“Hello mula sa Peru!” Kaibigan, Okt. 2023, 18–19.
Hello mula sa Peru!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Peru ay isang bansa sa Timog Amerika. Mahigit 33 milyong tao ang naninirahan doon!
Machu Picchu
Ang Machu Picchu ay isang sinaunang lungsod na nasa matataas na Kabundukan ng Andes. Itinayo ito ng mga taong Inca daan-daang taon na ang nakararaan. Gumamit sila ng mga tulay na yari sa lubid upang umakyat sa mga canyon!
Pagpapastol ng mga Hayop
Sa Peru, ang mga tao ay nag-aalaga ng mga tupa, llamas, at alpaca sa mga kabundukan. Ginagamit nila ang lana ng mga hayop para gumawa ng mga damit, kumot, at karpet.
Mga Kulay Rosas na Dolphin
Ang mga kulay rosas na dolphin ay nakatira sa Ilog ng Amazon! Ang ilog ay nagsisimula sa mga kabundukan ng Peru at dumadaloy sa kagubatan ng Amazon.
Mga Wika
Ang Peru ay may tatlong opisyal na wika: Espanyol, Quechua, at Aymara. Karamihan sa mga tao ay nagsasalita ng Espanyol. Marami pang ibang mga wika ang sinasalita sa kagubatan ng Amazon!
Mga templo
Mahigit 600,000 miyembro ng Simbahan ang nakatira sa Peru. Ang Peru ay may tatlong templo, at may tatlo pang itatayo!