2023
Pag-alaala kay Abuela
Oktubre 2023


“Pag-alaala kay Abuela,” Kaibigan, Okt. 2023, 20–21.

Pag-alaala kay Abuela

Dahil kay Jesucristo, lahat tayo ay mabubuhay na muli.

Ang kuwentong ito ay naganap sa Mexico.

Illustrations about a family in Mexico gathering things together to remember their grandma who died. A girl named Lyan is holding a picture in a frame of grandma. There are two little sisters at the table. One of them, named Megan, has a bottle of soda that reminds her of grandma. There mother is holding a plate of “pan de muerto” (sweet bread made for Day of the Dead).   Lyan thinks about hugging her grandmother.

Ngayon ang unang araw ng pagdiriwang ng Día de Muertos, o Day of the Dead. Espesyal na pagkakataon iyon para maalaala ang mga mahal natin sa buhay na namatay na. Palaging gusto ni Lyan na marinig ang mga kuwento tungkol sa kanyang pamilya. Ipinadama nito sa kanya na kasama niya sila, kahit hindi niya sila nakilala.

Ngunit iba ang taong ito. Wala roon ang lola ni Lyan para magdiwang na kasama nila. Namatay siya ilang buwan pa lang ang nakararaan. Sa pagkakataong ito, si Abuela ay isa sa mga miyembro ng pamilya na sama-sama nilang aalalahanin.

Inabot at banayad na hinawakan ni Lyan ang larawan ni Abuela sa ofrenda. Siya at ang kanyang mga kapatid na sina Megan at Leilani ay nagtrabaho nang husto sa buong linggo upang ihanda ito. Maingat nilang pinalamutian ang mesa. Inilagay nila ang mga larawan ng kanilang mga kapamilya. At naglagay sila ng mga bagay para alalahanin rin ang kanilang mga mahal sa buhay sa ofrenda.

Naglagay si Megan ng isang bote ng softdrinks sa mesa.

“Mahilig si Abuela sa ganitong uri ng softdrinks,” sabi ni Megan. “Dapat itong maging bahagi ng ofrenda ng ating pamilya.”

Naalala ni Lyan ang pagbisita sa kanilang lola at pag-inom ng softdrinks kasama niya. Si Abuela ay nagtatanong sa kanila at nakikinig sa kanilang mga kuwento. Iyon ang perpektong bagay na makatutulong sa kanila na maalaala siya. Nang makita ni Lyan ang softdrinks, nais niyang maging mabuting tagapakinig tulad ni Abuela.

Pumasok si Mamá sa silid na may dalang plato ng pan de muerto. Tumakbo papunta sa kanya ang mga kapatid ni Lyan, na nagmamakaawa na makatikim ng isang hiwa. Ito ay isang uri ng matamis na tinapay na kinakain ng mga tao sa buong Mexico para sa Día de Muertos.

“Kakain tayo nito mamaya,” sabi ni Mamá. “Sa ngayon, mananatili ang platong ito sa ofrenda, sa tabi ng larawan ni Abuela.” Ipinatong niya iyon sa mesa. “Mukhang napakaganda nito! Ngayon ay kailangan na lang nating hintayin na umuwi si Papá mula sa trabaho.” Siya at ang mga batang babae ay umupo sa sopa para maghintay.

“Nami-miss ko si Abuela,” sabi ni Lyan. “Sana’y makita natin siya ulit ngayon.”

Niyakap nang mahigpit ni Mamá si Lyan. “Alam ko. Nami-miss ko rin siya. Nakakatulong na alam natin na dahil kay Jesucristo, tayong lahat ay muling mabubuhay. At dahil nabuklod tayo sa templo, magkakasama-sama tayong lahat bilang pamilya balang-araw.”

Ang mga salita ni Mamá ay nagpasaya kay Lyan. Naisip niya ang muli nilang pagkikita ni Abuela at pagyakap dito nang mahigpit.

Illustrations about a family in Mexico gathering things together to remember their grandma who died. A girl named Lyan is holding a picture in a frame of grandma. There are two little sisters at the table. One of them, named Megan, has a bottle of soda that reminds her of grandma. There mother is holding a plate of “pan de muerto” (sweet bread made for Day of the Dead).   Lyan thinks about hugging her grandmother.

Bumukas ang pinto, at pumasok si Papá. Nagalak si Leilani.

“Nakauwi na si Papá! Oras na para sa pan de muerto at hot chocolate!” sabi ni Megan.

“At magkuwento tungkol kay Abuela!” sabi ni Lyan. Lagi niyang nami-miss si Abuela, pero natutuwa siya na may mga bagay siyang magagawa para maalaala siya. Alam niya na dahil kay Jesucristo, makikita niyang muli si Abuela balang-araw.

PDF ng kuwento

Mga larawang-guhit ni Liz Brizzi