mga larawan mula sa isang magasin tungkol sa ipinagpapasalamat mo. Pagkatapos ay ibigay ang iyong sining sa isang taong gusto mong pasalamatan.
I-Tap ang Ritmo
Para sa 1 at 2 Timoteo; Tito; Filemon
Kuwento: Makagagawa ka ng mga dakilang bagay, gaano ka man kabata! Si Timoteo ay bata pang pinuno ng Simbahan, at tinuruan siya ni Pablo na maging mabuting halimbawa (tingnan sa 1 Timoteo 4:12–16). Paano ka magiging lider at makakatulong sa mga nasa paligid mo?
Awitin: “Isang Sinag ng Araw” (Aklat ng mga Awit Pambata, 38–39)
Aktibidad: Umupo nang pabilog. Gamitin ang iyong mga kamay o patpat para i-tap ang mga ritmo sa lupa. Ang isang tao ay magta-tap ng maikling ritmo, at ang lahat ng iba pa ay gagayahin ito. Maghalinhinan sa pagiging lider. Pagkatapos ng pagkakataon mo, ikuwento ang isang pagkakataon na naging mabuting halimbawa ka sa iba.